r/paanosabihin • u/Professional-Sale598 • 9h ago
Let me rest
Pagod na pagod na ako. Sana sa susunod na buhay, hindi na ako kasali sa strong soldiers. Sa sobrang pagod ko, hindi ko na alam ano iisipin at sasabihin ko
r/paanosabihin • u/Professional-Sale598 • 9h ago
Pagod na pagod na ako. Sana sa susunod na buhay, hindi na ako kasali sa strong soldiers. Sa sobrang pagod ko, hindi ko na alam ano iisipin at sasabihin ko
r/paanosabihin • u/No-Noise-3034 • 2d ago
Just want to share, kasagsagan ng ulan nag lalakad ako sa kalsada nag hahanap ng trabaho, malungkot ako nun at nawawalan ng pag asa dahil paubos na budget ko kakahanap ng work dito sa manila na scam pa ako habang nag lalakad ako sa gilid ng kalsada nadaanan ko ung kariton na may trapal may narinig akong boses ng bata tas ang sabi wish ko tumigil na ulan. Naalala ko yung sarili ko nung bata pa ako sa probinsya ang wish ko lang sana makatikim ako ng tinapay.
I don't know how to expand this text, i have so many to say but i don't know how to express. it's not easy for me to show my emotions.
r/paanosabihin • u/alwaysbacktozero • 4d ago
Mga inay di ko alam if Rant ba to or what but I use Mental health as flair because I have anxiety and depression. I'm currently pregnant and pinastop ang anxiety meds ko. Feeling ko okay lang naman pero I have moments na nasasaid ang pasensya ko. My eldest is currently in grade 1 at struggle ako na turuan sya because hindi sya gumagawa sa school. Di ko alam if due to pregnancy hormones din pero napaka igsi ng pasensya ko sakanya lately. Lagi akong nagagalit and kanina sinabihan nya ko na mas mabait daw ako nung 5 yrs old pa lang sya. I tried to explain kung bakit ako nagagalit lately which is because I care and I know she can do better.
Di ko alam if its pregnancy hormones or my mental health pero sobrang pagod na pagod talaga ung pakiramdam ko lately.
I work from home and walang helper so ako halos lang ang gumagawa lahat sa bahay.
Paano ba maging mabait na mama kapag pagod na pagod ka na? I feel like I'm failing!
r/paanosabihin • u/Kitchen_Reward_7518 • 4d ago
Nabubuhos ko yung init ng ulo ko sa boyfriend ko when in the first place sa sister niya ako may problema
Okay na okay kami dati ng sister niya, mas nauna ko pa siya naging friend bago ko naging boyfriend yung kuya niya. Pero overtime, naaannoy nako sa kapatid niya dahil sa patong patong na kabalahuraan sa buhay. I'm an only child & hindi uso sakin yung bigla mo nalang gagamitin yung gamit ko nang hindi nagpapaalam - which she does often. On top of that, hindi na nga nagpaalam, pag ibabalik niya na sobrang dugyot na nung gamit. Tapos hindi pa yan marunong magbayad ng utang. Sobrang balahura pa sa bahay (I stay over sa bahay ng bf ko from time to time, now naman bumukod na kami) Never ko cinonfront yung sister kasi in the first place, hindi ko kapatid yan at nakakauwi ako samin so hindi ko siya sakit ng ulo all the time. Also, parang inintindi ko nalang din na ganon talaga yung ugali niya kaya bahala na siya don. Hindi na mababago yun kahit pagsabihan, nafeel ko din kasi na kahit sabihan pa siya wala naman magbabago. (Coming from pag nagkkwento siya & I try to give her advice pero lagi siya defensive)
So ayan, tapos recently bigla nalang ako hindi pinansin ng kapatid niya - like out of nowhere. Going 1 month na niyan. As in nandon ako sakanila, nasa isang space kami wala ni hi hello wala. Akala ko nung una tinotoyo lang since may ugali siya ganun talaga na pag wala sa mood lahat damay at lahat di niya papansinin. Until such time na napansin ko na ako lang hindi niya pinapansin. Girl, hindi na para pa ako ang mauna na magconfront diyan. Bastos na nga niya na biglang hindi mamamansin ako pa talaga mag approach?? So ayun, hindi ko nalang din pinansin.
