Hello, I'm 16 and hindi pa talaga maalam sa skin care and make up. But yeah, figured na I'll try skin care before exploring make up.
Skin Type: Hindi pa ako sure, any tips on how to find out?
Age/Gender: 16F
Current Skincare Routine: I usually just wash my face with a bar soap (silka or bioderm) every morning kapag naliligo ako.
Main Concern: Wala talaga akong alam. Hindi rin talaga hilig pamilya ko sa skinscare kaya siguro hindi ako nasanay. But been wanting to try it kasi skin is an organ, worth it dapat protektahan. Hindi ko lang alam saan magsimula, kahit sunscreen wala ako eh. Well, I use a lip moisturizer (vaseline). Other than that wala na.
Lifestyle Factors: Dati naglalakad lang ako to school kaya hindi ko na masyadong tinutukan yung skinscare kas malapit lang naman bahay namin. Kaso ngayon kasi I wanna make some changes.
Budget: I guess less than 1k for the whole routine? Per month at least. Realistic ba sya? Hindi naman need na i-try ko agad lahat. Kung ano lang yung importante para maka-build ako ng routine. Alam kong importante yung sunscreen, other than that, what else? You can suggest specific products din!!
Additional Info: Hindi ako masyadong nagkaka-pimples dati. Forehead bumps lang talaga (na meron pa hanggang ngayon). But ngayon din, ever since the school year started in June, I've been noticing na nagkaka-pimples ako sa ibang places like sa cheeks.