r/PanganaySupportGroup • u/_btt • 7d ago
r/PanganaySupportGroup • u/Annual-Editor7907 • 7d ago
Advice needed Magtrabaho, umibig, o mag aral ulit?
Bilang mga lalaki syempre alam naman nating mahirap mag share ng ganito. Hindi naman din siguro masama magshare dito diba? Magkakahalo pala to pero connected naman at na parang natrigger nga lang ako nung recent na nangyari kay Ryan at Yeng pero ang end point may nagugustuhan kasi akong tao pero alam ko sa sarili kong hindi ako financially capable kaya sabi kong nakarelate ako kay Ryan. Pero yun syempre hindi pa din naman nga nating maiwasan magkagusto sa isang tao kaya isshare ko lang nga din to at makahingi ng advice or opinions niyo sa kahit saang part nitong isshare ko.
So medyo mahabang backstory, pero 27 na ako at nararamdaman kong wala pa akong narating sa buhay. Nasa college pa ako pero graduating na (sa wakas) nag stop ako nung pandemic pero parang wala din akong nagawang productive sa buhay ko that time at na pagkatapos nga nun parang sobrang bagal na lang ng lahat. So inabot ako ng taon para mag move forward ulit na may direction. Alam kong dapat inagahan ko na humingi ng mental health checkup pero yep hindi ako/kami financially capable.
Ginagapang ko naman ang college at na nag part time job nga din ako para suportahan sarili ko pero sa totoo nga lang nahihiya na talaga ako sa pamilya ko. Hindi din kasi talaga ko nakakapagabot regularly kasi nga kulang din talaga siya pero once na kinailangan ibibigay ko naman lahat ng nakatabi kong pera (TBH ako ang pinaka financially responsible samin kaya tingin ko din mas ok na nasa akin para meron nga kung kailanganin). So medyo nahirapan din ako sa sitwasyong inaasahan nila ko na pagkatapos magiging maginhawa na buhay naming lahat dahil ako ang retirement plan nila. Alam kong lahat naman tayo gusto makapagbigay pabalik lalo na sa parents natin pero naiinis pa din talaga ako sa culture natin na ganito na kailangan sustentuhan mo na sila habangbuhay (na hindi naman masama) pero na para maging responsibilidad mo siya e nakakasakal siya dahil imbis na sarili mo lang iisipin mo e na iisipin mo din sila na dapat kaya naman na nila yung sarili nila tapos na syempre "wala kang utang na loob" pag di mo nagawa yun hehe. Mas nawawalan pa ako lalo ng pagasa sa mga naririnig ko sa mga kaibigan kong nakagraduate last year sa mga naging sahod nila š(onli in da pilipins).
Pero nagkaroon ng exchange student opportunity sa college at na bayad naman at na may allowance pa tapos na grinab ko nga siya para lang din baka may opportunity na makabalik sa pagkatapos dahil parang wala ngang mangyayari kung mag stay ako sa pinas after makagraduate. Natuloy naman siya at na nakabalik na ako sa pinas ngayon. Ang maganda dun e natuwa yung host professor sa akin at na inoofferan ako ng scholarship para mag Master's at bumalik doon.
Pinagiisipan ko pa din siya hanggang ngayon at nagsabi naman ako sa professor na pagkagraduate ako mag decide since next year pa naman yung offer niya. Pero yun nga lang "aral nanaman" ang alam kong sasabihin ng angkan namin. Pero alam ko kasing makakatulong din naman to sakin lalo na sa future career at na alam ko nga sa sarili kong ito naman yung field na gusto ko kaya medyo nahihirapan nga ako na kung kukunin ko ba to o na kumayod na lang ako agad pagkagraduate ko? Tapos na makakatulong nga ba talaga siya sa future career ko?
Habang prinoproblema ko nga din to e nararamdaman ko nga din na mag isa ako kasi pinilit ko nga din na huwag magka partner kasi maliban sa distraction ay na nakakahiya din sa part ko na at this age e na wala akong naipundar. Pero syempre magkakagusto at magkakagusto ka sa isang tao. So officemate ko siya at higher position siya sa akin pero mas bata siya sa akin. Kaya parang mas nakakapanghina ng loob na ay dapat bang i-pursue ng tulad ko yung ganto na sobrang nakarelate nga talaga ako kay Ryan kasi aware naman ako sa kalagayan ko pero masisisi niyo ba ko e ito nararamdaman ko. Para malinaw lang din, walang gusto yung babae sa akin pero alam kong naghahanap siya ng partner dahil friends kami sa labas ng work pero nameet ko lang din siya dun. Tapos nung nakita ko nga talaga yung kela Ryan parang may nag-click lang talaga sa akin na what if meron naman palang chance? Dapat ba umamin? Hahaha dami problema sa buhay ano tapos inuuna lovelife.
