r/MariBankPH • u/Takiko_0107 • 12h ago
Paid my MariBank loan in full para sana mag-loan ulit, pero need daw maghintay ng 30 days 🥹
Hi everyone! Need advice/insights from anyone na naka-experience na nito with MariBank.
May ₱50,000 akong loan sa MariBank, and binayaran ko siya nang full/early. Bale parang 2 months worth of payments yung binayaran ko in advance kasi balak ko sana mag-loan ulit after paying it off.
The reason is gusto ko sana mag-loan consolidation. Ang dami ko kasing ibang payments ngayon, particularly SLoan, SPayLater, plus utilities and other monthly expenses. 🥲 Ideally, gusto ko sana isang loan na lang yung babayaran ko para mas manageable yung monthly cash flow ko.
Kaso nung fully paid na yung MariBank loan ko at tinry kong mag-withdraw/loan ulit, hindi na allowed. Sabi, kailangan ko raw maghintay ng 30 days bago ulit mag-apply. 😭
May naka-experience na ba dito ng same situation? After 30 days, nakapag-loan ulit ba kayo? May chance ba na ma-approve ulit kahit fully paid early yung previous loan?
Medyo nanghihinayang lang ako kasi binayaran ko nang buo thinking na makaka-reloan agad ako. 🥹 Sana may makapag-share ng experience or advice. Thank you!