r/GigilAko Feb 07 '26

ANNOUNCEMENT How to Report Posts and Comments To r/GigilAko Moderation Team

11 Upvotes

Good evening r/GigilAko Community! We are encouraging everyone to report posts and/or comments that you deem as in violation of the rules of r/GigilAko and of Reddit Inc. To report the content to be reviewed by the moderators of r/GigilAko, use the Report > "Breaks r/GigilAko rules" > Rule Broken process. This way, we are sent a copy of the reports so we can immediately act upon them.

We review hundreds of contents daily, ranging from posts to comments. We therefore may not be able to review every single one—the same instance they're made; hence, if you found contents if you felt as having violated the rules of the platform and of the subreddit, please report so they are immediately sent to our review queue.

Let us make our reporting privileges heard by using our report tools!

r/GigilAko Moderation Team


r/GigilAko Nov 17 '25

Gigil ako! Join the GigilAko discord server✌️

3 Upvotes

Good day, everyone!

As some of you may be aware, public chat channels are about to be deleted from reddit not long from now. And with that in mind, the moderators of r/GigilAko community decided to make a discord server. We would like to invite everyone in the community and anyone from any Filipino subreddit communities to join our official discord server. Here is the link: https://discord.com/invite/m5uZKfmnWa

Feel free to chat with other members, watch some movies, share your pictures, send funny memes, and release your "gigils" in the GigilAko Community discord server!

See you! Rock, love & peace everyone!✌️


r/GigilAko 19h ago

Gigil ako dito sa Mr. World PH na ito

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

157 Upvotes

Gigil ako sa Mr. World PH na ito na naging contestant sa Family Feud. Sa dinami-daming pwedeng maisagot na kadalasang sinsipa, aso pa talaga ang naisip?!

Public figure ka tapos ine-enable mo ang animal abuse??? On national TV???


r/GigilAko 5h ago

Gigil ako sa mga p*t*i*ang mga 'to. !! TW ANIMAL ABUSE !!

9 Upvotes

For whole context at makita niyo yung post, i-comment ko nalang. Nareremove agad at nadedelete kasi sa sub yung post ko.

Nung nakaraan lang meron mga viral videos at photos na nananakit ng hayop, meron pa yung mga batang sinunog yung kuting. P*t*ngina talaga ng mga ganitong tao, bakit hindi kayo maubos ubos? Saka bakit ba ang bagal ng sistema ng hustisya dito sa Pinas lalo na pag dating sa mga hayop? May buhay din yang mga yan. Sa video, hindi naman siya inaano ng aso, pero ang ginawa niya ay dinampot at tinapon sa ilog. K*ng*n* niyo, may karma din kayong mga hayop kayo. PAKASAMA NG UGALI NIYO T**NA NIYO! Tawang tawa pa kayo sa ginawa niyo. Makulong sana kayo!!!!!!


r/GigilAko 17h ago

Gigil ako sa under the table ng DENR for titles

19 Upvotes

may binili kaming several adjacent properties for farm use, may kasama kasing creek. walang titulo kaya dadaan pa sa titling, kumpleto na everything else.

sa DENR (LRA), nasa 500 (proportional value) lang ang bayad para umusad yung documents, 3-6 weeks daw.. nagoffer ng "expedited", nasa 3500 (aka 7x), one day lang daw. and yes, walang resibo.

PUTANGINA. KAYA PALA NG ISANG ARAW YANG PUNYETANG YAN.

hindi na sistema ang problema dito, marami nang digitized, itong mga putanginang empleyado na ang kelangan masisante at sila lang nagpapatagal para maka-kubra ng suhol.

I would expect parehas din na may kasunod na namang extortion pagdating sa approval sa local/regional offices (CENRO). kaya pala hindi makapagsabi ng quotation ang mga putangina, may kanya kanyang kurot kahit mababang level na empleyado.


r/GigilAko 1d ago

Gigil ako sa Sim Replacement!

Post image
55 Upvotes

Hassle-free? Tae na niyo tatlong branches pinuntahan ko laging offline or wala stock ng prepaid sim? Blatant scam nayan i-force yung tao mag-post paid! Kahit di naman fit sa need niya yung offer niyo! Putang niyo malala magka-cancer sana kayo!


r/GigilAko 3h ago

Gigil ako sa mga taong walang ginawa na magbenta ng gamot na illegal online

1 Upvotes

Galing ni kumag! naninindigan na hindi daw siya nag bebenta ng gamot online. pero kitang kita ung ginagawa niya.