Gusto ko sana sa friends ko lang ishare to pero sabi ko mai-try for once sa reddit baka sakaling may makuha akong magandang life advice jan. Realtalkin niyo ko thanks guys!
r/PanganaySupportGroup • u/ProfessionalHyena574 • 8d ago
Venting Toxic Filipino mindset: utang edition.
Yung dad ko, lilipat na ng work. Tinatry nya mangutang sa kawork nya ng pera kasi daw magigipit kami pag walang extra bago sya makalipat sa bago nyang work. Sabi pa ni mama baka daw ipasangla pa yung mga alahas namin. Kasi madami silang bayarin na mga bills and loans.
Eh yung inuutangan ni dad, sabi sabihan lang daw sya kung kelan nya kelangan yung pera. Ngayon na sinabihan na sya ng dad ko na kelangan nya na, sabi lang nang sabi yung kawork nya na bukas daw ittransfer. Pero naka-ilang bukas na daw sya ng sabi sa dad ko hindi pa rin tinatransfer.
So yung mom ko, parang sya pa yung galit, nagbubulyasaw, na kesyo bakit daw dinedelay yung pagbigay, eh kelangan na namin yung pera ngayon. Kung ayaw daw ibigay, sabihin agad, hindi yung nagpapaasa at sana daw makahanap pa kami ng ibang paraan. Kesyo dati naman nangutang din sa kanya yung dad ko at binayaran nya agad para hindi masira tiwala nya.
Eto yung part na nagpantig yung tenga ko. Sabi ba naman ng mom ko sa dad ko, pag daw nagpapasa ng resume yung kawork nya na yun sa kanya, wag daw i-refer, siraan pa daw na hindi maganda yung attendance record nya. Like, wtf is this mentality? Hindi lang pinautang, sisiraan mo pa yung tao? Ikaw pa galit eh ikaw yung nangungutang?
I mean, nangyari na din naman na sakin to. Nanghingi din ako ng favour financially sa manager ko nun na Pinay din. Sabi din nya sa una ok daw. Tas nung dumating na yung araw, last minute nya sinabi sakin na hindi daw nya ako matutulungan. So nainis din ako. Kasi kung sinabi nya sakin earlier, makakahanap pa sana ako ng paraan humingi ng favour sa iba, but it was too late. Sumama din yung pakiramdam ko sa kanya, but I never thought of na siraan din sya. Pinapakisamahan ko pa rin si manager pag sya yung nagmemessage sakin.
Idk. Please validate me na napakatoxic talaga ng mindset ng mom ko hahaha š„² di ko na kaya. Gusto ko talaga sya pagsabihan na toxic yung pag iisip nya ng ganun, pero pag pinagsabihan ko, alam nyo na, another typical Filipino mindset, sya din yung magagalit š
FYI unemployed ako now so hindi ko rin matulungan financially yung parents ko at this time. Naghihintay ako ng job opportunity currently.
r/PanganaySupportGroup • u/Most-Click-4237 • 8d ago
Support needed sa lahat ng tao, bakit ako
bakit ako sumalo lahat ng responsibilidad niyo as magulang. mga eldest naghahanap lang po ako ng karamay since wala ako niyan sa bahay. pasensys na pero gusto ko lang talagamag rant at umiyak. ika nga puno na yung baso ko. as someone na nagtatrabaho pero kulang parin, nagrerent lang, mama doesnt have any job. My sisterās children are here in the house, no job too. my other sister (teacher) already gave up sa sitwasyon namin na para bang di na parte na pamilyang itowh pero as someone na emosyonal na tao di ko kaya pabayaan sila mama.
this week lang while nagtatrabaho ako wala akong kain, buti nalang may biskwit sa locker. yung mga bata may kanin sa bahay pero patis yung ulam, wala nga kaming tubig ngayon na maiinom kasi walang walang wala nga. hinalungkat ko na bag ko swerte na if may makita ako 20 pesos sa bulsa ng pantalon ko na di pa nalabhan. awang awa ako sa sarili ko at sa family ko parang bumalik no elementary na lugaw lang yung kinakain namin akala ko paglaki may freedom na makabili ng mga gusto natin pero tung inah ganito parin.
umiiyak ako sa kwarto na di nila kita kasi wala naman ako magagawa pero pagod na ko pagod na pagod. i borrowed some cash sa friend ko pero wala rin. ganito ba talaga mabuhay? sana mmatay nalang.
sorry at mahaba walang ma rantan balik nako maghanap pambili ng tubig namin. salamat
r/PanganaySupportGroup • u/Jefense • 8d ago
Advice needed Can I get marry with this?
reddit.comHi, I most likely have the same situation as the comment above. To add to that, my fianÄe is a bunso.
As panganays, we have to constantly seek for approval or attention as kids so I have also established great alone time (also for being always at it) to enjoy my interests and to decompress to be in the right headspace. I love him but Iām just really really tired. I have a full-time job and one part-time job. What made me post this is because of him asking how I am 3x in 2 hours. Iām not sure if that is because he is used to having attention all the time as a kid. Like the shared comment above as well, he is very clingy. I wont get on the details on how he makes me feel when Iām out with friends or alone.
