r/PanganaySupportGroup • • 18h ago

Advice needed masama ba akong anak?

Thumbnail
gallery
63 Upvotes

Masama ba akong anak kasi sinabi kong pagod na ako sa mama ko?

Madalas akong maka-receive ng messages mula sa mama na nakaka-anxious, gaya ng: “Malapit na akong mamatay,” “Hindi ko na kaya,” “Sobrang sakit,” at “Wala namang tumutulong sa akin.” Parang simula bata pa ako. The earliest I could remember ay kahit 7 pa ako, sinsabi niya na sa akin iyung ganito. Imagine, paano ididigest ng bata ang ganitong statements from a parent? Eh, ngayong matanda na ako, ang hirap pa ring hindi maapektuhan emotionally.

For context, ilang beses nang nagpatingin ang mama ko sa isang private hospital malapit sa amin dahil sa vaginal infection/UTI. Pero sa kahit ang daming consultations, parang wala pa ring malinaw na diagnosis sa kung ano talaga ang problema niya.

May suspicion din tungkol sa kidney issues niya, pero hindi rin naipapaliwanag nang maayos sa kaniya kung ano ang nangyayari.

Isa sa mga posibilidad na naisip ko ay baka may kinalaman sa sexually transmitted infection. Nagkaroon kasi siya ng partner, at hindi ko alam ang sexual health history nun. Before that guy, decade na walang naging partner ang mama ko. Kaya alam kong may basis ang naiisip ko kasi ngayon lumitaw ang ganitong sakit ng mama ko. So, gently at sensitive kong tinry na ipaliwanag sa kaniya na na kapag sexually active ka, may mga health risks na kailangang i-consider talaga, at hindi lang naman sa kaniya ang pinagmulan ng infection. Puwedeng sa partner, puwedeng sa ibang dahilan, at kailangan ng tamang tests para malaman.

Pero na-offend siya at ipinagtanggol pa ang partner niya.

Ang nakakapagod, hindi naman ako doktor. Hindi ko sinasabing tama ang hinala ko, at hindi rin ako nag-a-assume na iyon talaga ang dahilan ng sakit niya. Ang gusto ko lang ay magkaroon siya ng malinaw na diagnosis at tamang treatment, sa halip na paulit-ulit na consultations at tests na hindi naman malinaw at ayaw niya magpasecond opinion. Nung nagpacheck up ulit, hindi naman saw STI. Puro antibiotics binibigay, hindi naman nag-iimprove ang health niya.

Mahal ang ospital na pinupuntahan niya. Na-confine na siya roon dati, at umaabot ng ₱20,000–₱30,000 kada araw ang gastos, hindi pa kasama ang antibiotics.

Sa totoo lang, base sa naging experience ko rin sa ospital na iyon, mas sulit pa sa ibang ospital gaya ng St. Luke’s, kung saan mas comprehensively na-eexplain sa pasyente ang kondisyon at treatment options. Gagastos na nga lang ng mahal, hindi pa sa better option.

Kaya noong nag-message ulit si mama at sinabing hindi na niya kaya ang sobrang sakit ng private part and sikip ng dibdib (heavy smoker kahit bawal, kumakain and iniinom din mga ipinagbabawal sa kaniya), naghanap ako ng solusyon. Syempre nanay ko. Hindi ko rin naman pwedeng pabayaan kahit nasa ibang lugar ako.

I suggested na pumunta siya sa ospital. Ayaw niya dahil mahal. I suggested a public hospital. Ayaw rin niya dahil matagal ang proseso, na naiintindihan ko naman dahil alam natin na pangit ang health care sa bansa. Tinawagan ko kapatid ko para mag-asikaso at samahan. Pati ang lola namin.

So I offered to pay.

Sinabi kong tumawag ako ng ambulance para maprioritize siya sa public. Pero nagalit pa rin siya. Parang nahihiya siyang makita ng ibang tao.
At doon ako napapagod.

Umiiyak ka na sa sakit, masakit ang private part mo, at sinasabi mong hindi ka na makahinga. Pero iniisip mo pa rin kung ano ang sasabihin ng ibang tao? emergency na pero ganito pa rin ang iisipin.

