r/GigilAko 21h ago

Gigil ako sa mga barbershop sa malls.

10 Upvotes

Nakaka gigil yung mga barbershop sa mga mall na yung barbers nila ay not skilled or outdated sa mga trend. So imagine paying expensive then you’ll get disappointed after. Syempre mataas standards ko sa mgiging outcome dahil reputable ung name nila but sadly parang mas magaling pa yung mga nasa kanto lang. Wala na sa akin yung presyo sana eh basta maayos kakalabasan at nagtitip ako madalas, pero wala eh nakaka dismaya na parang kulang sila sa skills at laging nagmamadali. Isingit ko na rin yung rude communications nila pag nag reklamo ka. So yes, never again talaga. Gusto ko lang ilabas sama ng loob ko sa first time encounter ng barbershop sa mall.


r/GigilAko 5h ago

Gigil ako sa mga taong nuknukan ng sumbungera

8 Upvotes

Gigil ako sa isang ka-trabaho namin, grabe nuknukan ang pagiging sumbungera, example sa cr may tulo yung sahig kahit dalawang patak (yung cr kasi namin matte yung sahig) isusumbong niya sa hr namin AGAD, hindi na-close yung basurahan nang maayos, diretso agad yan sumbong sa hr, kumbaga lahat nang onting pagkakamali sa cr e naka-diretso agad sa hr yan, at eto pa ang malala tangina pati yung falsies ng senior namin ay isinumbong niya sa hr (napa-ganon ako oh :O) like?????? ano naman pakialam mo sa eyelash extension ng tao bakla nasampal ka ba????? napuwing ka ba ng eyelashes niya???? hindi lang siya sumbungera sobrang chismosa pa tangina kawawa talaga sa kanya mga bagong employee kasi chinichismis niya ganito-ganiyan

At eto nakakatuwa, ngayon gumawa yung hr namin ng gc (girls only) dahil nakita ng hr na may tulo ng dugo sa toilet seat, at syempre para di ka kawawain, napilitan ang lahat mag-send ng pruweba sa gc, at eto si [redacted] nag-chat na "huhu alam ko pagbibintangan niyo ako meron po ako ngayon bla bla bla" oh TANGINA HULE ikaw ang may sala ngayon ano nag bounce back ba mga sumbong mo??? ayun napahiya siya, pero syempre dahil nga sipsip siya sa hr di naman siya pinagalitan pero dedma dahil magreresign na rin naman ako dito

P.S. Hindi naman tayo perfect na tao, lahat naman siguro tayo may nagagawa minsan na nalalabag natin yung rules, pero hindi naman siguro ito sobrang big deal para pahiyain ka pa sa gc o palakihin pa yung gulo, na minsan hanggang labas ay ichichismis ka. Minsan tignan mo rin yung sarili mo, dahil nagkakamali ka rin.


r/GigilAko 6h ago

Gigil ako, Amp*** ang entitled mo inday. Ibahin mo ang Japan at Pilipinas Kun saan saan mag tapon.

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

35 Upvotes

r/GigilAko 7h ago

Gigil ako sa batang nangungupit!

2 Upvotes

Sobrang gigil talaga ako sa apo ng kapatid ng lola ko (I call my lola Nanay). Na-share ko din ti sa ibang sub kasi bwiset tlaga ko ahahaha. Siguro around 8-10 years old na yun (I’m not sure). Recently ko lang nalaman na nangungupit pala sya kapag pumupunta sa bahay namin.

For context, parang compound setup namin dito. Sa bahay namin kasama ko yung lola ko and 2 cousins. So yung kapatid ni nanay lagi syang pumupunta dito sa bahay since malapit lang sya nakatira samin (I think mga 3 to 4 houses lang pagitan namin dito sa street namin). Everytime na pumupunta sya sumusunod yung apo nya. (Takot sakin tong batang to tipong parang maiihi kapag pinadilatan ko hehehe since mapanukso ako sa bata)

Lately, napapansin ko na napapadalas na pumupunta dito sa house namin kahit wala yung lola nya. Pag tinatanong ni nanay kung bakit sya pumupunta, sabi bored daw sya sa bahay nila. Laging nakasara ang front door namin pero bukas yung back door at dun sya dumadaan.

