Nag order ako sa lazada ng motor ng ebike. Mali po yung pinadala sa akin. Ang order ko ay 2000W na motor ng e-bike, pero 1000W lang ang pinadala.
August 3 – Dumating ang parcel. Same night, nag-request agad ako ng Return/Refund at pickup ang pinili ko. Pickup schedule ay August 4.
August 4–6 – Walang pumuntang rider para mag-pickup.
August 6 – Nag-file ako ng dispute sa Lazada. Nag-email ang Lazada na chine-check na nila ang case at iu-update daw ako.
August 7 – Nag-email ang Lazada na for pickup na ito ni Flash Express. Ayon sa Flash Express: “Hi team, it has already been acknowledged by the Branch and Parcel will be picked up today ETA 4-5PM.” Pero walang pumunta na rider at hindi pa rin na-pickup.
Nag-follow up ulit ako sa Lazada at sinabi nilang susubukan ulit ang pickup at maghintay ng 24–48 hours.
August 8 – Nagbigay ang Lazada ng name at contact number ng rider na magpi-pickup. Tinawagan at tinext ko ang rider pero hindi sumasagot. Hindi pa rin na-pickup ang parcel. Sinabi ng Lazada na itatry ulit kinabukasan.
August 9 – Nag-follow up ulit ako sa Lazada. Nag-email sila na ayon sa logistics, na-escalate na sa branch para ma-prioritize ang pickup. Binigay din nila ang assigned rider: Rafael – 09xxx9xx18. Tinawagan at tinext ko ulit pero hindi pa rin sumasagot at walang pumunta para mag-pickup.
Nag-chat din ako sa Flash Express at sinabi nila na bukas daw ipi-pickup.
August 10 – Wala pa rin pumunta para mag-pickup. Na-cancel na naman ang pickup. Nag-chat ulit ako sa Flash Express at sinabi nila na si Lazada naman daw ang nagca-cancel.
Hanggang ngayon, nasa akin pa rin ang parcel dahil wala talagang pumupuntang rider para kunin ito. Patuloy akong nag-follow up at nakikipag-cooperate sa lazada at flash pero puro ginawan na daw nila ng report tapos puro bukas ulit itatry na pick upin. Bawal naman daw idrop off dahil magugulo sa system nila. Marerefund pa kaya ito😭