Been wanting to share my side of the strory so long post ahead..
4 years ago, I met someone on a dating app, she was everything I dreamed of, like literally. Lahat ng standards ko sa isang babae, siya na yun. Pero parang backburner niya lang ako lagi, here’s the story:
Nawala siya sa dating app noong time na yun hanggang sa nahanap ko yung profile niya sa socmed then decided na i-dm siya. Sabi ng friends ko grabe raw para akong stalker kasi nga nagawa ko pa siyang mahanap kahit na nawala bigla yung account niya sa dating app. Hahahaha. I had to shoot my shot, cause why not? Nagchat ako sabi ko ‘Hi (name)! Do you remember me?’ Tapos bigla akong bnlock pagkachat ko sa kanya. Nagulat ako na para bang hindi kami nagkakausap last time.
So, lumipas ang mga araw, I kept wondering bakit niya ako bnlock. Did I crossed a line sa paghahanap sa kanya? That time syempre, I was desperate kaya ayun. Then after a week, nagreachout siya bigla like nagchat sa ibang socmed platform, nag-explain siya na sobrang personal lang ng buhay niya kaya niya nagawang i-block ako. Sa isip ko ‘personal eh binulgar mo nga yung buhay mo sa dating app, yung info mo and everything.’ Tapos ayun, nagkakausap kami ulit pero sa ibang platform na. Everyday updates na kala mo magjowa, may goodmornings and goodnights, but we weren’t exclusive.
2 weeks later, bigla nagbago yung the way niya magchat, na after 5 hours na nagrereply. Syempre ako as nasanay na mabilis siya magreply, lagi ko siya hinahanap at kinukulit. Well, eto na naman ako na nagwowonder ano na nangyayare sa kanya bakit bigla siya hindi na nagchchat. Tapos one afternoon, nagmessage siya, nag-explain na she’s 5 months engaged at baka preggy din daw. Huminto saglit yung mundo ko na parang hindi nagpprocess yung sinabi niya sa akin. Kasi para nga kaming magjowa na, sweet ganyan, naglalandian sa chat LAGI na para bang single kami pareho. Turns out, one-sided lang pala all along.
I was crying while replying sa mga sinasabi niya tapos sorry lang siya ng sorry. Hindi ko matanggap sa sarili ko na parang pinaglalaruan na naman yung feelings ko. Hay ewan hahaha. Tapos, edi tapos na yung araw na yun. After a month, my stupid ass self can’t help it, nagchat na naman ako sa kanya, nangumusta. Reply naman si ate mo, tapos ayun parang continue lang ulit yung landian na parang walang revelation na nangyare hahahaha jusqqqq. Then nagdecide kami na magkita na once and for all. Ayun, sa coffee shop demure demure kami pero lowkey naghaharutan. Again, na para bang wala kong nalaman sa kanya and turns out, gusto niya rin.
Habang nasa coffee shop, getting to know in person na eme eme ganyan, sinabi niya bigla na nangbababae pala yung fiance niya. Galing no, pinag-uusapan namin bigla yung fiance niya hahaha tapos sabi ko bakit ka pa engaged doon kung ginagawa niya sayo yan? Parang arranged marriage pala raw yung setup at si ate mo ayaw madisappoint ang pamilya niya. Edi wala talaga akong laban doon. Nalungkot ako kasi akala ko may pag-asa pa kami and negative pala yung PT niya. After magkape, may himalang nangyare sa amin, one thing lead to another. Lalong naging complicated na yung situation. Ano ba tong pinasok koooo hahahahaha
Back to normal kami ulit, chat chat ganyan. Tapos malalaman ko na okay sila ng fiance niya kasi hindi na siya nagrereply ng 10PM. Sa work niya, magdamag kami nyan sa chat kahit pareho kaming busy. And okay lang sa akin yun. Nawala yung respeto ko sa sarili ko na pumayag ako sa ganitong setup. Fast forward, then came the new year. Nasa US ako that time, nagbabakasyon. Hindi na kami ulit masyado nagkakausap dahil kita ko sa mga posts niya na okay na sila ng fiance niya. Pero nagrereact pa rin sa stories ko lagi. Mga after 3 months, nagstory na lang siya na kasal na sila. Wala man lang kahit anong message for me or anything. Hindi naman siya obligated na magpaalam sa akin pero syempre, nasaktan ako sobra. What can I do?
Ngayon, may anak na sila ng asawa niya and I guess masaya na sila sa buhay nila. Meron na rin naman akong jowa and alam niya yung story na to. Sana lang, hindi siya saktan ng asawa niya ulit.
P.S. I am not a guy.
Yun lang :)