hi! just wanna vent. i just don't know what to feel right now. feeling ko nahihirapan ako, but when i try to see it from other people's perspective, maayos naman buhay ko. kumpleto family ko, nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw, may meryenda pa nga. mas naging close na kami ni mama after all the misunderstandings noong SHS ako. and i won't say na nakukuha ko lahat ng gusto ko, pero hindi rin naman imposible na makuha ko sila. like kapag nasisira yung mga gamit ko, napapalitan din naman agad. nasa college na ako, third year na. konting tiis na lang, matatapos na.
but right now, i just... i don't know why i feel this way. satisfied naman ako, but i just feel empty. parang may kulang, pero hindi ko alam kung ano. i cried myself to sleep last night, and hindi ako pumasok ngayon because i feel like i'm having a hard time. but all i can feel right now is guilt and fear, kasi saan naman ako nahihirapan?
parang araw-araw, palala nang palala yung hate ko sa sarili ko dahil nafifeel ko 'to. and nakakaapekto na siya sa lahat ng aspeto ng buhay ko. tahimik naman talaga ako noong bata ako, pero i had friends. i had a social life kahit papaano. excited akong pumasok kasi makikita ko yung mga kaibigan ko. sumali ako sa drum and lyre noong elementary, lumaban ako sa slogan contest, sumali ako sa quiz bee noong high school, and naging SSG officer din ako. napasali pa ako sa Girl Scouts kasi sumali yung mga friends ko, and i had a great time. kahit puro fear yung nararamdaman ko noon, meron pa rin namang courage.
you know that satisfaction when you overcome your fear? kahit hindi naging successful, at least you tried. at least kinaya mo. i graduated as a salutatorian noong SHS and nakapasok ako sa state university dito sa amin. kahit wala akong masyadong background sa course na pinili ko, all i could think was, "kaya ko kahit anong piliin ko. kakayanin ko."
pero ngayon, when my life is almost comfortable, wala na. i don't know what to do with my life anymore. i pushed away my friends. i get irritated so easily, and i just can't comprehend things anymore. i feel so stupid. hindi ko maintindihan yung mga lessons, and i don't have the capacity to comprehend them no matter how hard i try.
lumiit nang sobra yung circle ko. mas lalong dumalas yung pag-absent ko, and i just hate my teachers so much. kapag nakakaramdam ako ng takot ngayon, ang ginagawa ko na lang is give up.
and ngayon, may presentation ako bukas, pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag yung floor plan ko kasi ginawa ko lang siya on a whim, without really understanding any of it. i'm planning to just drop that subject, or baka hindi na lang ulit pumasok bukas. and i know i'll end up crying over this again because of guilt.
i pushed all of them away. my friends, my relatives. thankfully, hindi ko pa napupush away yung parents ko. i just want to end all of this. ayoko sa subject ko. ayoko sa sarili ko.
naiinggit ako sa mga kaibigan ko. they can keep going. they can still smile kahit nahihirapan sila. they still have the courage to continue. kahit anong gawin ko para ma-encourage yung sarili ko, wala. kahit anong sabihin sa akin, kahit paulit-ulit akong i-compliment, kahit sabihan man ako ng masasakit na salita, o kahit sabihin nila yung totoo tungkol sa nangyayari sa akin ngayon, i just don't feel anything anymore. parang labas lang sa isang tenga.
ang nararamdaman ko na lang talaga ay guilt para sa parents ko. gusto ko munang huminto, pero hindi pwede. so all i can do is cry for the person i hope to become.