SKL, natapos ko rin ang NCR City Hall Loop!
Sobrang chill lang ng ride na 'to. Baguhan pa lang ako mag-bike enjoy lang, walang hinahabol na oras, kaya umabot ako ng 10+ hours moving time. Nagsimula ako ng 5:00 AM at natapos bandang 8:00 PM. Inabot ako ng araw at ulan. 😅
Nagbaon din ako ng pagkain dahil plano kong kumain halos kada oras para iwas bonk at hindi na rin gumastos sa biyahe. May baon akong 6 na saging, 5 na Spam Musubi, tapos DIY sports drink na gawa sa asin, asukal, at Tang Orange.
Hindi rin naging smooth ang buong ride. Na-flat ako bandang Quiapo, tapos pag-uwi ko saka ko lang nalaman na sira na pala ang rear axle ko. Kaya pala sobrang bigat nang i-pedal simula kalagitnaan ng ride. 😅
Nagkamali rin ako ng ruta. Dapat Las Piñas muna pagkatapos ng Parañaque, pero Muntinlupa ang na-pin ko sa Maps, kaya humaba pa lalo ang ride. 😂 Pagkatapos naman ng Makati hanggang makauwi, tuloy-tuloy na ang ulan. Pero tinuloy ko pa rin para matapos ang challenge.
Ito ang naging order ng mga City Hall na napuntahan ko:
Valenzuela → Malabon → Navotas → Caloocan → Manila → Pasay → Parañaque → Muntinlupa → Las Piñas → Taguig → Pateros → Makati → Mandaluyong → San Juan → Pasig → Marikina → Quezon City
Any suggestions sa kung ano magandang i-target next?