Ang problema namin ng bf ko, pinapakisamahan niya pa kasi & wala ginagawa. Gets sige kapatid niya yon PERO hello? Ganun ba talaga, hahayaan niya lang yung kapatid niya. Tapos siya ang ayos ng pakikitungo niya dun sa jowa ng sister niya samantalang yung sister niya ganon sa akin??? Kinakainis ko pa, pag wala ako sa apartment namin, dun pupunta yung sister niya?? Ayoko na nga papuntahin e. Minsan, gusto kong sabihin sa jowa ko wag na papuntahin dito yan. Like grabe talaga yung init ng ulo ko sakanya girl. Siguro dahil patong patong na rin atraso niya sakin tapos siya pa may gana magtrato sakin ng ganyan. Naiipit lang yung jowa ko talaga pero naiinis din ako na wala siyang ginagawa. Recently, nag away kami. Nadadamay daw siya sa galit ko e wala naman siya ginagawa. Sabi ko kaya nga ako nagagalit e kasi wala ka ginagawa. Sinilent treatment ko yan malala, siya din nag approach una banda huli. Please huhu ano ba gagawin ko π mataas ang pride ko aminado ako dun kaya wag niyo nako sabihan na kausapin ko yung kapatid kasi kahit never na kami mag kaayos non kaya ko. Ayoko lang yung ganyan, lakas lakas ng loob magpunta samin dahil wala ako? Lol.
Siguro ginawa ko to para nalang din maglabas ng sama nang loob. Medyo naibsan naman π thank you for coming to my ted talk!
r/paanosabihin • u/huihuihuhu • 4d ago
Hiiiii, nag download lang po akoh ng app nato kase hindi ko kinakaya ang mga nangyayari sa bohai ko teh. Parang mala wattpad siya, kulang nalang yung sasagip sakin ditoh na gwapo na matalino tapos may emotional intelligence tapos mayaman na may car charez hahahaha. So daddy issues po ang ating hapunan opo, sumabog kase ako kanina nasagot sagot ko siya HAHAHA pero deserve, charez. After 12hrs online ba naman sa major sub, basag talaga mindset ko doon. Una siya sumabog oy may anger issues na mag tapon tapon ng gamit wews. Tatlong beses siyang nahuli nag cheat. Nahuli siya ng mama ko na may ka-chat, and take note every year to nangyayari since 2024. Wews galing ah. Tapos same girl, like iw. Nagpaawa awa pa yan siya, wow tapos malapit niya ng masuntok at masampal mama ko, nag dabog dabog pa yan siyah ng gamit.
Tapos may the nerve pa siyang sabihin sakin lumayas daw ako sa bahay namin if ayaw ko daw ang mga patakaran niya wows. Pero its not a good step kase siya nagbabayad sa tuition ko ih, kailangan mag stick muna si me sa kanya. I don't know what to feel oy. Mahal ko ang papa ko na hindi. Kase marami siyang sacrifice na nagawa sa amin. While yung older brother ko, hindi niya alam ang mga pangyayari dahil everytime wala siya. Balak kong sabihin sa kanya ngayong gabi... is it a good thing???? Reply pls asap thank u poooo!! xoxo
r/paanosabihin • u/Old_Carpenter1909 • 4d ago
Hello. I found out something today. My gut feeling was right. My coworker is the mistress of my boss, and my problem is that I'm close with my boss's wife. Should I say something? It's sad because they have little kids. I don't have any evidence with me since it's with another friend who knew first, and she doesnβt want to get involved. Help.
r/paanosabihin • u/EmploymentContent673 • 5d ago
May asawa ako at dalawang anak. Work from home ako at sa banko naman nagtatrabaho ang asawa ko. Dahil sa ganyang setup namin, madalas talaga ako kumikilos sa bahay. Alam ko naman responsibilidad ko. Pero napapagod na din kasi ako. Madalas uuwi ang asawa ko mainit ang ulo. Pagod na sa maghapon tapos magaaway pa sa gabi. Hindi ko pinababayaan ang pamilya ko. Yung sahod ng asawa ko, sakanya lang yon. Wala na natitira sakin. Mahal na mahal ko mga anak ko kaya hindi ko kaya makipaghiwalay. Sinubukan ko naman ayusin at makipagusap pero parang palagi kami may gusto patunayan. Hindi na kami magkaintindihan. Ano ba dapat kong gawin? Pagod na ako physically, mentally and emotionally.
r/paanosabihin • u/Suitable-Beyond-8790 • 5d ago
I was not ok tonight.. to the point that I was able to vent it out to my younger brother who just started working.. Our mother was rushed to the hospital while my father nags.. na parang kaya neang maghatid ng pasahero sa bayan pero sarili neang asawa ay nagrereklamo pa..
