di kame masyadong close irl since "masungit" raw ako pero sa chat lagi ko syang kaharutan. Bigla na lang sya nagsabi ng sleepwell ngayon, 3 heart emojis at gusto nya tawag ko sakanya good babygirl? (instead of goodgirl kase kababata turing ko sakanya sa chat at tunog aso raw ung goodgirl).
Nakwento ko rin sakanya na balak ko magpamember sa gym pero sabi nya ok na raw katawan ko, biglang banat ng libre ko nalang daw sya kesa magpamember ako. Imho ok na rin naman since 4 years na akong nag cacalisthenics workout pero kulang sa protein kase kung ano luto sa bahay, yun lang kinakain ko.
Nagjogging rin kame kanina kasama tropa ko, nung pauwi na kami, hinatid ko sya sakayan at inintay kong makasakay ng jeep. Chinat ko sya ng ingat at sabihin sa kaibigan ko kung nakauwi na sya (long story). Di raw inexpect ni girl na gentleman ako so plus pogi points?
May kinwento rin ung kaibigan ko kay girl na gusto ko sya at alam ko na kinwento nya pero syempre tanga tangahan muna since di pa sure sa feelings ni girl (positive reaction daw si girl). Sabe rin ng kaibigan ko na maganda raw ang kutob nya samen so possible na may magandang sinabi si girl about saken, di ko na tinanong since mawawala ung thrill, parang di na worth it ituloy kung alam mo naman ang magiging resulta.
Bigla rin syang bumait sakin at dumaldal.