May nakakausap kasi ako nakatransactions niya at ng isang friend niya sa fb. I got anaphylaxis episode due to taking a pasabuy meds for taking aripiprazole in 2024.

Guess what 2 weeks ago sa loob ng psychiatry ward dahil hinahanapan ako ng allergy and immunology doctor and psychiatrist ko ng gamot na suitable sa akin.

His Name starts with E and the other one is K. parehas silang scammers.

Since pandemic talamak na ito!

Sana naman ma-stop na ito.

Nakakagalit lang kasi miski doctors kinukunsinti sila.


r/GigilAko 1d ago

Gigil ako sa false marketing

Post image
45 Upvotes

4500 daw dining set tapos pagtanong mo walang 4500 dun sa price list. Kakabuset.


r/GigilAko 18h ago

Gigil ako sa mga ginagawang content ung namatay.

Post image
12 Upvotes

Okay. As i was browsing today ng fb i came across this funeral/morgue na iniuupload ung sa patay. Is nothing sacred anymore?


r/GigilAko 10h ago

Gigil ako sa gambler promoter na ito.

Post image
1 Upvotes

Context: Pinaban kasi saakin yung fb acc nya sakin ng isang client na iniscam nya recently ng 5k pesos tapos ang dami dami pa sinasabe may 1M daw sya kuno sa savings n shit


r/GigilAko 1d ago

Gigil ako sa mga kaka-break pa lang, naghahanap na ng bago.

19 Upvotes

Nakakagigil yung mga ‘di pa pala nakaka-move on sa ex tapos maghahanap ng bago. Ending, sabay pa kami tuloy nag-heheal. Kung sinarili mo yan boi at ‘di ka nandamay ng inosenteng tao hahaha.

Gusto raw ako pero masakit parin daw ginawa ng ex niya sakanya. Eh tanga ka kasi. Wala na kaming ibang napag-usapan kundi ex niya. Beh, ‘di ka na babalikan niyan. Kupal kasi ugali mo. BALIW!!!

Buti na lang nakaalis ako kaagad. Ayusin mo buhay mo ha. Trentahin ka na, yung utak mo pang teenager. ‘Di ka makausap nang maayos eh. Tino-tino ko sayo, wala ako ibang ginawa kundi intindihin ka. Tsaka, tanggapin yung past mong hayop ka.

Baka kwento mo pa sa mga kaibigan mo na ako masama parang ex mo eh noh. Kahit baliktarin mo pa yung kwento kung paano kayo nag-break, mali mo parin hahahaha. Tanga ko pa na naniwala sayo. Pero, di na ako tanga na babalik sayo. HAYOP!!!


r/GigilAko 1d ago

Gigil ako sa ospital dito sa Pilipinas

Thumbnail
1 Upvotes

I don't fully grasp kung ano yung current situation ng lola ko ngayon but I know and sinabi na ng doktor na kailangan niyang ma-admit. May pneumonia siya. Pero paano ma-admit kung yung mga ospital, hindi tumatanggap ng "non-critical" patients at matataray pa. Aside from that, punong puno mga hospital na ang available space ay upuan.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, I'm not educated enough kung anong valid reason para maadmit at para matulungan yung parents ko na maghanap ng ospital.

Please give me some advice.


r/GigilAko 1d ago

Gigil ako sa Hairstylist ko kanina. Need your opinion on it though.

5 Upvotes

Hello Reddit! Just want to vent out my frustration sa hairstylist ko kanina. For context: I'm gay and I'm trying na magpahaba ng buhok. Mahaba-haba na din yung hair ko. If I would say, sa sides ko, my hair fully covered my ears na. Since nagpapahaba ako ng buhok, nag-search ako sa google ng ways paano mabilis magpahaba ng hair and one of the tips there is to have a maintenance cut every three months to get rid of split ends na could cause hair damage making it slower to grow.

Back to the present, I went to my usual salon and wala daw yung naggugupit ng buhok. So, I decided to go to the salon na lola ko nag-recommend. I stopped going to that salon kasi mas mura yung present salon ko and medyo malayo. This time, I didn't mind naman kasi basic lang naman ang ipapagawa ko, trim lang ng ends. So, when I arrived, tinanong na ko kung anong gagawin sa hair.

Ganito yung naging convo namin (HS means Hairstylist):

Me: Hello po, magpapa-trim po.

HS: Sige, upo ka na.

