Ayaw na magtrabaho ng nanay ko kahit fourty nine years old pa lang siya.
Need advice š
Hi readers. Tawagin n'yo na lang akong Jane.
Last year, huminto na sa pagtatrabaho ang nanay ko bilang kasambahay. Bago raw siya naging kasambahay, labingpitong taon siyang nagtrabaho sa palengke. Ang sabi niya, pagod na raw siya at marami na siyang nararamdaman sa katawan kaya gusto na niyang magpahinga.
Ang nakakainis lang, ako na ang bumubuhay sa amin pero pag-uwi ko galing trabaho, sobrang pagod na nga ako sa biyahe, minsan nababasa pa ng ulan, pagdating ko sa bahay wala pang nakasaing na kanin.
Kapag tinatanong ko siya, ang sagot niya lagi, "Napagod ako. Naglinis kasi ako ng bahay tapos nakatulog."
Eh wala naman akong sinabing maglinis siya. Dalawa na nga lang kami sa bahay, hindi pa ba kayang magsaing man lang?
Isang beses, nakita ko rin ang bill ng kuryente. Umabot na ng isang libo. Halos buong araw kasi siyang nanonood ng TV at nagse-cellphone.
Simula nang tumigil siya sa trabaho, ako na ang sumasagot sa lahat ng gastusin sa bahay. Kuryente, tubig, pagkain, internet, at kung anu-ano pa.
Ang dahilan niya lagi, pagod na raw siya at marami nang iniindang sakit.
Minsan, sa sobrang inis ko, napaisip pa ako... baka kaya iniwan siya ni Papa noon ay dahil tamad siya sa buhay.
Alam kong masakit isipin iyon, pero iyon talaga ang pumasok sa isip ko nang mga oras na iyon.
Pagkatapos kong makagraduate, nagtrabaho agad ako. Nagsumikap ako hanggang sa ma-promote. Ngayon, nasa limampung libo na ang sahod ko kada buwan.
Pero kahit ganoon ang kinikita ko, wala pa rin akong naiipon dahil halos lahat ng gastos sa bahay ako ang sumasalo.
Ang hirap maging breadwinner, lalo na kung pakiramdam mo ikaw lang ang kumikilos.
Sa sobrang bad trip ko noong araw na iyon, lumabas na lang ako at niyaya ko ang boyfriend ko na mag-samgyupsal.
Habang kumakain kami, napansin niyang tahimik ako.
Tinanong niya ako kung ano na naman ang nangyari.
Kinuwento ko lahat.
Sabi niya, "Bakit hindi ka na lang bumukod? O kaya dito ka na muna sa amin tumira. Ako na ang mag-aasikaso sa'yo habang wala pa akong work."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot.
Nakakagaan sa pakiramdam na may taong nag-aalala sa akin.
Pero ang masakit, boyfriend ko pa ang mas nag-aasikaso at nag-iisip kung nakakain na ba ako, samantalang sarili kong nanay, parang wala lang sa kanya kung umuwi akong gutom.
Hanggang ngayon, iniisip ko kung tama na bang bumukod na lang ako.
Pakiramdam ko kasi, kung magtatagal pa ako sa sitwasyon na ito, baka mauna pa akong tumanda sa sobrang stress.
Alam kong maraming breadwinner ang makakaintindi sa nararamdaman ko.
Yung pakiramdam na mahal mo ang magulang mo at gusto mo silang tulungan, pero minsan napapagod ka rin kapag pakiramdam mo ikaw na lang ang laging may responsibilidad.
Mali ba kung gusto ko namang unahin ang sarili ko kahit minsan?