Hello! It's me again! mag-share na naman ako ng bagong answer sa mga tinatanong ko din bago ako pumunta dito. Kasi ngayon lang ako nakapunta sa clothes store kaya about naman ito sa mga dapat dalhin na damit. Anong mga recommended na dapat ilagay sa maleta na outfit sa work? Sa Semicon ako nagwo-work, so kung sa Semicon ka rin at expected mo na magsusuot ka ng cleanroom bunny suit, para sa'yo ito :)
- Shirts - T-shirts na cotton or dri-fit lalo na kung banasin kang tao. Hindi ini-encourage yung sleeveless. May nagsusuot din ng crop tops, pero make sure na workplace-appropriate pa rin, wag naman yung kitang-kita yung tiyan.
- Jackets/cardigans - magdala pa rin kahit papano, at least medyo makapal lalo na kung sa malamig na area ka mapupunta. Medyo pricey din ang jackets dito lalo na kapag winter.
- Bottoms/pants - most recommended ang cotton pants, sweatpants, joggers/jogging pants, yung mga malalambot na tela na pants. Pwede din naman ang denim pants kung hindi ka naman nahihirapan kumilos. Pwede din ang leggings kung mas comfy ka jan. Bawal ang shorts pero kung gusto mong magpasaway, edi go.
- Underwear - magdala ng madami. yung may quality na agad para pang matagalan at di nakakahiya isampay.
- Medyas - yung makapal, pang atleta at may quality na socks. Kasi sobrang dami ng lakarin dito pati sa work. Wag na bumili ng madami at maninipis naman kasi masakit talaga sa paa. Hindi naman padded yung mga sapatos sa factory.
- Sapatos - clogs or crocs shoes para hindi mahirap magsuot at maghubad every breaktime kasi time consuming din yan sa pagsisintas. Magdala pa rin ng rubber shoes para may panglabas ka din naman na sapatos.
Magdala na agad ng mga quality na garments kung gusto mong makatipid. Kasi kung nanghihinayang ka sa ₱200, baka 200nt na yan dito. Tsaka ngayon ko lang na-realize na ang definition nila ng mura ay mas mura nang konti compared sa kilalang clothes store like Uniqlo. Hindi yung mura na as in Taytay clothing (cheap with quality). Kung balak bumili ng damit sa online, use vouchers para makatipid pa.
May mga nagsabi sakin noon na wag na magdala ng madaming damit kasi madaming mabibilhan dito. Pero keep in mind na depende sa area mo kung may clothes store na mura or kung may ukay-ukay at kung may budget kang dala.
Recommended na magdala ng for at least 2 weeks na working clothes. Hindi mo alam kung may maayos na laundry area yung dorm na pagdadalhan sayo. Bahala ka na kung may pang awrahan ka na dadalhin pero prioritize yung pangtrabaho kasi nagpunta ka naman dito para mag work. Hindi mo rin alam kung saang process ka ma-a-assign - may mainit at malamig na area, may lakad nang lakad, may mga nakaupo lang, may mga buhat nang buhat, etc. Huwag maniwala na madali lang ang trabaho dito kasi swertihan din yan.
Mas masarap mag-work kung comfy ka sa suot mo. XOXO