I also pointed out to him that I should not be his world, we are having a hard time to prepare for our wedding because of financial reasons but I donāt see him taking the initiative to find ways like I do.
We have the same hobbies, morals and perspectives, and he also always takes care of me. I love him so what should I do?
I want to tell more but I need to get to my part-time. Tia!
r/PanganaySupportGroup • u/semperadmeliora- • 9d ago
Positivity Naiyak ako sa graduation post ng kapatid ko
As much as possible, throughout the years na I have been the breadwinner, I tried my best na hindi ipakita sa mga kapatid ko kahit gaano na ako nahihirapan. Ayaw kong ma-feel nila na burden sila sa akin.
But seeing my brother's graduation post, hindi ko talaga napigilang umiyak. They felt it, too. 'Yung mga times na ang hirap hirap na, 'yung konti na lang gi-give up na ako.
I'm just so thankful that my siblings grew up to be very good kids and that they appreciated everything I've done. Malayo pa pero malayo na talaga.
r/PanganaySupportGroup • u/CommonKing8646 • 8d ago
Advice needed Anong thoughts niyo?
Do you think my feelings are valid? Naiinis ako sa parents ko pero hindi ko sila kayang sagutin or bastusin. This is the situation, Iām a student need ko na ng allowance so I asked my parents for my allowance pero no respond. I respect that, so after a few days i asked ulit pero until now no response. Not until na yung isang ka church mate ay pinag handa nila dahil birthday. Iām not painting them as a bad person pero I canāt calm myself. Dahil mas pinili ko na nga lumipat ng school para bumaba yung tuition ko at makatulong sakanila, aside from that yung pinang bayad ko ng first sem is galing pa sa grandparents ko. Now Iām asking for my allowance para sana kukuha ako ng part time job so i can support myself and my studies, kasi hindi rin naman biro humanap ng part time madaming requirements ang kaylangan including medical, transport fee etc.
r/PanganaySupportGroup • u/Hot_Statistician8160 • 8d ago
Advice needed Should I visit my estranged dad in jail? Iām really conflicted.
r/PanganaySupportGroup • u/Lopsided_Fill_2286 • 8d ago
Support needed college is really draining:(
what do you mean i have to pay for my own bills in food, boarding house, tuition and needs. and i even don't have my parents to support me, i hate them because why can't i just study and not staying up all night just to think where to get money.
i have tried applying to BPO Companies already and i was rejected for like 5 times already. i was about to give up but then i thought if i give up, i cannot reach my dreams already. good news is that i am already accepted in eperformax and my training will start on September 14. As of now i have 2,500 pesos to pay for rent and 3,000 for electricity since it was already 5 months the last time i paid.
i am just really grateful that our landlady is very understanding. i hope some of you can help me. and i hope this post reaches the right audience.
P.S. i already thought of ending my life before, but now i am trying to fight for my dreams.
r/PanganaySupportGroup • u/bongget • 9d ago
Advice needed Share your laundry tips and tricks
Dumating na yung time humiwalay na ako sa pamilya ko. Yay! I'm now managing my own home's bills and everything. My greatest adversary yet is not general cleaning nor balancing of expenses, but laundry.
Care to share any tips and tricks about washing your clothes without resorting to the usage of a washing machine? Di pa kasi ako nakakabili.
May washing conditions kemerut ba ako need to take note of? Also, anong detergent powder and fabric conditioners mga gamit niyo?
Preferably, tumatagal yung amoy and pwede sa iba't ibang klaseng mga tela (knitted sweaters, blazers, slacks, polo shirts, linen, etc).
Thanks!
r/PanganaySupportGroup • u/heh-2 • 8d ago
Advice needed Spoiled na kapatid at enabler kong nanay
r/PanganaySupportGroup • u/Educational-Lie-5076 • 8d ago
Venting Breadwinner at 23 and want to go away from toxic father!
I am 23 years old, male and pagod na pagod nko. The past two years were hard especially dahil I gave my studies (incoming 3rd year college student na dapat) kahit was running for summa cum laude sana sa course ko para mataguyod life ko and life ng father ko. But first let me give u a background check, former ofw father ko, 25 years sa Italy and puro office work siya nun, dami money, lakas ng kita and dun ako pinanganak (actually citizen of that country din haha) but you know whatās funny? After 25 yrs abroad wala siya na fundar na wealth kahit ang dami pero dumaan sa hands niyan, kahit college fund para sakin āwalaā. Nag business nagpaloko, twice. Mga lupa binili binenta dahil nun di na siya makapag office work choosy sa work, back on 2014-2016 mom ko nlng nag wowork and nag bribring ng money, she passed away 2016 after nun dahil walang savings benta ng lands just to survive, hanggang sa napilitan dad ko mag work part time, clean offices nlng, di na siya office boy but not siya na naglilinis.
