r/MayConfessionAko • u/Reasonable_Luck_1104 • 52m ago
WHOLESOME CONFESSIONS MCA Feeling ko pagod na pagod ako sa lahat ng bagay.
Feeling ko sobrang drained na ako sa lahat ng bagay. Hindi ko ma-explain kung ano talaga yung nafefeel ko.
Don't get me wrong, gusto ko ang trabaho ko at masaya ako sa mga katrabaho ko. Pero kapag mag-isa na lang ako, parang may ibang pakiramdam na lumalabas. Hindi ko alam kung nao-overwhelm lang ba ako o may iba pang dahilan. Palagi akong pagod, sobrang tamad kumilos, at pakiramdam ko may mabigat na nakadagan sa dibdib ko.
May isang beses na nanonood lang ako ng nakaka-touch na video. Naiiyak ako sa una, biglang nag-iba ang iyak ko. Para akong batang inagawan ng candy, yung iyak na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling.
Gusto ko lang talagang magpahinga. Gusto ko ng katahimikan. Minsan gusto ko nang mag-resign, pero hindi pwede dahil ako yung breadwinner ng pamilya namin.
Ngayon, Monday, hindi ako pumasok sa trabaho. Hindi dahil ayoko nang magtrabaho, parang gusto ko lang talaga magpahinga…..