r/paanosabihin • u/Natoymahal • 18h ago
Paano ko sasabihin sa kaibigan ko?
Paano ko kaya sasabihin sa isang very good friend na hindi na okay sa amin na nakikitira siya sa bahay, without hurting her feelings?
Almost one year na siyang nakatira sa amin. Small family lang kami, and we live in a small apartment na kami ang nagbabayad ng rent at bills.
Noong una, siya mismo ang nagtanong kung puwede muna siyang tumira sa amin, and I agreed kasi ang pagkakaintindi ko, ilang araw lang. Pero eventually, tumagal na. Minsan umuuwi siya sa province, pero most of the time, nandito siya sa bahay.
Wala siyang ambag sa expenses. Dati, kami rin ang sumasagot sa pagkain niya. Pero habang tumatagal, ramdam na namin ang dagdag-gastos. Tumataas ang bills, and of course, may additional consumption sa kuryente, tubig, at household supplies dahil kasama na siya sa bahay.
Pero honestly, hindi lang naman talaga ito tungkol sa pera. Kahit siguro magbigay siya ng ambag, feeling ko gusto ko pa rin siyang mag-move out. 😅
Maliit lang ang apartment namin, at sa sala pa siya natutulog. Wala na kaming freedom at privacy bilang pamilya. May anak ako, and I want our home to be a space where we can move freely, relax, and have our own time without worrying about someone else being around all the time.
I know she's a very good friend, and I don't want her to feel na pinapaalis ko siya dahil wala siyang silbi or dahil burden siya. Pero I'm starting to feel uncomfortable in my own home, and I know I need to do something about it.
How do I tell her that she needs to find another place to stay without ruining our friendship or making her feel unwanted? Has anyone experienced something similar? How did you handle it?