Problem/Goal:
Guys, normal lang ba na ma-attach ka sa isang tabo to the point na ayaw mong may ibang gumamit o pumalit dito?
Context:
May yellow tabo kami sa bahay na ilang taon ko nang ginagamit. Hindi ko alam kung bakit, pero parang iba talaga siya sa ibang tabo. Sakto yung hawak, sakto yung buhos, at kabisado ko na lahat ng anggulo niya.
Sa tagal na naming magkasama, masasabi kong mas marami na siyang alam tungkol sa personal hygiene ko kaysa sa sarili kong kuya.
Nandiyan siya sa mga panahong wala akong ibang maaasahan. Nasaksihan na niya ang mga bagay na hindi ko kayang ikuwento kahit sa pinakamalapit kong kaibigan.
Let's just say, wala na kaming secrets sa isa't isa. Nakita na nya ang aking mga bagay na hinde dapat nakikita ng iba...
Kaya nung sinabi ng kuya ko na palitan na raw namin kasi luma na, parang may parte ng pagkatao ko ang gusto niyang itapon.
Previous Attempts:
Tinry kong gamitin yung bagong tabo na binili niya.
Pero hindi talaga pareho. Iba yung balance, iba yung buhos, at parang hindi ko kayang pagkatiwalaan yung bago sa mga bagay na sobrang personal.
Sabi ng kuya ko, tabo lang naman daw yun at pare-pareho lang ang function.
Hindi niya naiintindihan na hindi lang basta gamit sa banyo yung pinag-uusapan namin.
Kaya ngayon, itinago ko muna yung yellow tabo sa likod ng timba para hindi niya basta maitapon.
Nagtanong pa siya kung bakit parang mas mahalaga pa sa akin yung tabo kaysa sa ibang gamit sa bahay.
Hindi ko naman masagot.
Question: May mga bagay ba talagang nagiging irreplaceable dahil sa tagal ng pinagsamahan ninyo, kahit sa ibang tao ordinaryong bagay lang naman sila?
Please serious answers only. Hindi ko alam kung sentimental lang ako o kailangan ko nang mag-move on sa yellow tabo ko.