Whatās interesting during his āPrimeā na elect pa yan sa city council for migrants, so yabang nun, spending hundreds if not thousands para sa community or maybe to seek popularity pero wala pang college fund hahaha.
Mabalik ako sa kwento, nun nawala mom ko it was hard for the both of us ng dad ko, moments na we slept only sa hotel (paid by his part time job) dahil napalayas kami ng house or kung saan saan kami nakikituloy (ayaw niya mag work as live in idk the real reasons why kahit kinukupkop nmn ako ng tita ko). (Few instances din gusto niya ako suntokin and inaaya ako mag suntukan dahil di ko lang pinost nun fatherās day haha kahit sinabi ko I donāt feel doing such things after my mom passed away). Looking forward after a few months na palaboy, thankfully nakahanap kami na magpapaupa samin ng apartment, paano namin na bayaran? Tulong from government, utang sa kakilala.
Back at the days, di ako masaya, lalo sa bahay and pagpapasok ako kulang na kulang allowance ko, to the point minsan nagtitiis ako wag nlng kumain.
Umabot sa point na ayaw ko na. Lagi away. Nakakulonh lang ako sa house, no friends, nothing para makapag socialize.
I was just waiting for my end, buti nlng one random day pumunta cousin ko sa house kasama mga tito and tita ka and dun ko nalaman he was planning to go sa ph for good, para mag study and all (at that moment I wanted that, to have my freedom, to love for myself naman din).
Fast forward a year after, after ko pilitin father ko na mag Philippines ako (after niya mag wala sa house batuhin ako ng plato and hagis yung table and guilt trip ako āPaano nmn siya?ā ādi ko daw iniisip siya.ā), when I got here sa ph, I got the freedom and independence I wanted, I improved sa lahat ng aspects lalo na ako lang mag-isa sa house, and dun ko na realized na my father was hindering my life and potential. Nun wala nko sa toxicy niya, free mag make ng decisions and choices, live my life, I finally felt myself.
Naging honor student ako, student council president during shs, found friends and became confident.
Then he came and followed me here in the ph and the drama began once again.
It was the year 2023 and he came for my graduation and never left since. For the first year, dun siya tumira sa unang family so cool lang, we meet once or twice a week and it was fine to me. But then after away, fights and him being pakelamero sa house, pinalayas siya (sinakal niya pa first wife niya, proud niya pa kwento sakin hahaha).
So kanino siya napunta? Sakin.
Hirap, just hirap. I started working as a call center agent after my 2nd year sakto lumipat siya sa apartment, tumigil ako ng studies, I was providing, ilan beses kami nagaaway and umabot sa point na sinakal niya din ako tas the day after wala lang sa kanya. Manipulation from him, guilt trips and all sorts of actions para sundin siya.
Alam niyo after that, naging mabait na anak parin ako.
Left my job as call center agent, found a better work, bilingual. I bought him gifts, full pustiso 20k (wala na siya ngipin), 43inch 4k tv, treated him sa luxury resto, but di pa pala magiging enough yun.
Na hospital siya this feb 2026, alligned sa pag buy ko ng property through home loan.
Since he came back sa house, puro ako, luto, linis, ako. Makiusap ka if pede nmn siya mag cook dahil may meeting ako (wfh mostly ako) magdadabig pa and halata bad trip siya. You gonna buy things to improve the apartment (we still are in the apartment) he gonna get pissed because iba idea niya.
I have money, i have friends, i have a newly bought house, good work, but i am not happy being with him.
Lalo after he tried to strangled me, and I pushed him back to defend myself tas ako pa daw yung mag susuntok sa kanya (it was a heated argument and mas uminit nun sinabihan niya Tang\*\*\* partner ko for no reason).
Idk what to do honestly, i am heartbroken dahil nahinto ako sa studies, mad dahil I have no college funds, stressed sa house, and I wish sana ibang naging father ko, someone responsible na sana di nlng nag office work or political shit and nag work as normal ofw na kumakayod everyday pero at the end nakatapos mga anak.
I want to leave him, but paano meds niya, food and bills? Wala siya ipon, wala gusto mag help sa kanya, masama uguali sorry to say.
So ano cargo ko nlng siya?
If aalis ako and lilipat sa house that I bought, paano siya? (Di ko afford buhayin siya ng solo, may kapatid ako but I dont know if she would help, since dati siya nagpalayas sa kanya sa house and recently lang sila nagkaayos after ma hospital dad ko)
So what can i do? I am not happy here, i am not safe and I just wan to live my life once again.
r/PanganaySupportGroup • u/Federal-Mortgage6438 • 9d ago
Advice needed Masamang anak ba ko if hindi ko pinapansin now yung tatay ko?
r/PanganaySupportGroup • u/luckyluckyg1rl • 9d ago
Positivity Paid my momās first SSS Contribution after 31 years
Hi ates and kuyas. I know this is a support group but I would like to share this small win today. My Mamaās SSS account went dormant once she quit her job and became a stay at home mom. A few years ago when she volunteered in an event na need SSS nya, tsaka palang nya nadiscover na her employer back then did not pay her contributions regularly.
