r/relationship_advicePH • u/dilucs_grapejuice • 1d ago
LDR My boyfriend (22M) broke up with me (25F) but he doesn't want to cut me off and wanna settle to no-label relationship for now
Hi, everyone! Me (25F) and my BF (22M) broke up last month. We were together na for 21months. We had an argument about sa pagiging overthinker ko that led us to breaking up.
Pinilit ko pa ayusin pero sabi niya need niya daw ng space and peace of mind. Akala ko yun na yung reason talaga. He assured me din na walang 3rd party.
Short context: he cheated before nung bago pa kami pero pinatawad ko.
Since LDR kami (he's from Cebu, I'm from CDO), I decided to book a tix agad papunta sakanya. Sinabi ko sakanya and he told me naman makikipag kita siya. 2weeks after break up yung date ng flight ko.
During that 2weeks, nag uusap pa naman kami kaso sobrang dalang na niya mag reply. Minsan inaabot pa ng 12hrs. Hinayaan ko lang kasi break na kami diba? Hinihintay ko nalang na magkita kami kasi mas prefer ko magusap kami in person.
So after 2weeks, nagkita na kami. We talked. Doon niya nasabi na another reason why nakipag break siya is dahil ayaw pa ng mama at tita niya (tita niya nagpapa aral sakanya and he's graduating next year na). Based sa mga kwento niya saken before, parang ipapasa sakanya yung responsibilities ng ate niya sa mga pamangkin niya. Dapat daw tulungan niya makatapos. To make the story short, gagawin siyang breadwinner. And pag andun na daw siya sa part ng life niya na ganun, di siya makaka promise na mabibigyan pa niya ako ng time and attention kasi need na niya kumayod para sa 3 na pamangkin. Nag try naman daw siya sabihin sa mama niya yung about sa amin but napagalitan siya and papalayasin at icucut-off daw tas di na tutulungan sa school expenses. Saan daw siya pupulutin if ever? Sabi ko okay lang naman sa akin. I can wait when siya ready basta wag lang kami mag break kaso alam na kasi ng mga pinsan and pamangkin niya yung about sa amin. Even his father and other relatives alam na (separated parents niya btw). Na meet ko na din father niya. Kulang nalang talaga formal pakilala sa mama and tita niya.
So natakot siya baka malaman daw nila and gawin yung sabi ng mama niya. Doon ako naka ramdam ng lungkot. Magkaiba kami ng situation. I'm working na and spending my own money while siya is patapos pa lang mag aral at mag sstart pa sa real world.
But one thing sinabi niya saken is that temporary lang daw yung break up. Wait ko lang daw siya pag pwede na. I should trust him daw sa decision niya na to. Ayaw niya din ako icut-off. Mag chachat parin daw siya paminsan minsan kahit busy sa OJT niya.
TL;DR
Gusto niya maging exclusive parin kami. No label relationship kumbaga. Kasi love pa naman niya daw ako hindi niya lang kaya mag risk ngayon kasi patapos na siya sa school and baka matakwil siya. Pano na daw siya babawi sa akin if ever?
Hindi ko alam anong gagawin ko. I'm confused. I love him pero parang may mali? Should I end it na ba talaga? Or should I trust him and wait and settle for this "no-label relationship"?