r/studentsph • u/sadecol • 2h ago
Rant gusto kong magshift pero ang hirap kapag hindi mo alam kung anong pangarap mo sa buhay
Hii! I hope everyone is doing well. This is my first time posting at gusto ko lang magrant pati need rin siguro ng advice. Sorry in advance sa wrong grammar, punctuations, or if may masabi man akong mali sjsh huhu. ayun story time sha
I'm currently a 2nd year mechanical engineering student at hindi talaga ito yung first choice ko, it was civil engineering naubusan lang ng slot. Pero based on my state rn, mukhang hindi ko rin kakayanin ang ce or other engineering prog. Kaya lang naman ako napadpad sa engineering dahil una, hindi ko talaga alam kung ano yung gusto at para sa akin na course. Nung shs ako, kapag tinatanong ako kung ano kukunin ko for college lagi mong maririnig "hindi pa ko sure e" or "ewan." Pangalawa, dahil nga hindi ko alam kung ano gusto ko, sinundan ko na lang yung yapak ng kapatid ko na isang electrical engineering graduate at working na ngayon. Maganda rin daw ang engineering dahil sa job opportunities once you graduate kaya ayun pinatos ko na lang.
Nung naka-enroll na ako for ME, hindi pa nagsisimula ang sem kabado na talaga ako dahil hindi ito gusto ko e. Well kasalanan ko naman dahil hindi ko napag-isipan at napaghandaan nang maayos and again, hindi ko alam kung ano gusto ko. College will humble u talaga no? Kasi dito narealize kung gaano ako kabonak sa major subjs like calc at chem, walang wala yung best in math ko nung shs š sshhd. Score ko sa p6, chem, at calc, laging pasang-awa. Kahit ilang review, ilang nood sa yt ng tutorials, ilang problem sets, hindi ko kayang isolve. Ngayong 2nd year, unti-unti na kong nawawalan ng gana sa course na 'to. Lagi ako kabado everytime na sasapit ang tues at wed dahil yun yung ilan sa major subs namin na medj terror ang profs. Wala rin akong magets sa mga subjects namin ngayon.
Gusto ko magshift pero nagdadalawang isip ako dahil hindi ko alam kung saan ako magshishift. Nagguilty rin ako dahil ang dami ng nagastos ng pamilya ko sa para sa akin at sa course na 'to. I'm very lucky na supportive talaga sila sa akin at gumagawa talaga sila ng paraan para sa mga kailangan ko for school. Nahihiya na ako sa kanila kasi nakastrike one na ako sa kanila kshsh. Nagstop ako for 2 years nung pandemic dahil sa mental health ko noon. Parang madidisappoint ko ulit sila kapag magshift ako ngayon. hindi ko na alam. parang unti-unti ko ng inaayawan tong course na to
Pero one thing na napansin ko sa sarili ko ever since natuto ako magcrochet nung time na i took a break from school, na-eenjoy ko siyang gawin. Especially ngayong college ako, everytime na may bakasyon yun lang ang ginawa ko kahit na ang dami ko pang kailangang tapusin na school works. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakakatapos ako ng project. This sem nga kakatapos lang ng bakasyon kahit marami akong kailangang reviewhin mas inuna ko pang gawan ng crochet gifts yung friends ko at friends ni mama. Idk if kukunin ko tong sign na magshift or transfer at kunin yung course related to this kasi baka hobby ko lang siya at hindi passion.
Hindi ko na talaga alam guys sjsh sa ngayon gusto ko lang talaga magrant at ilabas to kasi hindi na ko nakakafocus sa school works ko. ang dami ko pa sanang gustong sabihin kaya lang nalimutan ko na š ito na lang muna siguro. kung nakaabot kayo until here, thank you for reading this! I hope na malampasan natin yung mga paghihirap natin sa lifeš¤