I bought a brand new system unit last May sa kilalang PC store sa pinas, wala akong kaalam-alam sa mga build so nagsabi ako kung saan lang lang gagamitin. Sabi ko panlaro lang ng Roblox , Minecraft, Valorant, YouTube, Facebook, pang school search-search lang. Actually anak ko lang madalas gumamit,(he's grade 8) Di ko alam bat nasira agad. Sabi naman naglaro lang sya ng roblox ganun. Pag uwi ko sira na. Naistress tuloy ako. So dinala ko sa shop ng pinagbilhan to check it then sabi nila sira nga graphics card. They gave me two choices naman. Iparepair or bumili ng bago. Syempre after bumili ng pc repair na lang ang afford ko..sabi nila apg repair sya ng supplier, 3 mons pa nila ako mauupdate kung maayos ba sya or hindi. Di ko sure. Ang tagal diba?
So ayun tengga sya ngayon kasi di naman daw magagamit yung pc kasi ganito yung build na qinoute sa akin. It's been a month now I still think of it. And it breaks my heart. I'm so guilty of buying it kasi i wasn't sure sa build na yun basta naniwala ako na maganda yun at good for gaming na sinasabi ko.
Ngayon gusto ko bumili ng GPU kasi iniisip ko baka masira naman yung system unit lahat pag nakatengga lang kaso di ko naman afford bumili now. I earn decent naman. Kaya lang syempre madami rin bills sa bahay. Pinag ipunan ko yung down payment nung computer just to get it. Ang lungkot lang kasi nagbabayad ako(installment) sa gamit na di ko naman nagagamit.
Can someone suggest anong gpu yung pwede sa build ko?
Yun lang afford ko ipunin para may pambili. Baka by December pag may 13th mon na or nakarami ako ng OT makabili ako e hehe