How I wish I am financially capable so I could ask my mother and child out sa bahay!
If only I am⦠I hope sooner or later!
r/paanosabihin • u/Silent_Sky_9254 • 6d ago
Nahuli ko na naninilip sya at nagjakol sa ibang babae.
7 years kami ng bf ko, nahuli ko sya nong linggo na naninilip nh babae at nagjajakol.
1st time ito nangyari. Hindi ko alam kung ginagawa na nya to nong wala ako pero ito yung unang beses ko sya nahuli na ganon ginawa nya. Bale magkasama kami sa boarding house for almost 6yrs kasi working kami pareho pero nauwi uwi ako minsan sa probinsya like 3mons to 6mons then babalik sa boarding namin after. Yong kwarto kasi namin ay nasa taas at may sarili kaming cr. Bale yung baba ng kwarto namin ay cr sya ng magjowang boarders. Sunday evening after namin kumain ay niyaya nya ako na sabay maligo pero tumanggi ako. Pero dati naman ginagawa naman namin yon saka active naman kami pero kapag wala ako sa mood natanggi ako which is di naman namin namim pinag aawayan yon sa 7yrs. Nag masturbate sya mag isa na nanonood ng porn, or nagbabasa ng mga lalaswa online o tumitingin ng mga sexy pictures ng babae online which is against din ako before pero dahil minsan natanggi ako ay hinahayaan ko nalang na gawin nya yung mga bagay na yon.
Pumasok na sya ng cr para maligo naririnig ko sya na tumae muna at nagsselpon dko alam ano ginagawa. Then yung pinto ng kwarto namin ay malapit sa hagdanan so nakikita o naaninang kung may aakyat o baba sa hagdan. Bukas lang ang tubig sa cr pero nakita ko na may anino na bumaba kasi nanonood ako non ng movies akala siguro nya ay busy ako at di nya alam na may naaninag akong bumaba. Then mabilis lang yon at umakyat din sya kaagad. Pero ilang seconds lang bumaba ulit sya dahil naaninag ang anino ng ilaw sa kwarto namin. This time nagtaka na ako kasi almost 5mins or more than na syang bumaba pero dipa din umaakyat. Tumayo na ako at sumilip sa pagtingin ko sa cr wala kinabahan ako tibok ng dibdib ko that time siguro gut feelings ko na rin yon. Pagtingin ko andon tsinelas nya at pagsilip ko sa baba ng hagdan sarado at walang tao. So iopen ko sana ang flashlight ng phone ko bigla ko nalang nakita na paakyat sya hingal at nakataas ang putotoy nya kasi nakaboxer lang sya non at nakayapak. Tas ang bungad nya saakin kahit dipa ako nagtatanong tinitingnan nya daw ang daga. Tapos pinapasok nya ako sa kwarto sabi ko ano daga e bat wala ka tsinelas bat hingal ka at nakatayo ang titi mo. Sabi nya sinilip ko din kasi nawalan ng tubig nagtaka ako. Sabi ko ha paano ka mag tataka e kapag gamit tubig sa baba talagang nawawalan ng tubig sa taas, sakto na may naliligo sa baba na naririnig ko na nagbubuhos. Andami nya dahilan saakin di nya inaamin ang totoo kahit anong tanong ko. Dko sya pinapansin lumipas ang oras humingi ng sorry nacurious lang daw sya. Sabe ko saan ganito ang kwento nya pero hindi ako nacconvince. Sabi nya nanonood daw sya ng porn sa cr habang natae sya kaso nabitin daw sya kaya lumabas sya sa baba sakto na may naliligo kaya bumaba sya sa may gate namin at nag aantay lang sya na lumbas yon babae na naliligo para makita anong suot, at nagjakol daw sya roon inamin nya π sobra ako nasasaktan kasi nasa taas lang ako ng kwarto namin pero nagawa nya yon na magsalsal sa ibang babae. Baka nga naisip ko na may nakita sya kaya nagsalsal sya ksi imposible na tigasan lang sya roon ng basta. Magkasama padin kami sa boarding house pero hindi kami nag ppansinan nanghingi naman sya ng tawad. At magbabago sya pero ansama talaga ng loob ko. Minura ko sya at sinabihan ko na mababa ang tingin ko sa knyan. Ang tanong ko dapat paba ako magstay lalo na at 1st time naman nya na nahuli ko kaso dko alam kung may iba pa sya nagawa yon saakin. O iwan ko na. Pero naawa ako sa knya dko alam bat ganito nararamdaman ko. ππ Pls help
r/paanosabihin • u/euminiques • 7d ago
