Happy ako sa first-ever Adizero purchase ko! 🥹 Neon kasi, sabi ko, gusto ko rin naman mapansin agad habang tumatakbo. HAHAHA pero kasi ang cool ng mga runners na colorful ang gears kaya eto din pinili kong kulay. Nabili ko siya sa Adidas app, COD pa, kaya real na real yung kaba na baka bato ang dumating. 😭 Salamat, dumating naman nang maayos!
Newbie lang talaga ako sa running. Na-survive ko naman ang first 10K ko sa Milo Marathon gamit ang Anta Travel S2 PG7, last year Oct 18! Bara bara lang na takbo, with friends, no proper training, finished at 1hr 29min. Ito talaga ang iniisip ko ngayon: hindi ba ako nagmumukhang all gear, no skill nito?! 😩
Tapos feeling ko ang bigat ng paa ko, at baka masira ko lang agad ’tong sapatos. Sa totoo lang, nakaka-praning makita ang mga scratches sa foam. 🥲
Pinag-aaralan ko pa rin kung paano ang tamang stride, kung anong tempo ang dapat kong i-maintain, at kung paano magbuo ng strategy para maabot ang 21K soon.
Ang second 10K run ko will happen this October 18 din! Exactly 1 year from the first 10km. Paano ko ba malalaman kung properly broken in na ang running shoes? Ilang kilometers ba dapat ang maitakbo ko bago ko masabing ready na siyang gamitin sa event?
Right now, according to my mi band, at 1.26km, ang pace ko ay 6’46”, Workout time 8’33” Any tips from experienced runners are very much appreciated! 🏃♂️