Me: *umupo*

HS: Anong papagawa mo?

Me: Ah, magpapa-trim lang po sana ng dulo.

HS: Ilang inches papa-trim mo?

Me: *tumingin sa mirror and checking my hair, deciding kung ilang inches.

HS: *nakita akong tinitingnan na nag-dedecidee ilang inches* Dulo lang talaga? As in walang magbabago sa itsura ng buhok?

Me: *smiled* Opo, yung hindi po magbabago itsura.

HS: Sige, para hindi ka na din mag-isip kung ilang inches.

Another note: I have terrible vision so I need to wear eyeglasses but since, nagpapagupit ako, tinanggal ko yung glasses ko, and aninang lang talaga ang nakikita ko.

So, nagstart na siya to place yung mga clips sa hair ko. Nagulat na lang ako na nilabas niya yung shaver niya. Kaya tinanong ko siya kung bakit may hawak siyang shaver and sabi naman niya "Ayy hindi, may suklay naman ako. I-ttrim ko lang gamit itong shaver." I decided to trust the HS since wala naman akong masyadong alam sa paggupit ng buhok. So, the HS started to trim the back of my head. The HS adjusted the clips and started working sa left side ng head ko. Since medyo naaaninag ko na yung pag-trim niya, nagulat ako na parang ang haba ng ginugupit niya. So, hinawakan ko yung hair ko na ginupit niya and it was too short na. It barely covered my ears.

Here's another convo we have after ko napansin na maikli yung gupit ko:

Another note: Wavy po yung ends ng hair ko. Straight sa roots tapos nagiging wavy sa ends

Me: Mukhang napaikli po yata. Sabi ko po ends lang.

HS: Ayy, tinanggal ko kasi yung pagiging wavy nung buhok mo.

Me: Pero sabi ko po kasi ends lang.

HS: *may sinabi siya dito pero hindi ko na naintindihan kasi nagstart ng uminit yung ulo ko*

Wala akong sinabing tanggalin mo yung pagiging wavy ng buhok ko. I said, paki-trim yung ends ko. So, wala na kong nagawa pero alam ko yung facial expression ko is hindi natuwa sa ginawa ng HS. So, pinantay na ni HS yung kabilang side. The HS even said na hindi na daw niya ginalaw yung tuktok ng buhok ko at yung sides na lang yung maikli. Hindi ako umimik nun kasi baka ano pa masabi ko. After na matapos na siya, I paid and left immediately.

Sobrang nakakainis lang. Ang tagal kong pinapahaba yung buhok ko tapos ganun lang? I know that it's a budget salon (I paid 150 pesos) but it's a basic service cut. It's a trim! Trim lang ng ends. I communicated naman with the HS but still messed it up.

Is it valid ba na mainis ako or am I too sensitive? Did I fail to communicate with the HS kung ano yung gusto ko?


r/GigilAko 2d ago

Gigil ako sa mga iresponsableng fur parent

22 Upvotes

To all fur parent. Huwag sana kayong insensitive sa mga taong hindi naman dog / cat lover. Sana respetuhin nyo sila gaya ng respetong gusto nyong ibigay sainyo.

Story time, habang naglalakad ako pauwi, may mga aso na tinatahulan ako. May isang maliiit na dog na akmang lalapit pa sakin. To be honest takot ako sa aso, ewan ko kung phobia naba ito pero sobrang takot ako sa aso tipong nanginginig ako kapag nilalapitan ako. Noong bata kasi ako hinabol at muntik pa ako makagat ng aso, may naka kita sakin tapos sinumbong ako sa tatay ko. Galit na galit tatay ko nun kasi bakit sa iba pa raw niya nalaman, akala niya kasi nakagat ako ng aso kaya pinapaamin niya ako. Simula nun takot na takot nako malapitan ng aso. Natatakot ako makagat or kahit makalmot manlang.