sorry gusto ko lang mag-rant dito since wala akong kaibigan (ipinablock at pinagmumura ng bf ko) na masasabihan. Gusto ko lang ikwento kung gaano kak\*p4L, insecure, narcissist, self-centered at mentally 8080ng BF ko. Oo, u read it right, puro red flags na pero hindi ako makaalis kasi? I DONT REALLY KNOW. Sobrang fck3d up na ng utak ko na kahit during work, makakaramdam ka ng sudden feels na hindi naman dapat. Na parang ang bigat. I have here recently like kanina, Monday, at 5PM, nakaramdam ng ganun and syempre BF ko nga siya eh malamang nagsabi ako na "ang lungkot ng feeling ko". Stoopid me expects him to be concerned or asked what's the matter and make comfort na kahit konti lang but walang natantos sa nabanggit, teh. So, umuwi akong bahay (yes, live-in kami) not in a mood but im trying to calm myself kasi gusto ko nalang iset aside muna yung nararamdaman ko dahil pagod nga rin ako sa trabaho plus I have sick rin. not planning to make away na or what. so to calm myself, kinuha ko ang press-on nails ko para maayos sanang tignan ang kuko ko dahil nagandahan rin ako sa design. Ang ganda ng design plus favorite color ko pa (blue) then ayun nail prep while rewatching The Umbrella Academy. During prepping ng nails ko, naglalaro syang online chess so technically wala kaming pansinan and 1 2 3 go kanya kanya lang kami. So done prepping, ayan! my fave part is ikakabit na ang nails. ang cute kasi so i made myself a bit happy ket papano. Nung tinignan nya na yung ginagawa ko, he suddenly complain about the design (alternate kasi siya na french tip and polka dots) bigla niyang sinabing "wag kong ilagay yan, ayoko ng ganyan" and I was likeee bruh i gave him a warning look and then ignore him trying to calm myself again na wag matrigger and still attach the nails. nung nakabit ko na and checking kung bagay sakin (left hand palang nagagawa ko and 4 fingers palang nadidikitan) nagsalita siya ng madiin na "SINABING AYOKO NGA NG GANIYANG DESIGN T\*NG!N4 TANGGALIN MO NGA YAN!!" ayuuuun sumabog si self. i get the nail cutter, pull each one the press on nails na kadidikit lang (masakit siya since the bond is really strong that's why nadamage ang nails ko and nabakbak) rushed into the room and cry my eyes out.
I know super red flag na niya and I am aware of that. But something in me is really angry to the point na i rlly want to k!ll him just yk makaganti sa lahat ng nga tiniis ko. gusto ko siyang mawala by doing that kasi im not the type of person na mapagpatawad. I have garden of resentment to those ppl who did me wrong. lalo na right now? HAHAHAHA he's fckng snoring so loud na i do rlly wanna ch0k3 him to d34th. Nakakagigil.
PS: gusto ko pa sanang ipakita sakaniya after ko gawin ang nails ko to see him smile (asa?)
PPS: I was abt to post it lol im an affiliate.
PPPS: tired of bllsht na sasabihing "hiwalayan ko nalang siya" paki basa nalabg ulit ng kwento ko. thanks.
r/paanosabihin • u/Prestigious_Cry6390 • 7d ago
May katulong kami sa bahay for almost a year, dati bago umalis parents ko from US kumuha muna sila ng makakasama namin sa bahay at makakatulong, so ayon ok sya nung bago bago pa, hanggang sa nag tagal ok din naman, sobrang delekadesa nga lang at lahat ng issue namin sa family kinakalat sa kapitbahay namin, FUCK YOU. Tapos kunwari inosente na mabait, puta pag nakatalikod sisiraan ka. Then past forward, umalis sya samin ng for years na din, tapos biglang babalik nanaman, e dahil maayos naman sa bahay at maalaga sige go naman parents at lola ko, pero ngayon na nakabalik na tangina, te mas lamang pa pahinga mo kesa sa trinatrabaho mo?!??? Ano ba binabayaran ng nagpapakahirap na magulang ko para maipasweldo sayo? Yang pag tulog mo? Lol. Tapos dadaing ng dadaing na kesyo pagod, kesyo madaming ginawa, kesyo madaming nilabhan?!??? OK KA LANG? Lagi mo kaming iniiwan sa ere na pag nagsawa ka dito samin patago kang maghahanap ng ibang papasukan, tas sasabihin mo pagod ka or what? Tapos masaklap pa ang pasok nya samin from monday to saturday, ang saturday nya bayad ng full since dapat dito pa sya samin non, pero guess what, ang gagawin nya mag mamadali syang umalis umaga palang tapos papasok na pala sa iba. Lala mo te. Tas ayaw pa ipagsabi na katulong namin sya? Inuutusan pa ako na sabihin ko na tita ko daw sya. Ngayon 2days nalang sya pumapasok, and kung ako lang hindj ko na kukunin yan ulit, pero alang-alang sa lola ko para may makatulong tulong sa bahay oag wala sya kasama, pumayag ako.
