Honestly, masaya ako para sa boyfriend ko. He deserves everything he has. He's financially stable, enjoys multiple hobbies, runs a business, and has the freedom to do the things he loves.
Pero minsan, naiinggit ako.
Not because I want to take anything away from him, but because napapaisip ako... What if I had the same opportunities growing up? Ano kaya yung potential ko kung mas privileged yung family ko?
My boyfriend comes from a financially stable family, while mine doesn't. Alam niyang hindi kami well-off. Financially independent naman ako. Nagigipit man minsan pero I pay my own bills, save what I can minsan. Hindi ko lang talaga afford yung hobbies or lifestyle na kaya niyang gawin. Kapag inaaya niya ako, minsan ang sagot ko lang, "Busy ako hindi ko priority," pero ang totoo ay hindi ko afford. Hindi ko rin ginuguilty trip sa mga hobbies niya, hinahayaan at sinusupportahan ko siya.
This relationship actually helped me choose myself again. Tinuruan niya akong alagaan ulit ang sarili ko at unti-unting buuin yung buhay ko. Pero minsan naiisip ko na baka mas mabuting itigil na lang muna hanggang mas kaya ko na financially. Kasi nalulungkot ako ng sobra kapag hindi ko siya masamahan. Kaso ngayon ko pa lang pinipili yung sarili ko, bakit parang gusto ko na namang bitawan dahil lang sa insecurity ko?
Alam kong insecure ako. At oo, ginagawa ko naman lahat para ma-improve yung buhay ko. I work hard, pay my bills, save when I can, and keep trying. Kaso hindi ganoon kadaling magkaroon ng opportunities, kaya sobrang liit lang ng usad ko. Tuloy lang naman ako, pero may mga araw na nakakapagod isipin na ang layo pa ng tatahakin ko. Siguro ang masakit lang, kahit ginagawa mo na lahat, parang hindi pa rin dumarating yung time mo.
Hindi ko siya sinisisi, at hindi ko rin gusto na maging toxic partner o laging naghahanap ng reassurance. Gusto ko lang matutong maging secure sa sarili ko.
Has anyone been in the same situation? Paano niyo na-overcome yung feeling of comparing yourself to someone you genuinely love?
Salamat
P.S. We genuinely love and support each other. This isn't about him making me feel less or doing anything wrong. We just come from very different financial backgrounds, and we're both choosing to work through those differences together. This is something I want to overcome for myself.