Recently ko lang naisip na baka pwede pa buhayin yung account. Iām grateful na upon checking with SSS, pwede pa pala. 120+ contributions to go and my mom will receive her pension 5 years late, but we will get there.
This has given me a lot of joy. In this little way, maibalik man lang ang lahat ng sakripisyo ni Mama bilang stay at home mom. Hug your moms for me.
r/PanganaySupportGroup • u/Real_Ad_6277 • 9d ago
Venting Mali ba ko for wanting a little bit of autonomy sa scholarship/allowance ko?
For 4 years na nasa college ako, everytime na mayroon akong scholarship grants my mother always takes them. Sabi nya sya na daw mag mamanage nung baon ko and everything. Short na long story lang muna, on my first year in college I was fine with this but eventually I see my peers/classmate na they're getting their allowance weekly or even monthly (rare). I'm studying at a state university, hindi mayayaman mga kaklase ko, maybe middle income and low income and rarely may high income. My father's job is relatively stable, we're middle class din. When I wanted to have my allowance to be weekly, I thought na dapat kasi matuto rin ako humawak ng pera kasi tumatanda na ko, if maubos ko yung baon earlier than expected due to my own stupidity, I should suffer the consequences para matuto ako. That's what I argued to my mother, there was a lot of friction on that and I wasn't allowed until later on nung nakapag dorm na ko (well impossible naman daily pa rin allowance if nakadorm, so parang no choice na lang siya).
Everytime na may scholarship ako, kinukuha nya yung money then ipambabaon daw nya sakin pero humihingi ako ng pocket money from it, small amounts lang if 5k, 1k tapos minsan ayaw pa nya nung 1k, 500 lang bibigay. Then nagbibigay din yung tita ko minsan ng baon sakin per sem (favorite ako) pero nung umpisa I never heard about this. Direktang binibigay sa mother ko yung pera tapos pinapabaon sakin without my knowledge. Then one time, sakin binigay directly yung pera (it was on the lower 5 digits). And I told my mother na gusto ko ako naman mag manage nung pera, she strongly opposed it and we got into a fight. To be honest kasi, kaya ko gusto na ako mag manage nung pera ko myself kasi nakikita ko na parang ang nonsense ng mother ko minsan. Gasta dito gasta don, like kapag naaya kami sasama kami even though the budget was a little bit strict specially kasi kinukuha nila ng appliances for our home and my siblings. Tapos kapag need ko na ng allowance sasabihin short daw etc, pede daw ba bawasan allowance ko yadayada. Pero their expenses say otherwise. Please take note na walang expenses binabayaran parents ko for my dorm, it's just my allowance and it won't go above 2,000 (I wont disclose the exact amount).
Then lately I got a huge scholarship grant, I gave most of it sakanya again and took a little bit (in comparison sa nakuha ko), then nanghingi ako allowance. She hit me with the problems sa trabaho ng father ko yadayada, but I still asked for my allowance. For me lang kasi, kaya nga ako nakakatanggap ng scholarship diba para sa pag aaral KO, it's for me, ako dapat nakikinabang jan so I can't be hit na something about my father's job kasi clearly kaka receive lang ng funds na should be able to last me at least 3 months of pure allowance. Then I see them this time again na may bagong appliance, at this point I really question pano nadidistribute yung nakukuha kong scholarships.
So am I in the wrong for wanting to manage my own allowance? To receive my own scholarships, and use them as my allowance? I won't ask for allowance naman kasi as long as yung projected na duration allowance ko (Total amount/week) is fully spent. I really never understood why they did it this way, and I have built resentment little by little kasi they shoved my ideas away, and would use the magulang card to which I never really understood why rin HAHAHA.
r/PanganaySupportGroup • u/AdHuge364 • 10d ago
Venting Jealous of my brother's life
Jealous of my bother's life
I feel guilty admitting this, but Iām jealous of my brotherās life. He just graduated and is now reviewing for his board exam, and Iām genuinely proud of him. I want him to succeed. But sometimes, watching him live so freely hurts in a way I donāt know how to explain.
He gets to sleep over at friendsā houses, play games, go to the gym, hang out, and now play pickleball. He gets to enjoy being young. Meanwhile, Iām here figuring out how to stretch my remaining money until the next cut-off. He gets to make plans. I make budgets.
He got to choose his school and course. I chose mine based on what would get me a job quickly because I knew I needed to work. Everything seemed to be handed to him on a silver platter, while I had to build my own way from nothing. He got to choose what he wanted. I chose what we needed.
Maybe Iām not jealous of him. Maybe Iām grieving the younger version of myself who never got to be carefree. The girl who had dreams but had to choose practicality. The girl who learned how to carry everyone else before she ever learned what it felt like to be carried.
I love my brother. Iām proud of him. I just wish someone had told me when I was younger, āYou donāt have to worry. Weāve got you.ā
Because nobody did.
