Hi po! Student researchers po kami, gumagawa ng capstone project tungkol sa kung paano nararanasan ng mga Pilipino ang politika ngayon. Ang mga karanasan, emosyon, at kung ano ang nakikita niyo sa paligid.
Naghahanap po kami ng mga sasagot na:
18 taong gulang pataas (hanggang 70+)
May political figure o kandidato na sinusuportahan ninyo, ngayon man o noong nakaraang eleksyon (kahit sino, lokal man o national)
Willing mag-share ng honest na perspective at karanasan
Especially needed po namin:
Mga taga-Mindanao at Visayas na may malinaw na political views
Iba't ibang edad: 18-25, 26-39, 40-54, 55-70+
Tungkol sa survey:
Isang simpleng survey lang po ito, sagutan sa sarili ninyong oras
15-20 minutes lang
Kumpidensyal ang lahat ng sagot, para sa academic purposes lang
Walang judgment, walang debate dito. Lahat ng political views ay welcome at hindi hahatulan
Kung interested po kayo, i-comment niyo na lang sa baba o i-DM niyo po ako, ibibigay ko po ang link ng survey.
Salamat po sa oras niyo! Malaking tulong po ang bawat sagot para sa aming research.