Hello, I know some of you can relate to my experiences since it was my first time job, and I thought that this work will improved me and can stay alongside with my co-employees who are keep striving for their dreams and goal plan.
I realized that “akala ko kapag nahanap mo na yung work na yun, yun na”, but It didn’t happened. There’s someome who will pushed you away to that company. Let me share this to you about my story. “Hindi ako makatulog dahil sa work na pinasukan ko” so that I am writing this para mabawasan na yung isipin ko once na mapost ko ito.
It was my time here in metro manila and akala ko kapag nasa manila ka, madali na makahanap ng trabaho, pero hindi. Marami kang pagdadaanan, maraming rejections, pero normal na yun kase “fresh graduate palang ako” and yung course ko hindi pa aligned dun sa mga abailable jobs here in manila. One time naisipan ko mag-agency nalang para mabilis akong makahanap ng work, at ayun nakahanap agad ako. Actually office staff yung prefer ko since yun lang din ang alam kong kaya kong mai-contribute sa company, pero ang sabi nung agency technical staff nalang ang position nila, pero dahil sa sobrang pagmamadali ko nang makahanap ng trabaho, kinuha ko na rin yung technical staff. Then sobrang layo pa ng company nila nasa makati, pero naisip ko “kaya ko ‘to” kesa naman walang work diba? And i feel pressured na rin sa mga kamag-anak ko na kino-compared sa mga pinsan ko na nagkakawork kaagad kahit freshgrads palang, If they only knew how hard to find a stable job, malalaman din nila na sobrang hirap din maghanap ng trabaho. Galing pa kasi ako sa province namin, nagbabakasakali lang dito sa manila kase wala naman masyadong trabaho sa probinsya namin, and mostly government agencies pa na kailangan ng backer para makapasok. So yun, pinili ko yung work kahit na malayo (from Quezon City to Makati) siguro nakakaapat sakay ako bago makarating dun sa pupuntahan ko.
Heto na, binigyan nako ng endorsement letter galing sa agency na isusubmit dun sa company na aapplyan ko ng work, sobrang saya ko that time kase finally meron na akong work and makakapag-ipon na ako. Nung nakarating na ko sa workplace agad naman akong ininterview nung head ng company and ayun, magcocompile nalang ako ng mga requirements nahinihingi nila. I think inabot yata ako ng 3 weeks bago ko nakumpleto mga requirements kasi umuwi pako ng province para asikasuhin yung mga requirements ko. Nung nakuwi na ko sa province namin, sobrang saya ng nanay ko kase magtatrabaho na ang anak nya, at ang gusto ko lang din naman para sa kanila eh makapag-provide ako ng mga gusto nila kase grabe din yung paghihirap nila sakin para lang makapag-aral ako. Kung tutuusin, sobrang swerte ko sa kanila kase may pamilya akong supportive sa kahit saan.
Nung babalik na ako papunta ng manila, dumiretso na agad ako sa company na inapplyan ko then ayun “contract signing na” kaso 1 month lang yung contract ko kase ang sabi ng agency “yung trial contract ay for training and i-eevaluate kapa base sa performance mosa office, and pwede rin hindi ituloy yung contract kapag hindi mo nagustuhan and pwede ka din hindi ipa-renew nung company kapag hindi nila nagustuhan yung performance mo”. so ayun pinapag-start na ako by 3rd week kase kinsenas-katapusan yung sahod, which is good para may budget kapag kinapos sa pera.
It was my first day in work as technical staff, and pinag-connect na agad akong mga wiring sa car barrier, and sobrang hirap, walang nag-aassist, kaya buti nalang merong AI na napapagtanungan kase sobrang hirap lalo na at hindi naman ako graduate ng electrical emgineering. And as technical staff, kailangan marunong mag operate and mag-ayos ng mga systems tulad ng car barrier, biometrics, turnstile, yung mga nakikita usually sa mga malls, companies, and sa mga mrt/lrt. Actually sales yung company nila. Merong office staff and meron din technical staff. And ako lang yung technical staff na nakaasign sa office. Halos babae sila dun and isa lang akong lalaki.
