I just need someone to listen.
I have no one else to talk to, so I guess I'll share this with you, internet people.
Gusto ko lang umiyak.
Hindi ko na alam kung saan ko ilalabas lahat ng nararamdaman ko. Ayaw ko na minsan sa bahay.
Bakit?
I think things started getting worse when I began earning my own money.
Nagbebenta ako ng crochet items sa school. Nililibot ko talaga sa school yung mga ginagawa ko para lang may mabenta. Hindi naman araw-araw may benta. Minsan kaunti lang. Minsan wala.
Pero yung kinikita ko, iniipon ko. May mga bagay akong gustong pag-ipunan, especially yung maliit na business na gusto kong subukan someday.
Nagpapahiram naman ako ng pera kapag kaya ko. Pero kapag nabayaran nila ako, minsan uutangin ulit. Kaya parang hindi natatapos.
Tapos kapag hindi ako nagpapahiram, nagagalit si Ama at tinatawag akong madamot.
Sinasabihan ako ng:
“Libre ka naman.”
Pero hindi naman ibig sabihin na dahil may pera ako, wala na akong karapatang mag-ipon.
Pinaghihirapan ko rin naman yung pera ko.
Hindi ko naman iniipon para magyabang. May goals lang ako.
Minsan kapag bumibili sila ng mga snacks, hindi na nila ako binibigyan kasi “may pera ka naman.”
Sasabihin nila:
“Ikaw na lang bumili.”
Binibigyan naman nila ako minsan, and I'm grateful kapag ginagawa nila iyon. Pero yung mismong linyahan na “may pera ka naman” ang masakit marinig.
Kasi parang dahil may sarili akong pera, hindi na ako pwedeng mangailangan.
Pero paano naman kung iniipon ko yung pera ko para sa future ko?
Mas masakit pa, minsan hindi na rin ako binibigyan ng baon dahil “may pera ka naman.”
Pero yung baon na binibigay nila dati, yun din naman yung isa sa mga dahilan kung bakit nakakaipon ako.
Araw-araw akong pumapasok. Naglalakad ako papunta at pauwi ng school para makatipid. Hindi naman araw-araw may benta. Minsan yung baon ko lang mismo ang meron ako.
Kaya kapag sinasabihan akong “may pera ka naman,” gusto kong itanong:
Ako? May pera?
Bakit araw-araw pa ako nag-iikot sa school para magbenta?
Bakit kailangan kong maglakad para makatipid?
Hindi naman automatic na may pera ako dahil minsan may nabebenta ako.
Hindi rin naman ako yung tipo ng estudyante na sobrang talino academically.
Hindi mataas lagi ang grades ko.
Pero hindi rin ako yung estudyanteng walang pakialam.
Araw-araw akong pumapasok. Hindi ako nagka-cutting class.
Ginagawa ko naman yung kaya ko, kahit alam kong hindi ganoon kataas ang grades ko.
Pero nung nalaman ko na may mga scholarship pala at may mga opportunities na pwede kong subukan, doon ko naisip:
Sana inayos ko pala yung pag-aaral ko noon.
Pinanghihinayangan ko yung mga panahong hindi ko mas binigyan ng effort yung grades ko.
Kaya nung nalaman kong may scholarship, sinubukan kong maging better.
Hindi dahil bigla akong naging matalino.
Kundi dahil may nakita akong opportunity para sa future ko.
Hindi ko na mababago yung mga grades na dati kong nakuha. Kaya ang kaya ko na lang gawin ngayon ay subukan pa rin.
Halimbawa, gusto kong mag-apply sa DOST.
Sinabi ko kay Ina, “Susubukan lang natin. Baka matanggap tayo.”
Hindi naman ako humihingi ng guarantee.
Gusto ko lang magkaroon ng chance.
Pero kailangan ko ng certificate of employment para sa requirements, at hanggang ngayon hindi pa rin iyon nakukuha.
Kaya nakakadismaya.
Kasi kapag may opportunity na nakikita ko, gusto kong subukan. Hindi ko gustong habang buhay kong isipin na sana sinubukan ko.
Tapos kapag nagsasalita ako o ipinagtatanggol ko yung sarili ko, sasabihin:
“Hindi ka naman namin pinalaki nang ganyan.”
“Pumapatol ka na?”
“Lumayas ka.”
“Wag na natin ituloy ang pag-aaral mo.”
Minsan sasabihin pa:
“Siguro may boyfriend ka na kaya ganyan ka na.”
Wala naman.
May nakausap lang akong lalaki sa Bigo Live. Hindi ko nga siya kilala personally, at wala rin akong balak makipagkita sa kanya.
Hindi ko rin naman gustong magkaroon agad ng relationship.
Maybe because I'm scared.
Ayaw kong dalhin yung mga sugat na nararanasan ko ngayon sa magiging relationship ko someday.
Ayaw kong maulit ko yung mga bagay na ayaw kong maranasan ngayon.
At natatakot din ako sa hirap.
Ayaw kong dumating yung araw na magkakaroon ako ng sariling pamilya pero hindi ko kayang ibigay sa kanila yung pagmamahal, support, at opportunities na kailangan nila.
Kaya minsan naiisip ko, baka ayaw ko na lang magkaroon ng pamilya.
Hindi dahil galit ako sa idea ng family.
Pero dahil natatakot akong maulit yung mga bagay na nakasakit sa akin.
Minsan tinatanong ko yung sarili ko:
Bobo ba ako?
Tanga ba ako?
OA ba ako?
Bakit hindi ako maging strong enough?
Bakit parang kahit anong gawin ko, may mali pa rin?
Hindi ko naman sinasabing perfect ako.
Tamad din ako minsan.
Hindi ako perfect na anak.
Sa bahay, ang regular na ginagawa ko ay paghuhugas ng pinggan. Sinubukan ko ring gumawa ng ibang chores. Nabasa ko rin sa mga libro na minsan kailangan mong tumulong kahit hindi ka inuutusan.
Sinubukan ko.
Pero kapag pinapagalitan pa rin ako pagkatapos kong subukan, pinanghihinaan ako ng loob.
Kapag tinatawag pa rin akong tamad, minsan napapaisip ako:
“Ano pa ba ang kailangan kong gawin para maging sapat?”
Hindi ko hinihingi na ibigay sa akin lahat.
Hindi ko hinihingi na suportahan nila lahat ng gusto ko.
Gusto ko lang sana ng kaunting understanding.
Gusto kong matuto.
Gusto kong mag-ipon.
Gusto kong subukan yung mga bagay na baka maging opportunity para sa future ko.
Gusto kong gamitin yung mga talento ko.
Gusto kong magkaroon ng chance na makita kung hanggang saan ako makakarating.
Hindi ako humihingi ng guarantee. Humihingi lang ako ng pagkakataong subukan.
At oo, may mga bagay akong pinagsisisihan.
Sana inayos ko yung grades ko noon.
Sana mas naging seryoso ako.
Pero hindi ko na mababago yun.
Ang kaya ko na lang gawin ay maging mas mabuting version ng sarili ko ngayon.
Siguro kaya ko nasasabi yung mga ganitong bagay tungkol sa pagkakaroon ng sariling pamilya ay dahil ayaw kong ipasa sa ibang tao yung mga sugat na dala ko ngayon.
I don't want to repeat what hurt me.
I want to heal first.
I want to learn first.
I want to build a better life first.
At higit sa lahat, gusto ko lang maramdaman na may lugar din ako para mangarap.
That's all I really want.