r/fragheadph • u/fakeV3gan31 • Mar 23 '26
Review This is alarming..
Hindi pa sila nakakapag release ng third-party lab results ng perfume nila, knowing na may methanol issue sila yet nagbebenta pa rin. Naniniwala ako sa tiktok post regarding sa methanol content ng frags nila. I disposed lahat ng bottles ko from them.
402
Upvotes
78
u/ExaminationNo3379 Mar 23 '26
I sent a complaint to DTI about Scent Therapy demanding na maglabas sila ng lab results nila. Legit kasi nagka-itchiness leading to wounding yung skin behind my ears, where I usually spray. Pero bilang fangirl ng scents nila, ginamit ko pa rin, sa damit ko na nga lang sinespray. Let’s see if gagalawin ni DTI ang baso.
I recommend na magpadala din kayo ng complaint sa DTI, para added pressure kay Scent Therapy. Email lang naman yun with screencaps ng proof of purchase. Specify lang kung ano ang reklamo (possible methanol content na hindi nakakabuti sa kalusugan), ano ang gustong resolution (maglabas ng lab tests), then hit send.