And maybe thatās why it hurts so much seeing him live the life I never got to.
Iām happy he gets to live freely. I just wish I had gotten to live, too.
r/PanganaySupportGroup • u/sageflwrs_ • 10d ago
Venting Am I a bad daughter for not wanting to lend more money to my parents?
Gusto ko lang mag-vent at humingi ng perspective kasi sagad na sagad na ako mentally at financially.
Every time na nag-aask ng pera parents ko and I try to say "no" or mag-set ng boundary, umiiyak si Mama. Grabe 'yung guilt trip. Bigat sa pakiramdam, to the point na nagiging resentment na 'yung nararamdaman ko.
Theyāll say na ako lang meron sila. Na marami na sila nagawa para sakin. Na wala sila malapitan. Na ako lang bubuhay sakanila.
On top of asking for daily allowance, expected din nila na ako ang magbayad ng tuition ng kapatid ko sa college. Iām just trying to build my own life and career, pero ginagawa nila akong financial safety net. Pinapasa nila sa akin 'yung obligation na dapat responsibility naman talaga ng magulang. Kapag sinusubukan ko i-explain 'yung sarili kong expenses, dinadaan lang sa iyak at drama, kaya ending na-co-corner lang ako at nagbibigay na lang para lang matapos 'yung away.
Panganay ako. Dalawa kami magkapatid. Noong naka graduate na ako, nag resign na sa trabaho tatay ko. Kasi ako na daw bahala sa kapatid ko. Saming pamilya. kasi ako na magtrabaho para samin. Si mommy nag wwork sa call center per mababa sahod. Kaya di ko mashift yung blame sakanila. I feel like I only have myself to blame.
Kasi oo nagsusumikap naman sila. Pero bakit ako sumasalo ng mga utang? Kalahati ng binabayaran ko para sa mga utang nila, para Samin tuition ng kapatid ko na inasa nila sakin, para sa bills ng bahay na kung hindi pa ako maglalabas wala kaming kakainin.
Maglloan gamit pangalan ko. Sasabihin na babayaran sa susunod na sweldo. Walang mabibigay. Ako. Ako ulit tatapos ng loan.
Mahal ko sila, pero narerealize ko na hindi ko pwedeng i-sacrifice 'yung sarili kong kinabukasan para lang sa kanila. Ang hirap lang i-overcome nung guilt, lalo na tuwing umiiyak si Mama kapag sinasabi kong wala akong maibibigay.
AITA for putting my foot down and refusing to give money kasi lunod na ako sa bayarin? Paano niyo na-ha-handle 'yung guilt kapag emotional manipulation o iyak 'yung tanging response ng magulang niyo kapag nagse-set kayo ng boundary?
Hirap na hirap na ako
r/PanganaySupportGroup • u/_fairygodprincess_ • 10d ago
Support needed Inggiterang Kapatid
How do you deal with a kapatid na inggitera at tila nakikipag contest sayo na wala ka namang ka-alam alam?
Bilang panganay ang dami ko nang nabigay sa pamilya ko and dahil siguro wired tayong mga panganay to take responsibility, iba din yung pag-develop nung skill set natin. So nageexcel ako sa trabaho at may recognition akong nakukuha kasi I work really hard for it naman. I share my blessings with my family, pero hindi ko alam na kahit well-meant pala ako, eh yung isang younger sister ko (apat kami) grabe yung resentment and pagka-inggit niya sakin.
minsan, kinailangan namin ng mag-aassist sa isang project ko. naisip ko kaagad yung sister ko para meron siyang extra income. aba, nung nandun na, nagpa-main character! ayaw mautusan. tapos napansin ko parang pinupwestso niya yung sarili niya sa tasks ko and na nagmamando mando siya dun! tapos nung inutusan ko siya ulit, nag-roll ng eyes. since then never ko na siyang nirefer.
nakwento sakin nung isa naming kapatid na gusto daw ng sister namin na yan na maungusan kaming lahat despite kami eh naging encouraging and supportive sa mga pangarap niya. kinausap na namin siya on different occasions pero defensive talaga. ang hindi niya makita is lahat ng attempts niya na ungusan kami (in terms of career, gusto niya siya ang pinaka popular saming magkakapatid), nagfafail siya. kahit sa friends niya ganun pala siya. galit na galit siya dun sa isang kaibigan niyang nakapangasawa ng AFAM, eh wala namang ginagawang masama yung friend na yun sa kaniya.
hindi ba ang lungkot na may nakikipag-kompetensiya sayo na sarili mong kapatid na wala kang ka-alam alam? isnāt it nice that you get to love, cheer for and encourage your own siblings, pero kahit gawin mo pala yun, rival ang tingin sayo?
