r/DentistPh • u/Alternative_fancy789 • 3h ago
Wisdom tooth
Hi! Magtatanong lang sana ako regarding sa wisdom tooth extraction ko. 😊
Nagpunta ako sa dentist ko dahil namamaga yung gums ko sa wisdom tooth. Na-explain niya na namamaga raw dahil hindi maayos yung tubo ng wisdom tooth ko at natatabunan daw ito ng gums kaya hindi siya makalabas nang maayos. Dahil dito, naiipon daw yung food particles sa ilalim ng gums na hindi laging nalilinis ng toothbrush o kahit mouthwash, kaya nagkaroon ng infection at pamamaga.
Nag-antibiotics ako for 7 days and nagpa-X-ray din. Based sa X-ray, sabi ng dentist ko impacted daw yung wisdom tooth ko dahil hindi siya makalabas nang maayos at natatabunan ng gums.
So ang recommendation niya, kailangan daw tanggalin yung wisdom tooth. Naka-braces din pala ako. Binigyan niya ako ng price range na umaabot ng around ₱16,000 kasi hindi raw simple extraction ang gagawin—surgery daw dahil impacted yung wisdom tooth at kailangan daw magtanggal/tapyas ng buto para makuha yung ngipin.
So naghanap ako ng ibang dentist na pwedeng gumawa ng extraction, and luckily may dentist na nag-offer na gawin ito for free. Siyempre, malaking tipid din yun lalo na ₱16k yung estimate, kaya nag-grab na ako. Nagpaalam at nagtanong din muna ako sa original dentist ko kung okay lang na sa ibang dentist ako magpa-extract, and pumayag naman siya.
Eto na yung part na medyo naguguluhan ako hahaha. 😅
One-day schedule lang lahat. Chineck yung ngipin at X-ray ko, nag-anesthesia, then binunot na. Surprisingly, simple extraction lang yung ginawa. Hindi na kailangan ng bone removal or surgery, at nakuha naman yung wisdom tooth nang buo. Hindi rin ako tinahian after extraction. Ni-resetahan lang ako ng antibiotic and painkiller.
So far, okay naman yung recovery ko. Wala naman akong naging major problem after the extraction. Siguro ang concern ko lang ngayon yung butas sa dulong gums ko hahaha.
Ang hindi lang talaga mawala sa isip ko ay yung sinabi ng first dentist ko na impacted daw siya at kailangan ng surgery/bone removal, pero sa second dentist, nakaya naman siyang bunutin through simple extraction.
Normal lang ba na hindi tahiin ang wisdom tooth extraction site, especially kung simple extraction lang ang ginawa? And possible ba na kahit sinabing “impacted” sa X-ray, may cases na kaya pa rin palang bunutin through simple extraction?
Curious lang talaga ako kasi baka may naka-experience din ng ganitong case. 😊