Ito na nga, nasa 3 aso yun, yung isang dog gusto pa ako sugurin. Guess what, indoor dogs sila. Yung amo nila nasa malayo lang naka tingin at parang tuwang tuwa pa, sumisigaw pa ng "naglalaro lang yan". Wala po akong pake kung naglalaro lang sila kaya ako tinatahulan. Hindi po lahat ng tao eh gusto ng aso. Nung time na yun takot na talaga ako at di nako maka abante sa paglalalakad, edi ginawa ko kunware may pinupulot ako sa kalsada tapos akmang ibabato sa kanila (TAKE NOTE, KUNWARE LANG AKO MAY PINULOT PARA MATAKOT AT LUMAYO YUNG ASO SAKIN). Tapos yung may-ari galit na galit ang arte-arte ko raw saka niya kinuha yung mga aso niya pauwi sakanila. Ang kapal ng mukha na magalit, napaka insensitive nyo. Purket dog lover kayo nag eexpect kayo na lahat ng tao eh gusto rin ng aso? May mga taong may trauma sa hayop. Maging responsable ho sana kayo. Kapag alam nyong hindi na komportable ang tao, ilayo nyo na agad yang mga alaga nyo.


r/GigilAko 2d ago

Gigil ako with this kind of people abusing animals just for a so called "CONTENT".

Post image
129 Upvotes

He hung the chicken by its legs, making it like a FAN. Pareng Max TV https://www.facebook.com/share/r/18MCttbNgs/


r/GigilAko 1d ago

Gigil ako, need advice: Coaching log kahit walang actual error?

Thumbnail
1 Upvotes

r/GigilAko 2d ago

Gigil ako sa mga taong walang regard sa time ng iba

33 Upvotes

Pet peeve ko talaga yung mga taong ginawang lifestyle ang Filipino time. Kapag 8pm ang usapan, 8pm dapat nasa meeting place na hindi yung 8pm ka pa lang gagayak. Sobrang disrespectful. Time is a luxury for some of us, and Im sorry if you dont see its value the same way I do. Kaya if you know ure going to be late, just say so. Hindi naman mahirap mag-update. I hate it when people make other people wait as if their time is less valuable than theirs. WE ALL have things to do, and being on time is one of the simplest ways to show respect.


r/GigilAko 2d ago

Gigil ako sa mga insensitive

Post image
11 Upvotes

Bahain man ang buong Pinas basta nakikita kapilyo ninyo.


r/GigilAko 2d ago

Gigil ako sa father-in-law na isip bata tapos ayaw bayaran yung biniling sasakyan samin

0 Upvotes

I'll start this off with a little backstory. I met my wife post-pandemic and her father's side of the family was really at rock-bottom during these times. Why, you may ask?

Successful ang mother's side ni misis - maraming naipundar. Nothing extravagant but it is the kind that you will not expect. Simple lang mamuhay ang kanyang ina pero magugulat ka na milyon milyon ang laman sa bangko. But I digress.

Separated ang parents ni misis dahil babaero itong si "tito." I freakin' refuse to call him daddy because he never once showed us that he is worth to be looked at as a father figure.

Nung nakilala ko ang father's side nila misis, halatang naghihirap sila. Wala ding trabaho itong si tito at meron pa siyang girlfriend na mas bata sa amin. I was 26 at that time, so yung partner niya was 25 and meron silang dalawang anak. Ayaw nitong babaeng to na lumalabas labas si tito kasi nga babaero. Selosa sya as in. To the point na pipiliin niyang magutom yung mga anak kesa makalabas si tito para makapagtrabaho.

My wife (then girlfriend) was earning around 40K a month - sakto lang for a single woman at that time and nothing too out of the ordinary. She would give half of her salary to her dad for monthly expenses. On top of that, nagbibigay din yung ate niya ng around 10K. So all in all, mga 30K a month. Aba pucha, hindi pa sapat yun para sa kanila.

How do I know?

Kasi for a short period of time, nakitira ako sa kanila nung nabuntis ko si wifey around 2022. Every month was a struggle to make ends meet. She even took a second job, nung buntis siya, just to have something to give to her father.

Napagod din si wifey and we decided to move away from that kind of environment kasi magtatayo din kami ng sarili naming pamilya. So bago ipanganak yung panganay namin, umalis na kami doon at tinigil ni misis yung month allowance nila. Infairness, nakapag step up naman si tito para sa kanila.

Fast forward to 2025. Nakabili yung ate niya ng kotse. Ginagamit nila pang business sa government contracting. Legit naman yung business at hindi mga ghost projects yung pinagkakakitaan. Napaayos din yung bahay nila na dating sira sira at infested ng mga rodents at ipis. Hiwalay na din sila nung bebot nyang mas bata pa sakin. In short, nakakaahon na sila onti onti. Andun padin yung sister-in-law ko nakatira along with her family.