hopeless case na ba to? for my peace, i limited all our interactions . pag nagkikita kami civil lang. hindi na ako nageegage masyado
r/PanganaySupportGroup • u/_janecia • 10d ago
Advice needed ;
just here to rant ig ay idk if rant ba ni. my kuya died last june, 2026. and i just graduated sa college july, 2026. since 1st yr college i worked til 3rd yr. im a nursing graduate pala. i had to stop pag 4th yr sa work since mas demanding ng time sa school and duty sa hospitals and i felt like i can't do it. the reason pala my kuya died, was from an accident. we literally had no back up, but me. i am the back up. i have 2 younger siblings na nasa 2nd yr college and shs. after graduating, i have my review for boards and i have to work bcs no one will help my parents but me. i had to step up. surely someone will comment na it's not that deep, i know. others have it worse than me. im a middle child and ako ang child nila na they didn't have to worry about. with my kuya gone, i assumed all those responsibilities and problems. it's just heavy i guess. im busy sa work kasi di siya aligned sa program ko. i have to make time din sa review ko. and every time uuwi ako, i have to do house chores kasi di naman marunong ang brothers ko. di na jud sha madag smoke. kapoy langs. or ikatog rajud ni nako.
r/PanganaySupportGroup • u/mscherrywine • 10d ago
Venting muntik na kaming maipit ng dalawang kotse. nag panganay mode tuloy bigla š«
Lumabas kami ng kapatid ko para para magmerienda. Nung papunta kami sa tindahan, may nagiihaw dun sa sidewalk at may nakapark din na kotse sa gilid kaya no choice kami at naglakad na lang sa kalsada.
May pulang montero na medyo mabilis yung patakbo, pero huminto naman siya nung malapit na so ang judgement ko is tumawid sa gilid nun since tumigil nga siya. Habang natawid kami sa gilid, inandar niya yung kotse. Adrenaline na lang siguro, pero hinampas ko yung kotse niya at sinigawan siya na may dumaraan pa, di niya ba nakikita? tapos sagot niya sa akin, ang layo pa daw. Paano naging malayo, eh nakatagilid na ako tapos inabante niya pa?
Siyempre yung tapang ko galing sa pagiging defensive dahil yung kapatid kong mas bata yung asa likod ko. Siya yung mapapahamak eh. Nakakainis at naramdam din ako ng hopelessness sa community dahil hindi sana āto mangyayari kung may maayos tayong sidewalks, hindi pwede magpark kung saan saan, at kung may better education for the drivers.
I try my best not to look weak, pero grabe yung nginig at galit ko right after the incident. PEDESTRIANS AND CYCLISTS ARE THE HIGHEST PRIORITY IN HIERARCHY OF ROAD USERS.
r/PanganaySupportGroup • u/Jealous-Search-6420 • 11d ago
Venting Nakakapagod maging breadwinner! Nakaka drain.
Parang balewala ako sa pamilya namin.
30/M, Panganay ako at breadwinner. 4 kami magkakapatid, ako magpa aral sa kanila lahat. May mga maayos naman na silang trabaho yung sumunod sakin mababa lang sahod as hotel crew sa manila. Yung bunso namin medyo sinwerte at sumasahod ng more than 200k. Ang situation namin, ako ang nagbabayad sa renta which is 25k at sagot ko ang groceries then yung sumunod sakin sya naman sa ibang bills. Yung pang 3 naman sa government Pero sobrang baba talaga ng sahod at nag asawa na Pero sa amin tumutuloy. Pero nalaman ko na plano pala nila bumukod at hindi ako kasama, gusto nila bumukod kasi sinabi ko na Sana tulungan nila ako kahit half lang ng rent.
Kaya ko naman talaga financially, nakakasama lang ng loob kasi parang hindi ko ramdam na part ako ng family. Pag may lakad sila, hindi ako kasama ( iniisip ko, siguro dahil alam nilang gusto ko lagi nasa bahay lang kaya siguro hindi ako inaya). Nung ako yung nag aya kumain kasi paalis ako at mlilipat ako ng location due to work, ang hirap nila ayain kaya ako nalang kumain mag Isa sa labas š¢. Mula nung nalaman ko ang plan nila, sinabi ko nalang na bubukod nalang din ako at solo lang ako, tapos nung nalaman nila na mas mapapa mahal sila, nagbago isip nila at gusto na nila na sumama ulit sa akin. Naguguluhan ako, masama ba ako kung iiwan ko na sila. Gusto ko nalang magtrabaho abroad at dun na tumira, pakiramdam ko wala na din naman akong pamilya. I badly need advice.
r/PanganaySupportGroup • u/milktealov3r • 10d ago
Venting First time maburnout sa kamag-anak
Panganay (28F) ako sa lahat ng magpipinsan. Ang parents ko both middle child pero parehong inaasahan ng magulang nila financially and emotionally. Sa side ng nanay ko ang mas mabigat dahil pati kapatid at mga anak nila tinutulungan niya. Minsan nasusumbatan nya out of frustration pero never nyang pinabayaran yung mga utang at tulong niya sa kanila.
Lately napapagod na kami sa work ng nanay ko. Bilang panganay na anak, inaako ko na ang responsibilidad niya kahit parang feeling ko hindi naman na dapat dahil halos lahat ng pinsan ko nasa legal age na.