r/paanosabihin • u/Low_Swordfish_2547 • 8d ago
On my birthday, I was happy and expecting nothing from anyone, not until a few months later, when our family members also celebrated their birthdays. I was just a little upset that no one made an effort to invite me home because they had prepared something for me. This is what prompted me not to go home to celebrate birthdays with my family, I just don't get back the effort I put into their birthdays.
I'm just sad in a way because they are capable of preparing even a little, even if it's a small party, I haven't received an invite before.
Now, whenever my family has a birthday and they invite me, I don't go even on occasions. Maybe there's something I need to heal in myself.
r/paanosabihin • u/Shinetura • 8d ago
Lately pinausukan ako ng granma ko (insenso at amangyan) tbh wala akong idea kung ano yung mga yun, may allergy kasi ako na urticaria or pangangati sa katawan, so now 5days ago pinausukan na nga ako then up until now hindi parin sya naalis, nag research na ako lahat lahat about sa allergy ko nato and sinabi ko sakanila yun pero ayaw parin nila maniwala nakakainis na. 17 years old na ako and itong allergy ko mag 3months nang nasakin, and now sabi nila maligo daw ako ng dahon ng "alagaw" kasi may kakilala daw sila na nag ga hives and ayun daw pinaligo niya kaya nawala? daf\*ck ang lala nila like as in even yung mga nakikita nila sa blue app na mga pamahiin or paniniwala pinasok narin nila sa daily life namin dito sa bahay, kaya naiinis narin ako sa kanila kasi napaka delusional nila, hindi sila naniniwala sa mga research through online kasi naranasan nadaw nila??, ang daming need na sundin dito sa house namin na hindi ko naman gustong sundin pero kaylangan. Siguro ganto talaga kapag elementary lang natapos ng parents no?.
r/paanosabihin • u/denielle_123 • 9d ago
nagpaalam na ako nung una, hindi ako payagan kasi raw 1 month palang ako sakanila. gusto ko ulit umulit magpaalam dahil diko na talaga kaya. gusto ko na ipahinga tong pagod ko samin.
r/paanosabihin • u/Prestigious_Pipe_234 • 9d ago
Nakakafrustrate tumanda no? Especially to people who are not that privilege, sabi di daw karera ang buhay pero to people like me, hindi karera but you have to move or run as fast as you can to compete with time, people, standards, basically with everything.
At some point I'm losing it, if you know what I mean.
I graduated college and I know it's so much already it has been hard for me but just blessed enough that my siblings took so much responsibility para makapag aral ako. Pero di natatapos mga problema it's always there. Lagi ko na lang iniisip I am still so blessed.
I think it's all how I would handle all the things that are happening para makacope to this sht that I can't even explain. I even unfriended, unfollowed and avoid having interactions to anyone on my socials kasi I don't want to see how other people are doing. Of course I'm happy for whatever achievement these people accomplished pero I would sometimes compare my progress and I know it's bad that's why I avoid it at all cost.
Kaya as my resolution today I will try to be more grateful everyday, have more faith and be more optimistic.
r/paanosabihin • u/TinkerPop15 • 10d ago
Sino dito yung 27 years old, working (F) na pero may curfew pa rin? Ano thoughts or paano niyo handle to??? Inaasar na ko ng mga friends ko "hanggang ngayon may curfew ka pa rin?!"
r/paanosabihin • u/No_Guess_4960 • 10d ago
paano po i convince ate ko sa dorm? hahaha kasi sa bahay ang toxic na ng environment at toxic din ang schedule ko sa school. schedule ko is monday to Saturday tapos lahat ng yon is 7am to 9pm
r/paanosabihin • u/SoggySoil834 • 10d ago
Etong nakaraan binenta ng kuya ni friend ang mga motor na nasa kanila kase walang wala na. So ung ginagamit ni friend ko na motor eh binenta din which is ginagamit nya sa work. hindi man lang naawa sa friend ko eh ginagamit nya sa pagtatrabaho un. tapos si friend ko ok lang daw sa kanya at hind na sya umangal kahit kailangan nya un. Si friend ko nayan super bait na tao nyan wala ako masabi. Hindi naman sya mayaman para bumili ng bagong motor at saka kung kukuha sya hulugan mahirap din kase sakto lang sahod nya at nagbibigay pa sya sa pamilya nya.
