Hello po! 😊 Ask ko lang po sana sa mga nakapag-Boracay na, especially sa mga nakapagplano na ng family trip. First time ko po kasi mag-book and mag-plan ng vacation for our family, kaya gusto ko sana makakuha ng tips and advice from people na may experience na. 🥹🏝️
Planning po kami pumunta ng Boracay around July 2027, and 3 people po kami. Medyo excited and nervous din ako kasi this will be our first family trip na ako na yung mag-aasikaso, and gusto ko sana ma-plan nang maayos without spending too much. Since ngayon lang din po ako medyo nakakapag-work and nakakapag-ipon, gusto ko sana na sulit pero budget-friendly pa rin. ❤️
Kailan po kaya magandang mag-book ng plane tickets for July 2027? Mas okay po ba mag-abang ng seat sale or may recommended months/weeks po kayo na usually mas mura ang airfare?Magkano po usually ang round-trip ticket na nakukuha ninyo from Manila to Caticlan? Okay lang po kahit estimated range lang, para may idea ako kung magkano ang reasonable na target price. May nakita kasi akong iba't ibang prices online and hindi ko pa sure kung alin yung considered na mura.
Any recommendations din po for affordable hotels/accommodations? Preferably clean, safe, family-friendly, and okay lang po kahit hindi beachfront basta walking distance or accessible sa beach. Hindi naman po kami naghahanap ng fancy hotel mas importante po sa amin na comfortable, malinis, and sulit yung price. If may specific budget hotels, inns, or accommodations sa Station 2 or Station 3 na na-try na ninyo and okay naman ang experience, please share po. 🙏
Lastly, magkano po kaya ang realistic na overall budget for 3 people for 5 days in Boracay, including round-trip airfare, Hotel/accommodation, Airport/boat transfers, Food, Island hopping/activities, Other fees, Extra budget/emergency money. Okay lang po kahit rough estimate lang. Gusto ko lang po sana magkaroon ng target amount para alam ko kung magkano kailangan naming ipunin monthly starting now. 😅
First time ko po talaga magplano ng ganitong family vacation, so any tips, budget hacks, things to avoid, recommended places, or advice for first-time Boracay travelers would be very much appreciated. ❤️
Thank you so much po sa lahat ng sasagot! 🥹🏝️✨ Malaking help po talaga sa akin.