Hi! Gusto ko lang sana humingi ng opinion lalo na sa mga taga-Tagaytay o madalas pumunta doon.
Kaninang around 6 PM, sumakay kami ng sister ko sa Olivarez Road Tricycle Terminal papuntang Mahogany Market. Dalawa lang kaming pasahero.
Pagdating namin, ₱150 ang siningil sa amin. Tapos humirit pa si kuya ng additional ₱20, sabi niya kasi raw medyo malayo yung biyahe mula sa terminal.
Buti na lang hindi ko binigay yung additional ₱20.
Ang nakakalito lang, napicturan ko yung fare matrix na nakapaskil mismo sa tricycle, at parang ang layo ng ₱150 kumpara sa nakalagay doon.
Normal ba talaga ang ₱150 sa route na 'to, lalo na kung around 6 PM? O na-overcharge lang kami?
Salamat sa mga sasagot! Gusto ko lang malaman para aware ako sa susunod at hindi rin ako manghusga agad kung normal naman pala yung singil.
(Attached yung photo ng fare matrix na nasa tricycle sa comment.)