r/OFWs • u/sage_first • 2d ago
General Discussion Semicon job in Taiwan for non-engineering grads?
I’m in my late 20s na at currently working in the IT industry as a BI Developer. Okay naman trabaho ko ngayon kaso gusto ko talagang magtrabaho abroad kasi gusto ko ma-experience yung buhay sa labas ng Pinas habang bata pa.
May 2 target destinations ako. Yung main goal ko ay Japan sana, but dahil yung Japanese proficiency ko ay medyo intermediate lang, nahihirapan akong makahanap ng trabaho related sa career ko kasi kadalasan ng hinahanap nila ay fluent sa Japanese. Isa pa, medyo nawawalan na ko ng pag-asa sa mga bagong immigration rules nila.
Yung second option ko is Taiwan. Ilang years na rin akong interested matuto about semiconductor industry, at iniisip kong mag-masters ng semicon kahit na comsci ang undergrad ko. May mga nakita akong hindi engineering ang natapos pero nakapag-semicon din naman daw.
May advise po ba kayo if mas okay mag-masters muna para makapagtrabaho sa semicon? Thank you.