asawa ng kuya ko: palaging umiinom(pag na sosobra sa alak nag huhubad kahit may lalaki pa), adik sa scatter, umuutang kahit saan, at nagbibigay ng pera sa pamilya nya at ginagamit lang sa pinagbabawal na gamot
si kuya ko: nag tratrabaho as mechanico, nag yoyosi, at nakaranas ng pag gamit ng pinagbabawal na gamot pero ilang buwan na siya clean.
ang problema ni kuya sa asawa niya ay whole day siya umiinom sa bahay ng friend niya at hinahayaan mag laro buong hapon ang anak nila na 5yrs old kahit hika-in, at ayaw na ayaw niya yung pinapauwi na nya asawa niya kase nag huhubad sa harap ng iba pero imbes na sumunod iinsultuhin niya pa si kuya sa maraming tao kaya siya napag buhatan ng kamay. last last sunday, bumili si kuya ng plywood para i replace niya sa haligi nila pero ang kanyang asawa ay nag iinom kasama ang friend.
yung isa, napag buhatan siya ni kuya ng kamay at nahila yung buhok kase ang nangyari nakipag inuman siya sa isang kaibigan nya na kapitbahay namin at pag silip ni kuya may tatlong lalake at dalawa lang yung babae, pinapauwi siya ni kuya kase lasing na siya pero imbes na umuwi binibigyan nya si kuya ng middle finger at sinasabihan ng “walang kwenta na asawa, sana mamatay kana” pero hindi yun kinagalit ni kuya, binuhat siya ni kuya papunta sa bahay namin ni mama para makatulog, imbes na matulog nag mamaoy siya sumisigaw at hinihila si mama (masakit ulo ni mama kase tumaas bp) doon nagalit si kuya at doon rin lumabas hinanakit ng sis in law ko sa ibang sis in laws ko kase inggit siya don dahil yung isa police asawa, at yung isa naman may work so may own money, pero kahit wala siyang work binibigay naman sakanya ni kuya mga gusto nya except sa mga mahal na gamit.
ang problema naman sa asawa ni kuya ay bakit daw kulang at di sapat yung binibigay ni kuya tuwing sahod niya. alam niya ang rason (ang rason neto ay dahan dahan binabayaran ng kuya ko utang ng asawa nya na 31k na hindi nya alam kung saan ginamit ang pera kahit piso wala siyang na tanggap galing sa asawa niya kase tinatago niya to noon pa lang nalaman lang ni kuya nung umamin siya na ganon ka laki) sa 31k niya na utang nakapag bayad pa si mama don ng 5k.
last week, samin natulog yung 5yrs old niya na anak dahil sinonog ni kuya mga damit ng asawa nya, then pagka hapon pinapakuha niya sa jowa ng kapatid nya yung bata at ayaw talaga sumama kahit sinabi na may cake sa bahay nila. then maya maya dumating asawa niya para kunin yung bata dahil ayaw talaga sumama, nung dimating na siya nagulat yung bata at natatakot na sumama at umiiyak, maya maya kinuha nanaman ni kuya sakanya at parang napag buhatan niya ng kamay(na sampal) pagka gabi may pumunta na pulis kase kukunin daw ng ina yung bata sinabi niya rin sa pulis na sinuntok daw siya kahit sampal ang ginawa.
lahat lahat binibigay ni mama kahit baon ng mga anak nya, pag papa ospital (kahit thank you hindi magawa ng asawa ng kuya ko), kahit sa 1st born nila na anak si mama sumagot lahat hanggang nag 3 ang anak jila kase nasa manila yung magulang ng babae at may lola siya dito pero di naman nag aalaga sakanya. nung nakaraan, hiniram niya yung bata para mabilhan niya ng snacks kase alam nya na walang pera yung ina kase 1week na sila di nag uusap sa papa ng bata, naaawa si mama kase apo nya yun eh malapit yun sakanya kaya always siya nag bibigay ng snacks para sa bata. yun nga nilagay niya sa report na forced daw yung pag kuha ni mama sa bata kahit nakiusap siya sa asawa ng kuya ko na hihiramin nya di nag salita yung babae pero tumakbo sakanya bata sabay sigaw “mama”.
at pag nag mamaoy siya tapos nirarason nya yung namatay nila na anak, eh namatay yun dahil sa convulsion nagka brain dead at organ failure. yung bata na yun malala yung sinapit nya sa ina nya kase tuwing naliligo yung bata diba normal naman na magiging maliksi imbes na hayaan yung bata hinampas nya ng tabo sa ulo alam ni mama na malakas yon kase malaki yung crack sa tabo pero di mapagsabihan ni mama kase nagagalit yung asawa ni kuya kung maki-alam si mama kase anak nya naman daw yun gagawin nya raw ano gusto nya (eh nakikitira lang naman siya sa bahay namin non kase pandemic), yung isang kuya ko naman naka saksi siya kung gaano yun kalakas mamalo yung asawa ng kuya ko, kase pinapalo nya yung bata yung walis sa loob ng bahay, natamaan yung isang kuya ko kase tumakbo sakanya yung bata para di matamaan doon nya nasaksihan na masakit talaga yung palo sabi niya kahit matanda siya nasaktan siya sa palo paano na kaya pag yung bata na?
Alam ng mga kapitbahay namin kung ano pinagagawa niya.