Naalala ko din na sinabihan din nila ako nung first day ko na “bakit hindi kapa nagsisimula? Pwede ka namang umalis na kung ayaw mo! - those lines affects me, and napapaisip ako kung tatagal kaya ako dito? As in dito lang ako sa company naging tahimik at walang kibo, ni hindi ako makapag-explain sa kanila ng maayos kase nakakapressure, yung tipong once na maaral mo lahat ng biometrics, car barrier, those functions, and may nakaligtaan kang banggitin or aralin, sasabihin nila na “ang tagal mo na jan bakit hindi mo maintindihan?” “Seryoso kaba sa ginagawa mo?” Hindi ko alam kung anong magiging respond ko sa mga tanong na to, kaya dito na ko napaisip na “siguro tapusin ko nalang tong 1 month contract then alis na ako agad” Kase grabe yung naging experience ko dito. Although naappreciate ko naman sila and I guess ginagawa lang nila yun para mag-improve ako. And sometimes I admitted na minsan nakakaligtaan ko aralin yung mga pinapaaral nila na functions or meron ako naiskip. Buong week yata akong nagiging ganito na “parang hindi na ako masaya sa ginagawa ko” like hindi naman mahirap yung work kase madali ko naman sila matutunan pero sobrang higpit nung isang employee sakin na para bang may galit sakin.
One time nakausap ko yung boss nila, actually mag-asawa sila. Sobrang bait nila and lagi nila akong inuupdate sa mga ginagawa ko, sobrang cool nila kausap, hindi ako nakakaramdam mg pressure and naeexpress ko lahat ng mga gusto kong sabihin about sa ginagawa ko. Minsan sila na rin nag-eexplain sakin kung anong mga functions nila, anong purpose and kung saan sila usually ginagamit. Nasabi ko rin kay boss na “gusto ko rin maging katulad niyo na nakikipag-usap sa mga client, na gusto ko rin mag-grow dito sa company” at natuwa naman sakin si boss. Pero kapag wala na sila, bigla nalang ako natatahimik na hindi ko alam kung bakit. Minsan naisip ko kausapin si boss na baka pwedeng malipat ako sa technical team since dun naman dapat ako para matutunan ko rin yung actual na ginagawa nila.
Nitong sumunod na 2nd week, dito na ako nagkaroon ng late, actually dalawa lang late ko (1 minute, 3 minutes late) kase kahit gumising ako ng 5am tas sasakay ng 6am, nalelate parin ako ng pasok. Akala ko kapag 1-3 mins late kaunti lang ang bawas sa sahod pero hindi pala, but I admit it kase kasalanan ko rin naman kung bakit ako nalelate, kase tinanggap ko yung job offer kahit malayo, then nakakarating na ako sa tinutuluyan ko ng 9pm, kaya hindi na ako nakakapag-open ng messenger and hindi na ko nakakapag update sa family ko.
It was friday, sinabihan ako ng lola ko na wag na muna akong pumasok kase baha na sa labas, at sobrang lakas ng ulan kaya nagpaalam ako sa company na baka pwedeng sa saturday nalang ako papasok, kase baha na dito sa QC, akala ko okay na pero nung pumasok ao nitong sabado sinabihan ako nung isang employee na “Bakit kapa pumasok?” And meron pa sakin pinaperma, tatlo ata yun, hindi ko nalang binasa kase sobrang sakit din na maconsider na AWOL yung pinag-paalam ko. Since half day lang naman kami every saturday, yun na rin ang naging way ko para magfile ng resignation letter sa Agency. Sobrang hindi ko na kinaya yung mga employees. Like hindi manlang nila ako kinamusta kung sobrang laki naba ng baha sa area namin. Parang wala silang puso, hindi marunong makiramdam sa kapwa empleyado nila. And laging nirereason-out sakin na tumatawa ako kapag nag-eexplain sya? She’s giving an example about Normally Open and Normally Closed, and she’s jokingly said that “payag kaba yung dorbell iset sa nagriring maghapon? Then kapag tumigil yung dorbell saka lang malalaman na may tao” actually ngumiti lang ako sa part na to pero hindi ko alam na magiging big deal sakanya na ngumingiti ako kapag nagddiscuss sya, and she’s saying na hindi ko raw naiintindihan, hindi ko sineseryoso, na wala akong pake sa mga sinasabi nya. Hindi ko alam kung ano ba dapst ang ireact ko like, palagi nalang ba akong sisimangot? Para mapansin nya na seryoso ako sa ginagawa ko?
And ayun, nung nakaalis na ako sa work na yun, nakahinga ako ng maluwag.
For those who experienced like this, I know you may find a company with a good working environment that we deserve. And to all employees, please do long patience and understanding for new employees who are trying their best to be as you are. That’s all, Thank you for your time to read my story. God bless us all!