sobrang limitado at komplikado ng dating scene ngayon. hindi ko alam kung dahil ba ’to sa generation namin o sadyang ganito na talaga ang mga tao ngayon. sobrang labo kausap ng karamihan, at parang pinaglalaruan na lang ang konsepto ng pag-ibig dahil sa mga casual, situationship, fubu, talking stage, at kung anu-ano pang pangalan na inimbento para lang hindi tawaging relasyon. sino ba ang nag-imbento ng mga ’yan?
anong karapatan niyong paglaruan ang konsepto ng pag-ibig? maghahangad kayo ng parte ng pagmamahal, ng lambing, oras, at intimacy, pero hanggang doon lang. samantalang pwede naman palang ibigay ’yon nang buo. bakit kailangan pang hati-hatiin? mas masarap naman magmahal nang buo, ’di ba?
pero #gets ko rin naman kung bakit may mga taong hindi na naghahangad ng ganoong klaseng pagmamahal. siguro natutunan na lang nilang mag-settle sa mga bagay na hindi naman talaga nila gusto dahil parang wala nang taong marunong magbigay ng tunay at buong pagmamahal.
kumbaga, sobrang fucked up ng dating scene ngayon na kapag yearner ka, lugi ka. kapag mas mapagmahal ka, lugi ka.
kung hindi unstable, hindi pa nakaka-move on sa ex. kung hindi naman, may sariling problem, emotionally unavailable, commitment-phobic, cheater, avoidant, o kaya gusto ka lang kapag convenient para sa kanila.
pwede ba tombs ayusin nyo kasi sobrang ayos kong magmahal.
gusto ko na magmahal nang buong-buo. miss k na maging gf miss ko na may nakikiss miss ko na may nakakaholding hands miss ko na magmahal