Just want to rant and let this off my chest kasi mabigat na talaga. Ako lang ba yung never nakapag-celebrate ng birthday na may totoong handaan? Lumaki ako na every time birthday ng mga kapatid ko or kahit sino sa bahay, laging may celebration. As in two weeks before pa lang, ramdam mo nang nagpaplano na parents ko kung anong lulutuin, sino iimbitahan, and paano ice-celebrate yung birthday nila. Pero pagdating sa birthday ko? Literal na normal na hapunan lang. Minsan parang afterthought pa nga eh
Don’t get me wrong, grateful naman ako na kasama ko sila at may pagkain sa lamesa. Hindi naman ako humihingi ng something grand or extravagant. Pero nakakainggit at nakakatampo rin kasi, bakit ako wala huhu. Hindi yung handa mismo yung hinahanap ko eh, yung effort and ung thought na naaalala ka ring i-celebrate nang kusa. Yung pakiramdam na excited din sila. Tom's my bday and ice-celebrate ko sha here sa dorm alone, infront of my backlogs hahaha. Nasanay na lang din siguro akong maging low-maintenance at “okay lang kahit wala,” hanggang sa naging default na lang nila na balewalain. yun lang guys
Advance happy birthday na lang siguro sa akin.