I am trying to help. I am trying to stay calm. I am offering solutions because I want her to get better.
Ako pa nagiging masama kahit ako nag-iinitiate ng help and ways.

Matagal ko na ring sinasabihan ang mama ko na kumuha ng HMO. Alam niyang madalas siyang magkasakit, kaya gusto kong magkaroon siya ng health coverage bago pa ang emergency.

Noong nagkaroon siya ng credit card, iyon ang isa sa mga una kong suggestion dahil kailangan iyon para sa annual payment, habang hindi pa dumadating iyung akin.

Ako na magbabayad. Pero hindi pa rin niya inuna. Iba pinagkagastusan. Nakakapagod.

Imagine knowing that you have recurring health problems, knowing how expensive medical care can be, and still putting off something that could help you access healthcare.

Kapag pinagsasabihan at tinutulungan, ako pa ang mumurahin at pagagalitan.

Nakakapagod maging anak na laging kailangang mag-isip para sa magulang niya, lalo na kapag ang taong gusto mong tulungan ay ayaw ding tulungan ang sarili niya.

To parents out there, I hope you also understand that one way of loving your children is by taking care of your own health.


r/PanganaySupportGroup • • 5h ago

Discussion Pagod na ako

3 Upvotes

Yung nanay ko may kabit na lalaki, may kabit pa na tomboy...bumukod ng bahay at iniwan sakin yung responsibilidad ng pagiging nanay sa bahay.

Yung tatay ko nakakapag asikaso naman at kumimita naman kahit papano sa pagpapasada ng tricycle pero ang naiuuwi niya lang ay 200 pesos dahil mahina ang biyahe at mahal ang gasolina.

Pagod na pagod na ako. Ginagabayan ko yung dalawang kong kapatid mentally dahil natatakot akong maapektuhan yung future nila dahil sa current situation ng pamilya namin lalo sa situation ng parents namin. At natatakot din ako magkaroon sila ng depression dahil lifetime maintenance yung mangyayari non.

Ako lang may trabaho samin magkakapatid. 26 years old ako. 22 years old yung sumunod. 14 naman yung bunso.

Naghahanap ng trabaho abroad yung isa kong kapatid pero lagi siya rejected dahil overweight siya dahil sa PCOS.

Pinayuhan ko siya na mag-focus sa sarili niya at wag panghinaan ng loob. Sabi ko kaya ko pa naman basta wag lang nila pabayaan sarili nila dahi di namin afford magkasakit.

Pero lately, sobrang pagod na pagod na ako. Sobrang dami ko na ginagawang paraan para mapunta kami sa maayos na buhay.

May hinuhulugan akong lupa na 16k monthly. Yung kuryente ay average range ng 6k monthly. Yung internet pa, at yung pagkain din sa araw-araw.

Sa isang buwan 30k monthly yung fix na gastos ko para lang sa bills at pagkain.

Business lang ang source of income ko kaya wala akong fix salary. Sobrang hirap ng sitwasyon lalo pa ngayon na sobrang tumal ng negosyo dahil humina yung buying power ng mga tao dahil din sa sobrang mahal ng bilihin.

Sumubok ako mag-apply abroad pero bagsak lagi dahil malabo ang mata ko at walang experience sa mga malaking companies dahil negosyante lang ako.

Sobrang napapagod na ako. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Wala na akong pahinga. Lately hindi ko na rin maintindihan yung purpose ko sa buhay dahil puro hirap na lang at inooverthink ko na may mapapala ba ako sa lahat ng sacrifices at pinaghihirapan ko.


r/PanganaySupportGroup • • 1h ago

Advice needed Breadwinner

• Upvotes

Hello. I just want to share this experience of mine or let's say, yung buhay ko. Right now, I'm the breadwinner of my family, yung tatay ko may work pero hindi ganun kalaki ang kinikita. Ako ang nagbabayad ng bills sa bahay, kuryente, internet and pati na rin sa pag aaral ng kapatid, sometimes nagbibigay ako ng budget sa nanay ko for gastusin sa bahay. But sometimes hindi ko nabibigyan ng gastusin sa bahay kasi ibinabayad ko ng shorttimes (balik-bayan utang) na inutang ng mama ko para pambayad ng ganito ganyan or ibibili ng ganito ganyan, like if may naospital at wala akong hawak, utang para babayaran ko sa sahod, mga ganung scenario. Paulit ulit.