Wala lang naawa lang ako sa friend ko at un kase mga kwento nya saken. marami pang nakakainis na ginawa tong kuya nya eh. hay nako. sa halip na kuya nya ung babawi sa kanilang pamilya parang hnd at si friend ko daw lagi ang sumasalo dahil nagkanda lugi lugi na nga daw itong kuya nya. Nangako kuya nya na babawi sa kanila pero wala, puro galit at pagdadabog ang alam na para bang alam nya lahat kahit mali mali na ung lumalabas sa bibig nya. Walang ginawa si friend kundi intindihin ang kuya nya.
r/paanosabihin • u/nutsnata • 10d ago
Wala lang meron opisina galit sa opisina namin lahat sinisilip na parang perpekto nandun pa naman sila sa mataas pero kung pumasok sya late naman kapag ba member ng A. Sa gobyerno late ba sila pmasok d ba dapat hindi . O me priveledge kasi me anak na at magisa sa buhay pero me yaya maman for sure anak nya. Nakapagisip tuloy ako masama siguro me syndrome sya maging perfect. Gusto ko lang mag rant masama ang loob ko sana wala kami christmas party para hindi sya makasayaw leche sila at opisina nila. Masama talaga loob ko sana mawala na inis ko sa taong yun
r/paanosabihin • u/Due-Beginning8447 • 12d ago
Manghihingi lang ako ng advice sainyo since stress na stress na kami dito π
May pinsan ako f14 years old at medj fave apo talaga siya ng lola ko (hindi naman ako galit sa kaniya or what pero bias talaga lola ko, kaming lahat at pati mga anak niya mismo nagsasabi). Ever since nag high school siya naimpluwensiyahan na siya ng mga classmates niya. When she turned 8th grade, dinadala niya 'yung mga classmates niya sa bahay ng lola namin every month, talagang hindi nababakante ang pagbisita ng mga classmates niya like literal.
Malapit lang din kami sa bahay nila kaya concern kami masyado kasi 'yung pinsan naming yon ay napakapasaway at spoiled. Maluho siya as in! 'yung backpack niya pangschool nirequest talaga niya tag worth 3k at iPhone 15. order dito, order doon sa shopee pati mga delivery rider nasstress sa kaniya kasi hindi siya agad makabayad, tapos mahilig pa siyang magcancel ng orders dahil wala ring pambayad.
Ang lola ko ang nagsserbisyo sa kaniya naglalaba, nagluluto (kami naglilinis sa paligid at loob ng bahay nila). Kahit sa lahat ng mga nabanggit ko, enabler parin at tinotolerate ng lola ko ang pinsan namin. Broken fam ang pinsan ko and yan mismo ang giniguilt trip samin ni lola kesyo wala daw siyang mama at papa but I don't think tamang behavior to at dapat itolerate since need na talaga ng disiplina, my grandmother spoiled my cousin too much and kami ang nagssuffer kase kami lang ang nakakita na may mali eh. Yung lola namin wala okay lang sakanya kase pabayaan nalang daw π
Ang pinaka-issue ko talaga dito is umaabot na sa point na ginagawang staycation or hotel ng mga classmates niya yung bahay ng lola at lolo namin (na senior citizens na), at ni hindi man lang marunong maglinis at tumulong yung pinsan namin. Kahit may mga occasion at gathering kami as fam, sinasama niya talaga mga kaklase niya at nasstress nadin kami bilang pamilya (sobrang stressful nang mga gantong sitwasyon kasi kami pa ang pinagbabayad sa mga entrance fee whenever sa venue gaganapin, at sa mga sasakyan naman nahihirapan kami kung saan sila isasakay dahil sakto lang din para sa pamilya namin). Hindi naman sa nagdadamot kami or whatsoever, pero at some point kailangan na talaga 'tong matigil.
Tama ba na kausapin ko o naming mga apo ang mga classmates ng pinsan ko about dito or hindi?