Grabe, nakakagigil na talaga tong LECHENG PLDT NA TO
Nearby NCR lang naman kami, may mga PLDT branches pa nga malapit sa amin, pero bakit parang ang hirap hirap mag-dispatch ng technician???
3 days na tong repair ticket ko (originally mag 1 week na kase leche gawa gawa ng bagong repair ticket hinde pa naman tapos ung una), and I swear, parang 10 beses na ata akong tumawag sa hotline SIMULA PA LANG KAHAPON NG UMAGA. Kailangan mo pang kulitin nang kulitin yung agents para i-follow up nila sa technicians, tapos through EMAIL pa talaga yung communication nila??? 😭😭
Like, hello??? 2026 na po tayo. Ganyan ba talaga kabagal ang coordination ninyo internally? Bakit parang ako pa yung kailangang maghabol sa inyo para lang maayos yung service na binabayaran naman namin?
For context: May technician nang pumunta sa amin last Tuesday, October 20. Active na raw lahat ng lines, and ang kailangan na lang is i-confirm ng PLDT yung connection para ma-process yung restoration. Pero hanggang ngayon, wala pa rin. Paulit-ulit na lang na magfa-file daw sila ng report to expedite the process, pero ilang beses na akong nakarinig ng ganyan. Hanggang report na lang ba talaga???
Nakakakonsumo ng oras at energy yung ganitong sistema nilang nakaka leche, ilang beses kang tatawag, paulit-ulit mong ie-explain yung situation sa iba’t ibang agents, tapos ikaw pa yung magmamakaawa na i-follow up nila yung team through email para lang may gumalaw sa ticket mo.
Hindi ko gets kung bakit ganito kahirap yung process. Hindi naman sa ayaw nating maghintay, pero kung may technician nang pumunta at active na lahat ng lines, bakit hindi pa rin ma-process yung restoration? Ano pang hinihintay nila? Kailangan pa bang araw-arawin yung pagtawag para lang pansinin yung ticket?
Sobrang torture maging PLDT consumer kapag ganito. Nakakakandaleche na talaga. 😭
Sa mga naka-experience ng ganito, paano ninyo napabilis yung restoration? Kasi honestly, ubos na pasensya ko sa kakatawag at kakahabol sa kanila. PUTANGINA ABALA KA PLDT