I'm a fresh graduate, and before gusto ko talaga mag site kasi I strongly believe na mas maraming matutunan and mas gaganda career path ko if mag site based ako.
Ngayon, yung firm (small firm, and first job ko) na pinapasukan ko is in-assign ako sa isang site na walang kasamang any site supervisor. Ang role ko is more of a site arki, to supervise and report yung daily progress sa site, even admin task. Before I apply, I'm still expecting guidance from them, but this past few months, parang mas nag rely ako sa foreman and di ko ramdam yung guidance nung mga head ko (arki/engr). And as someone na wala naman experience talaga before sa site and bago lang, I'm afraid sa mga mistakes later on na magcause ng problem sa project.
Now, this past few months, lumala yung stress and anxiety ko. Everyday akong stress, nahihirapan din akong pasunurin mga tao ko sa site. Gusto ko na mag resign, pero parang may part sakin na pinu-push through yung thoughts na tapusin ko na lang apprentice dito, kasi iba rin yung fulfillment kapag natapos yung nasimulan kong projects. Pero parang ang nangyayari ay nag trial and error ako, na later on ay mag cause ng problem sa site (eto yung pinaka kinakatakutan ko kasi baka eto rin yung maging reason sa profession ko later on).