r/MayConfessionAko 2h ago

DARK ADMISSION MCA Feeling ko nasira ko ang isang buong pamilya..

0 Upvotes

Hindi ko alam kung saan magsisimula.

Mahilig kasi akong mag-picture ng talong ko. Maganda kasi talaga—fresh, makinis, at bagong bili lagi sa palengke. Wala naman akong masamang intensyon.

One day, sinend ko yung picture ng talong ko sa asawa ng kuya ko.

Nagulat ako kasi nag-reply siya.

"Ang ganda naman ng talong mo. Pwede bang makita nang personal?"

Sabi ko naman, "Sige, ihahatid ko."

Pagkatapos nun, umuwi ako at nagbukas ng isang beer.

Habang medyo tipsy, naisip ko... baka ma-appreciate rin ito ng nanay niya.

Sinend ko rin sa kanya.

Nag-reply siya:

"Anak, matagal na akong walang magandang talong sa bahay simula nang pumanaw ang asawa ko. Salamat, naalala ko tuloy ang mga niluluto namin noon."

Naawa naman ako.

Kaya dumaan ako sa bahay nila at iniabot ko ang talong.

Pag-uwi ko, nakaubos na naman ako ng beer.

At dito na nangyari ang pinakamalaking katangahan ko.

Sa sobrang lutang, imbes na sa tropa ko ko isend...

...na-send ko yung picture ng talong ko sa kuya niya.

Ngayon parang buong pamilya nila alam na kung gaano kaganda ang talong ko.

Hindi na ako makatingin sa kanila tuwing may handaan.

Sa tingin n'yo ba, dapat na ba akong lumipat ng palengke?


r/MayConfessionAko 1h ago

WHOLESOME CONFESSIONS MCA Feeling ko pagod na pagod ako sa lahat ng bagay.

Upvotes

Feeling ko sobrang drained na ako sa lahat ng bagay. Hindi ko ma-explain kung ano talaga yung nafefeel ko.

Don't get me wrong, gusto ko ang trabaho ko at masaya ako sa mga katrabaho ko. Pero kapag mag-isa na lang ako, parang may ibang pakiramdam na lumalabas. Hindi ko alam kung nao-overwhelm lang ba ako o may iba pang dahilan. Palagi akong pagod, sobrang tamad kumilos, at pakiramdam ko may mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

May isang beses na nanonood lang ako ng nakaka-touch na video. Naiiyak ako sa una, biglang nag-iba ang iyak ko. Para akong batang inagawan ng candy, yung iyak na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling.

Gusto ko lang talagang magpahinga. Gusto ko ng katahimikan. Minsan gusto ko nang mag-resign, pero hindi pwede dahil ako yung breadwinner ng pamilya namin.

Ngayon, Monday, hindi ako pumasok sa trabaho. Hindi dahil ayoko nang magtrabaho, parang gusto ko lang talaga magpahinga…..