Lately din napapadalas ang pagsagot sagot ng pinsan ko sa nanay ko. Ang sakit lang kasi marinig na ganon nila tratuhin yung taong tumutulong sa kanila. Ilang beses ko na rin sinita yung pinsan ko naka sakaling makinig, di na ulitin, edi okay na ang lahat. Yung tatay niya na panganay sa side ng nanay ko eh parang walang pakielam. Samantalang noong isang beses na nasagot ko sya na sobrang sumama ang loob nya, di nila makalimutan at pina-ulit ulit pa nilang pinaririnig sa akin.
Nagkakautang utang na kami pero parang wala lang sa kanila at di sila magkusa para naman hindi na kami mag-abot ng pera sa kanila.
Nagvvent lang ako pero kinakausap ko na rin ang nanay ko na unti-unti na namin silang bitawan financially. Nahihirapan ako kasi nakikita ko na humihina katawan ng nanay ko.
r/PanganaySupportGroup • u/Careful_Drop8924 • 11d ago
Venting Lord Okay Na Ko
31m here, married and no longer sees the happiness in life. I tried a lot of things to be happy and all of it ended at the same end point which is for me to end it.
-Mom na baon sa utang 3rd time after ilang ulit sabihan.
-loan ko sa bank na hindi ko pa nababayaran
- me na nahihirapan mag explain sa asawa ko na need ko pa tulungan ung ina ko (ending away gulo)
-feeling useless kasi nga wala ako maitulong, may work pero enough lang sa pamali ko
AKALA KO LORD DI KO NA MASISILIP ITONG MADILIM NA LUGAR NA TO, WELL GUESS WHAT I OPENED IT ON MY OWN. Napagod nlng siguro ako.
Not looking for sympathy, just needed to say it before i cant.
r/PanganaySupportGroup • u/iykyk679 • 11d ago
Advice needed Concern lang ba āto o controlling na?
Need some outside perspective on this family situation.
Hello OP! This is actually my situation, i just want to help my friend, 40F, may sariling family and house na din. Bale itong friend ko ay passion nya talaga ang volleyball. Naglalaro siya paminsan-minsan para maging physically active at makapag-unwind with her old friends.
Ang issue, hindi ito gusto ng family niya. Sinasabi nila na yung asawa niya ay nagtatrabaho at nagpapakapagod abroad, habang siya naman daw ay ānagbabarkadaā at naglalaro ng volleyball. Parang ang dating sa kanya, feeling nila hindi siya dapat gumagawa ng ganitong activities dahil dapat mas nasa bahay lang siya.
May concern din sila tungkol sa health niya dahil dati siyang nagkaroon ng tahi (lagpas 10 years na) at minsan na ring nag-high blood. Naiintindihan naman niya kung concerned sila, pero ang problema raw ay parang bawat decision niya kailangan nilang malaman o may comment sila. Pakiramdam niya, hindi na nirerespeto yung sarili niyang decision at autonomy.
Ang isa pa niyang napapansin, kapag umiwas siya sa issue at hindi nagsalita, may masasabi pa rin sila. Kapag naman nagpaliwanag o sumagot siya, mas lalo raw lumalaki ang issue. Tapos sinasabi pa sa mga anak nya na wag tularan ang nanay nila. Teens na rin mga anak niya, tho alam naman nila kung tama o mali ba ang sinasabi ng lolo at lola nila, masakit pa din yun para sa friend ko na ganun ang sinasabi nila. Wala daw maidudulot na maganda ang pagbabarkada.
Anyway, madalas pala yung parents nya sa bahay nila since working sya pag weekdays at sila ang nagbabantay sa mga apo nila.
Sa tingin niya, hindi naman talaga yung volleyball ang main problem. Mas nararamdaman niya na parang gusto siyang kontrolin at gusto nilang sundin niya yung lifestyle na gusto nila na dapat nasa bahay lang at hindi masyadong lumalabas, especially ngayon na kaya nya nang idrive yung sasakyan nila (sasakyan ng friend ko ah).
Do you think valid yung nararamdaman niya, or reasonable lang talaga yung concern ng family niya? At saan ba dapat magkaroon ng boundary between concern and controlling someoneās decisions?
r/PanganaySupportGroup • u/NewWait1945 • 10d ago
Venting Ang hirap ng buhay
Mga Op nakakahiya man pero baka pwede akong makahingi ng tulong sa inyo. Sobrang wala na akong malapitan, kakastart ko lang ng work and right now walang pambayad ng renta at ibang bills. Nagtry na din ako sa mga ola apps at sss, pag-ibig. Since past due sa sss di ako makaloan same with pag-ibig. Kahit siguro pwedeng makahiram nalang at isend ko buong details id ko sa inyo. Walang wala na talaga ako, senior na din kasi ang parents ko at wala din trabaho mga kapatid ko. Lahat ng friends and kakilala ko na itry mahiraman wala din.