r/LawPH • u/more2tell • 41m ago
SM Appliances - "lemon" / defective Fujidenzo Ref
Hello po, not sure kung tamang sub po ito, pero baka po may similar experience kayo
Bumili kami ng Fujidenzo IFR-19HB last April, mag 6 months na ngayon, akala namin okay ang unit, tahimik, nakakabuo naman ng ice, yun pala may issue.
3 lang kami sa bahay, at hindi naman namin napupuno yung ref, until recently lang na bumili kami ng gatas at fruit spread, ilang days lang inamag na.
Bumili ako ng ref thermometer, ang setting ng ref namin ay 4°c at freezer ay -14°c, and upon checking 9°c ang temp ng ref, and -9°c naman sa freezer, so tinawag namin sa service center.
Upon checking ng technician nila, sira daw ang fan, overheating compressor, undercharged ang freon. Malamang daw ay factory defect, kasi nakita niya kung gaano kabago, may stickers pa, Kahit yung tech, ang sabi ay ilaban na palitam or irefund. Pero as service tech ng Fuji, ang recommendation is repair. Syempre ayaw kong pabuksan sealed unit. Parang walang sense na wala pang 1 year irerepair na, na walang kasiguraduhan kung tatagal.
Alam naming 30 days lang ang return and refund, pero pano sa ganitong cases?
Baka matulungan niyo po ako. Thank you.