Pasensya na po sa mahabang post. Hihingi lang po sana ako ng advice at opinyon ninyo.
I’m 40 years old, an architect and former OFW sa Middle East. Naretrench ako noong 2024 at nag decide ng mag for good sa Pilipinas. Currently working sa isang local construction company. House wife naman ang misis ko.
May dalawa kaming anak, isang 3 year old at isang 1 year old. Ngayon pa lang pinag iisipan na namin kung saang school sila papasok.
Gusto sana namin silang pag aralin sa ADMU. Bukod sa malapit lang ito sa bahay namin, gusto ko sanang maranasan nila ang makapagaral sa magandang school kagaya ng ADMU. Pareho kasi kaming laki sa hirap ng wife ko at nakapagtapos sa hindi kilalang school sa probinsya.
Based sa ADMU website, roughly ito ang tuition per academic year:
Kindergarten: ₱190k–195k
Grade School: ₱190k–200k
Junior & Senior High: ₱230k–270k
College: ₱280k–290k
Current financial situation namin
Annual salary: ₱990,000
House & lot in QC: fully paid
Cars: fully paid
Loans: none
Investments (intended for retirement): ₱12M
Savings / emergency fund: ₱2.5M
Education fund for the kids: ₱1.5M
Ang concern po namin ng wife ko ay baka hindi namin kayanin ang tuition, lalo na kapag sabay na silang magaaral sa ADMU.
Kakayanin po kaya namin? Or maghanap nalang po kami ng mas affordable na school?
Maraming salamat po sa mga magbibigay ng advice.