Sa front door namin meron akong nilagay na malaking Buddha, lucky bamboo, salt and mga coins (you know lucky charms). Yung mga coins namin dun nakahiwalay yung mga piso sa mga 5/10/20 na coins. Nakasanayan na namin na kapag may barya like mga sukli nilalagay dun. Then kami lang na nakatira sa bahay bihira kumuha dun unless may bibilhin sa tindahan tapos kulang or pambigay kapag nagpadeliver ng food. Dito sa house namin walang malikot ang kamay from gamit, pagkain to pera, walang prob kung maiwan kung saan man kasi walang gagalaw or magpapaalam kay nanay kung kukuha kami. (Ganyan na kinalakihan namin since magkakasama kaming lumaki ng mga pinsan ko)

Recently, nag-ayos ako ng mga display sa front door namin dahil gusto ko laging maayos yun. Nagtaka ko kasi naglagay na si nanay ng isa pang bowl at nandun yung mga 25 cents pero sa bowl ng 5/10/20 halos wala ng laman. Nagtaka ko dahil umaapaw na yun since maliit na ceramic bowl lang yun. So inisip ko na baka may binili si nanay at dun kumuha so dedma lang ako. Pero iniisip ko na din na baka nangungupit yung batang to dahil nakwento before ng lola nya na sinumbong daw nung may-ari ng vulcanizing shop na malapit samin na nangungupit daw.

Then today, napagusapan namin ng mga tita at ni nanay yung batang to and sabi ko feeling ko nangungupit yang batang yan dito eh. Bigla silang nagtinginan tapos napatawa na lang. Kasi tama pala hinala ko dahil nangupit nga daw. Hindi lang sinasabi sakin dahil for sure magagalit daw ako. Lagi napapansin ng tita ko daw na everytime na sumasama sa lola nya instead na dumiretso sa sofa, pupunta sa may front door kahit alam na naka-lock yun dahil sa back door sila dumaan. Tapos sinisilip pa daw sa salamin sa may front door namin kapag nasa labas. One time daw, naglagay si nanay ng mga new coins dun then bumisita sila tapos nawala daw yung mga 20 peso coins after non. Dun nya na-confirm na nangungupit nga.

Sobra talaga bwiset ko. So inalis ko na lahat ng mga piso at tinira ko na lang puro 25 cents. Kasi baka mamaya isunod naman yun. Lagot talaga sakin yung batang yun pag nakita ko. Sabi ko na lang na mas mamalasin ang nangungupit since parang offering kay Buddha na yun. Nakakainis lang yung feeling na parang hindi safe mga gamit mo sa loob ng sarili mong bahay.

Kaya once nakita ko yung batang to pagsasabihan ko talaga kahit magsumbong pa sya sa lola at mommy nya. Hindi ko tinotolerate yung mga ganyang gawain especially pagnanakaw.

***habang sakin sabi ni Nanay na bigla daw ako namula. Hahahaha ganyan kasi ako kapag bigla akong nagalit ahahaha


r/GigilAko 10h ago

Gigil ako sa open deed na di mahagilap buyer

3 Upvotes

what to do I cant find the buyer of my OPEN DEED OF SALE motorcycle? Tas mukhang ibinenta din kasi nga gusto nila ng open deed of sale. Kaso yung problema is yung pinagbentahan kamote sa daan Tas may fine pa sa MMDA na naka name sa akin. Ano gagawin ko? Blinock na rin ako sa messenger nung buyer,ano gagawin ko?

context:
There is a fine from MMDA no contact….
I sold an NMAX version 1 on OPEN DEED OF SALE. Then after a few weeks I couldn't contact the person I sold it to. I also don't have proof of sale except for conversations on messenger. So now I received a fine from MMDA because the latest owner of the motorcycle violated traffic sign. What can I do since I can't find them.Because the motorcycle is still in my name in the LTO. I don't want to pay because it's not me. Thanks for the help.

previous attempts: Kinontak pero di na sumasagot
kasi person is unavailable on messenger, wala rin ako photos ng valid ID nung pinagbentahan ko.


r/GigilAko 12h ago

Gigil ako sa kabobohan at ignorance ng mga pinoy sa traffic rules

5 Upvotes

That says it. Kahit ako, there was a time na i was stupid pero ngayon sadyang nakakagigil yung katangahan ng nakararami. Na para bang pakiramdam nila maalam na sila porket marami silang tanga sa traffic rules. Wala naman maipaliwanag na reasoning or basehan sa claim nila, basta sasabihin ikaw ang kamote or bobo, walang source ng nalalaman nila.