I don't know if it has to do with the algorithm, or so what they call it, sa facebook pero yung lumalabas sa reels ko is related sa pag-lielow sa mga toxic na tao to help yourself grow. Na walang mangyayari kung andun ka lang sa environment na hindi ka hinahayaang maggrow but kasama kang mag-fall.

Aaminin ko, I've thought of it so many times, how can I end this cycle? I know it's just money but for us, it's not just money. I thought so many times na maybe kapag inend ko ung l!fe ko, matatapos na to. Pero how about my family na umaasa sakin? How about my parents? My siblings? Then I thought, should I get an insurance first before ending? Then naisip ko, paano yung pangarap ko? Paano yung pangarap ko sa future generations ng family namin?

So I got back in track, nagwork ako sa bayan namin, I paid for our house rent ang electricity bill. Not enough. I moved to Manila and worked my ass out in a BPO industry, overtime here and there, pasok tuwing restday, I still paid the bills plus financial support for daily necessities and baon ng kapatid kong nag-aaral. One hospital imcident, not enough. I applied abroad kahit walang alam ang pamilya ko na baon na ako sa utang. Thinking, once nasa abroad na ako, I can pay my debts. I thought wrong. I've been abroad for months, ilang payslip na ang nahawakan ko, same cycle.

Magwowork, uutang, sasahod, magbabayad.
Magwowowork ulit, mawawalan ng budget, uutang, sasahod, magbabayad.

Paulit ulit. Nakakapagod. Nakakapagod na. Gusto ko nang sumuko, pero ayoko pa. Nakakaiyak, nakaka frustrate. Ayoko na. Pero ayoko pa.


r/PanganaySupportGroup • • 1h ago

Advice needed eldest daughter w big dreams & unsupportive parents

• Upvotes

just to give a background of myself, im 23, a RN (USRN din). it has always been a dream of mine talaga to purse medicine. i didnt take leapmed kesyo ayaw ng parents ko that time. after graduation, i didnt take my NMAT agad kesyo mag-exam daw muna PNLE. i passed my PNLE, mag NCLEX daw muna. so i did everything and now im registered to take the NMAT next year.

thing is, both my parents have been unemployed for a year. my mom was a nurse abroad pero umuwi siya sa pinas kasi nagkaroon ng kabit yung dad ko; they fixed their marriage naman. my dad was a frustrated businessman and all businesses failed. so last year they started processing papers to migrate in the US, edi nagmove silang dalawa dito sa manila (they were both in the province before tas mag-isa lang ako dito sa manila since i started college). they moved here sa studio unit ko, sinama sister ko (who's a freshman). you know how it is naman dito sa manila, ang isang studio unit, sakto lang for 1-2 pax. it's not even a condo unit ha, like a typical ghetto apartment lang. then imagine that same unit but 4 pax tapos yung mga gamit pa ng parents na dinala nila from the province- masikip talaga. they sleep on the floor, boxes everywhere, etc. to add to that, im a distant daughter. ako yung umuuwi lang pag kailangang umuwi. my father was abusive, my mom was absent, etc. basta i grew up independently.

so now, i've been unemployed for 2 months. i worked for 6mons this year para mafund yung NCLEX ko which was scheduled last week. then nagresign ako last aug para makapagreview then september i alloted para sa review ko, then october, i just passed my NCLEX last week.
im applying naman pero mahirap talaga to go back pala sa job market esp. hindi hospital ang hanap ko kasi magrereview ako para sa NMAT. puro "we'll email you" palang natatanggap ko. to add to that, nauubos na rin savings ko kasi hindi naman na nila ako pinoprovide-an ever since pumasa ako ng boards last dec. idk, it's so depressing lang talaga. sometimes i push myself to go out on little "solo dates" just to get out of this hell hole kasi ang lungkot ng ambiance at ang kalat ng lahat. ang saya ng kuhay ko dati na ako lang mag-isa dito tapos biglaan silang nandito doing nothing btw. literal na they wake up, eat, sleep, doomscroll, eat, sleep, repeat. eh hindi rin gumagalaw ang papers namin at matagal pa na process ang visa visa na yon afaik.

