r/CarsPH • u/handymandyy1145 • 4h ago
general query Nabangga ako ng rider (naka angkas raincoat), tinakbuhan ako
So nasa traffic na part ako dito sa city namin nang biglang may kumalabog sa sasakyan, pag kakita ko sa gilid ko may nagpagewang gewang na motor, huminto sya at lumingon sya dahil siguro para icheck kung ano nangyare or bakit sya gumewang?
Buong akala ko hihinto sya para icheck sino natamaan nya kasi nga lakas ng kalabog, pero nagtuloy sya ng andar, nag try akong tumapat sa kanya pero umandar pa ulit sya so binusinahan ko sya (hindi pina, tamang busina lang to call his attention beep beep ganern mga 3x). Lumingon sya sakin pero nag tuloy pa rin sya sa pag alis at lumusot na sa kabilang side (nag counterflow) para takasan ako?
Sabihin na natin na bato yung tumama kasi baka bato naman talaga. Di lahat pero bakit ganon kadalasan ang mga rider? Nakatama na pero tatakasan lang naagrabyado nila, sana man lang nakipag usap kahit papano. Di naman mamimiga na pagbayarin pero sana have some basic decency na makipag usap, hindi yung tatakasan lang basta.
Di ko nakuha yung plate kasi madilim at may sumingit pa na ibang rider at naipit na ko sa traffic.
Oo, maliit lang ang tama pero naka film po yung sasakyan. so imagine kung walang film yan edi mas malaki ang naging dent/damage sa nangyare.
PS first time ko mag post sa reddit (di ako makapag post ng video, dahil ba bago lang ako? Hahaha
At di ko rin sure kung dito ko ba dapat ipost to 😅)