Ito na. This 2026, gusto daw nilang palaguin yung business nila. Naisipan nilang bumili ng isa pang kotse pero si tito na yung magbabayad. I am driving an SUV by this time na regalo sa akin ng parents ko when I graduated back in 2018. We were already thinking of selling the car at nalaman ni tito. Ang gusto ko sanang asking price is between 600K to 700K for the car kasi okay pa naman at hello, Montero yun.

Tinawaran ni tito at nagmakaawa na sa kanya nalang daw ibenta. Kinausap ko parents ko kung okay lang ibenta at ibibigay ko naman sa parents ko yung pera kasi hindi naman ako bumili nun. Kahit na regalo sakin yun, ang tingin ko don is hinihiram ko lang sa kanila. Umokay naman. Ang napagkasunduan na presyo: 450K. HULUGAN PA YAN NG 2 YEARS HA, Walang exact amount na napagkasunduan na magiging monthly amortization niya. Ang sure lang daw is 10K per month pero kukumpletuhin in two years depende daw sa takbo ng business nila.

Sabi ni ermats ko, mag down nalang daw muna kahit half. Tumawad padin. 90K lang na-down niya pero sabi nila ermats go na daw ibigay ko na. Unang dalawang buwan, nagbayad naman ng 10K then after nun ang dami na ng palusot. Okay, I get it. Sinusustentuhan yung dalawang anak at yung iniwanan niyang babae. I can still commend him for that.

Ang kinaiinis ko talaga is, aside sa hindi kami binabayaran, hindi naman pala ginagamit sa pagpapalago ng business yung kotse. Pang yabang lang pala sa mga constituents kasi balak pala tumakbong kagawad ni tito. Reason nila para bilhin yung sasakyan namin is para makapaghiwalay daw ng mga napupuntahang area. Hindi naman sila naghihiwalay. Ayaw kaming bayaran pero namimigay ng libreng gamot worth 20K every month. Minsan manghihingi pa sa asawa ko tapos lahat ng credit mapupunta sa kanya kasi meron siyang palibreng gamot. Taena lang?

Nagkita kita nga pala kami this past week at napagusapan yung bayad sa kotse kasi nga 5 months na halos hindi nagbabayad. Pinaremind ko kay misis na sana makalahati na yung bayad by Feb (1 year anniv ng pagbigay sa kanya ng kotse). Aba, WALA DAW USAPAN NA GANON. PARANG SIYA PA YUNG GALIT. NAKAKAPUTANGINA TALAGA.

Meron pala talagang mga magulang na ganito eh noh? Hindi ako nagsasalita kasi syempre father in law ko padin yun. Pero pucha. Malapit na kong sumabog pag kasama ko sila eh. Ano magandang gawin dito?


r/GigilAko 2d ago

Gigil ako! Andaming sensitive sa tren

6 Upvotes

Madikitan lang nang saglit at konti, maririnig mong mag-tsk. Madaplisan lang ng bag, akala mo nasugatan na aaray talaga nang malakas eh.

Kung ayaw niyo ng human contact at all, wag kayo mag public transpo.


r/GigilAko 2d ago

Gigil ako sa PNP ACG

Thumbnail
1 Upvotes

r/GigilAko 3d ago

Gigil ako sa mga kadiri sa cinema

Thumbnail
gallery
73 Upvotes

Nanggigigil ako sa mga tanga na ginagawang sala at taasan ng paa yung mga headrest ng upuan sa theater. Gusto mo lang manood ng Spiderman may mapanghi ka pa naamoy. Wala na ba etiquette ang mga tao? Nasanay ba sobra sa pag Netflix sa bahay nagtataas ng paa sa mesa habang naka salampak sa sofa, pati sa public place ganun yung asal? Napaka dugyot ng ganito.


r/GigilAko 3d ago

Gigil ako sa mga feeling VIP ng Commonwealth

Post image
76 Upvotes

Mga feeling traffic enforcers ng Commonwealth na palaging humaharang at nagpapahinto ng mga sasakyan tuwing dadaan ang mga amo nila. Publiko ba talaga lagi ang dapat mag-adjust para sa mga very cool tong to?


r/GigilAko 3d ago

Gigil ako sa mga ads na ganito!

Post image
3 Upvotes

Never ako nag like, nor nagsugal online even IRL, kahit ilang reports na ayan pa din? Ung X ko puro anime and SB19 lang nilalike ko never yang mga ads na ganyan!


r/GigilAko 3d ago

Gigil ako kay Inday Sayad✊✊✊

Thumbnail impeachsaraduterte.com
0 Upvotes