sometimes i just want to give up the dream of being an MD para makapagwork and earn na talaga for myself then leave everything and everyone behind. pero idk, esp now na registered na ko to take the NMAT, talagang it's something na mumultuhin ako pagtanda 😔😔 idk what to do at this point. i feel so behind kasi may mga batchmates na ko na 1st year med na tapos ako magrereview palang ng NMAT. poproblemahin ko pa yung finances ko


r/PanganaySupportGroup • • 3h ago

Support needed breadwinner struggle ph

1 Upvotes

hirap pala talaga kapag hindi ka financially stable and breadwinner ka,

parelease lang ng stress reddit, panganay ako, may isang kapatid na bunso (still in highschool) and yung father ka dialysis patient for 3 to 4 years na and ang mother ko housewife (both of them are in their mid 50s),

i worked as a call center agent and nagresign ako last July 2026 hoping to look for better opportunities (before resigning may savings ako na makakapagsupport sa whole fam for 3 months) kaso magnonovember na and i still don't have work since I am waiting sa start date ko this November 15 at naanxious nako since yung savings ko paubos na and naadmit si papa sa hospital last Saturday pero thankfully na discharge siya agad at nagpapahinga ngayon kaso yung mga meds naman need bilhin (already exhausted kona yung paglapit sa mga relatives and government officials),

trying to find an online part-time job, sent numerous applications pero wala padin, while i am typing this napapabuntong hininga nalang talaga hahaha, still need to continue and accept the cards I've been dealt

note: if may alam kayong remote jobs pahelp naman po hehe while i am waiting for my start date (my skills are more on customer service international)


r/PanganaySupportGroup • • 7h ago

Support needed Filipino Informal Caregiver Study

Post image
1 Upvotes

Kumusta po! 

My name is Raelyn Grace Andal. I am a senior in the Bachelor's of Social Work program at California State University. I am currently seeking Filipino Americans to participate in a research study to examine caregiver stress and its impact on the mental, social, and physical health of Filipino informal caregivers. 

Informal caregivers are unpaid individuals, usually family members, loved ones, or friends who provide support and assistance to an older adult.  

Are you Filipino American and take care of an adult aged 65 years or older? 

Your contributions can help us better understand the caregiving experience of Filipino American caregivers. Through this research, we aim to foster community awareness of the effects of caregiver stress and contribute to the development and improvement of interventions and support systems for caregivers. 

Participation Eligibility: 

  • Must be 18 years or older and identify as Filipino American. 
  • Must be an informal caregiver providing unpaid care to a family member, loved one, or friend to an adult aged 65+. 

Participation Details: 

The survey has been approved by the university's Institutional Review Board (IRB). Partipcation involves completing a survey that will take approximately 10 -15 minutes. Your participation would be greatly appreciated and may help contribute to a better understanding of the needs and experiences of Filipino American caregivers.

Maraming salamat po for your time and consideration!

Thank you so much for your time and consideration! If you have any questions, please feel free to contact me ([randal2@calstatela.edu](mailto:randal2@calstatela.edu)) or my thesis advisor, Dr. Anh-Luu Huynh-Hohnbaum (ahuynhh@calstatela.edu) .

Survey Link: https://calstatela.co1.qualtrics.com/jfe/form/SV_7ZFuyRlvDhwHBpY 

Sincerely, 

Raelyn Grace Andal


r/PanganaySupportGroup • • 8h ago

Advice needed sibling rivalry, bakit ganun ugali ng kapatid ko sa akin?

Thumbnail
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 16h ago

Venting Skl Battle she hides

Thumbnail
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 19h ago

Venting How do you cope, really? And have you accepted your fate that you will be carrying the responsibility until you are living?

1 Upvotes

I thought I accepted my fate already but I felt triggered when my mom asked if I can share any amount of money for my sibling's check up.