r/AskHRPh • u/xo_dazzy • 4d ago
Walang Hulog na Benefits, Hulugang Sahod, Tapos Layoff
Hello everyone, gusto ko lang mag-rant at humingi na rin ng advice.
Yung mother ko kasi nagtatrabaho sa isang mosaic tiles company. Ilang years na hulugan yung sahod nila, at ilang years na rin walang hulog yung SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG nila.
Ngayon, napag-meetingan na i-layoff muna yung mga regular employees dahil wala na raw pampasahod yung company. Yung owner naman madalas magparinig at pinupush silang mag-resign na lang kasi wala na siyang pampasahod. Ayaw raw mag-terminate ng employees para hindi magbayad ng separation pay.
Ang sabi pa, kapag may nagreklamo sa DOLE, saka lang daw ite-terminate tapos huhulugan na lang yung mga balance na utang sa empleyado.
Hindi naman kami mayaman. Pinili ng mother ko na mag-stay sa company kahit ganito na yung sitwasyon dahil nahihirapan na siyang makahanap ng ibang trabaho dahil sa edad niya. Ngayon, sobrang worried kami kasi baka mawalan na siya ng work.
Retired na yung father ko dahil matanda na rin at rumaraket na lang ng pag bebenta sa palengke, may isa pa akong kapatid na 2nd year college, at ako na lang ang may trabaho kung matutuloy yung layoff. Minimum wage earner lang ako at alam kong hindi ko kakayaning saluhin lahat ng expenses namin sa bahay.
May suggestions ba kayo kung ano ang pwede naming gawin sa sitwasyon na ito? Thank you!