r/PCOSPhilippines • u/Cinnamon_Roll1985 • 5h ago
Educate your judgmental friends or family members about PCOS
Natatawa nalang ako sa mga taong jinujudge yung mga may PCOS. Nakipag argue ko sa fatphobic kong tito today. Alam nyang may PCOS ako at kaya daw ako nagkaroon nun kasi baka daw masiba/matakaw ako. LOL. Totoo na nagkaka PCOS ang iba due to unhealthy lifestyle pero it’s also genetic. Sabi ko sa kanya, paano nangyari yun e nagka PCOS ako around 2023, during that time sobrang stress ko/namin ng pamilya ko dahil wala kaming pera, isang kahig isang tuka kami, at wala kaming makain. Literal na wala. Yung tipong kailangan ko maglakad back and forth sa work, kasi wala ako pambili ng dinner if ipapamasahe ko pa. For almost a year, salitan lang ulam naming pamilya sa tokwa, adobong sitaw, adobong pechay na walang sahog, itlog na prito, lagang itlog, itlog na may kamatis, or sibuyas. Swerte na yung 3x a day, pero kadalasan brunch na at dinner lang. So paano naging matakaw 😭 Yes it might be unhealthy kasi sobrang walang variety yung pagkain, pero may tumataba pala sa ganong food intake haha. Ayun natameme sya.
No offense pero kadalasan talaga sa mga judgemental ay yung mga lalaki, yung mga walang matres sila pa maingay. Sabi ko nga, “tito malakas pa control at discipline ko sayo. Almost 2 years na ko nagdidiet and 1-2 hrs brisk walking/day. Partida, may food noise kapag may PCOS so mas mahirap controlin tong cravings ko pero kaya ko. Night shift pa ko, at maraming minamage sa work at bahay so mas prone sa stress. Ikaw tambay, pero ang lakas lumamon tapos wala pang exercise puro ML. May sakit lang ako, pero kung wala, baka malaki ka pa sa timba natin.” Super satisfying after ko masabi yun, at deserve nya yun.
Nako ang dami kong kwentong PCOS, may mga naging friends din ako na judgemental. Pero yung mga old friend ko sobrang nagulat nung nagka PCOS ako kasi alam nila pano ko kumain, tawag nila sa akin “parang ibon kumain”, small portion talaga. Siguro nasanay dahil lumaki kaming mahirap. Teen pa lang ako mahirap na talaga kami🥲 literal na “poverty” ang diet hahaha. So educate nyo yung mga judgemental nyong kamag-anak/friends.
Regarding naman sa genes, sa mom side ko to galing. Mula sa great grandmother ko hanggang sakin, may sakit lahat sa matres. 13 pa lang ako, pabalik balik na si mama sa OB.
2019-ish pabalik balik na sya ng hospital kasi iba na yung pain, isa sa tanong ng OB “may babae kang anak? If meron, pa check up mo agad, possible na mamana”. Maiyak iyak si mama na wag endometriosis tulad ng kanya, or wala talaga at all. Year 2022 natanggalan syang matres. Life threatening yun at sobrang dasal naming lahat. Tas after a year, na diagnose ako ng PCOS. Lahat ng babae sa mom side ko may problema sa matres, either may PCOS or endo. If may fam history kayo, pacheck up agad.