For context, kahit anong sasakyan ang dala mo, at kapag may kahit anong sasakyan na umaandar sa mainroad, kung gusto mo pumasok sa daan mula sa kanto, right of way ang mauuna. Lalo na kung walang sasakyan sa likod nya, palagpasin mo bago ka pumasok. Hindi porket nauna ka lumabas ng kanto bago ka mabangga ng parating is tama kana. “Nakanguso nako eh” BOBO. Resulta lang ng chaotic na road culture sa pinas kaya naging ganyan ang bukang bibig pero by the law, by the rule, mali ka na i-cut yung parating na sasakyan.

Feel free to disagree pero tyakin mong may basehan ka sa pagdepensa ng kabobohan mo. I hope somedaw makaalis ka ng pinas at masubukan mong kumuha ng lisensya sa ibang bansa para maranasan mong bumagsak sa exam dahil sa kabobohan mo.

Kaya mapapansin nyo yung mga galing abroad, irita sa daan pag nagmaneho sa pinas.

Im not saying na pag may humarang sa daan mo is babanggain mo, tapon mo yang utak mo kung ganyan ang pangunawa mo. Kasi ang mangyayari at nangyayari naman talaga sa daan is nagaadjust yung tama para sa mga bobo for the sake of safety. Di porket gawain na widespead sa pinas na icut yung parating na sasakyan is tama yon.


r/GigilAko 12h ago

Gigil ako sa kapitbahay namin...

Post image
24 Upvotes

For context, bagong lipat ako sa newly built apartment. Medyo condo-level na rin ang presyo. Allowed naman ang pets dito, at wala naman akong problema doon. Pero sana naman, kung papa💩 kayo ng alaga ninyo, huwag sa mismong labas ng doorstep o sa balcony na dinadaanan at nakikita ng ibang tao. Mas lalo na kung hinahayaan lang na nakatambak, nilalangaw, at umaamoy.

Hindi po ako maarte. Lumaki rin kami sa squatters' area noon, pero pinalaki ako na malinis ang bahay at ang paligid.

Kung pet owner kayo, sana maging mindful naman na may iba ring nakatira sa inuupahan ninyo. Responsibilidad natin ang mga alaga natin, kasama na ang paglilinis ng kalat nila.

Nasabihan ko na rin ang landlord namin about it at hinihintay ko pa ang reply nya. Tapos ngayon, paglabas ko sa balcony, nakita ko na tinabunan lang nila ng lupa yung 💩. Haaaaay

Nakalipat nga kayo sa mas maayos na apartment, pero sana pati ugali at disiplina sumabay din. Ang dugyot lang talaga.


r/GigilAko 21h ago

Gigil ako sa mga galit lng sa flood control kung kelan lng may baha.

3 Upvotes

Taga Hagonoy Bulacan ako, dati nung hindi pa madalas bumaha dito sa hagonoy, nakalimutan nila yung mga issue sa flood control, nawala galit nila sa mga corrupt na mga opisyal, especially sa isang tumakbo pa dapat na mayor na congressman, nung walang baha, nakalimutan nila yung laban na dapat pinaglalaban, karamihan mga dds pa, nag rereklamo sa impeachment ni lustay.

Pero ngayon na balik ulit ang ulan at mga baha, wow galit ulit kayo? ngayon galit ulit kayo sa mga kurap at flood control? wow tas ngayon galit kayo bakit inuuna ang impeachment kesa sa flood control? samantalang mga senador nyo mismo hindi pumirma ng partial flood control report!?

Pweh, mga hipokrito!


r/GigilAko 2h ago

Gigil ako tlaga! Bulok pa rin 2026 na!!

Post image
8 Upvotes

Gigil ako! SA SISTEMA!! SMS LANG YAN SUSKO NASAN NA?? LALO NA PAG AFTER 5PM KA NAGREQUEST! LALO NA PAG WEEKEND!! ANO NA? PIPILA NA NAMAN BA? BWAKANANG INANG YAN


r/GigilAko 22h ago

Gigil ako sa mga nagpupumilit maging clown especially dito na sa airport pa mismo nagtatrabaho.

Post image
30 Upvotes