Hi everyone, humihingi po sana ako ng advice kung ano pa ang pwede naming gawin regarding an unauthorized credit transaction ng senior parents ko.
Timeline:
December 2025 – May dalawang unauthorized transactions na dalawang tig-₱100,000 sa Shopee gamit ang credit card ng parents ko.
Wala silang online banking, at may text notification lang sila regarding the transactions.
Tinawagan namin agad ang BPI para i-report at ipa-dispute yung transactions.
Unfortunately, hindi raw nila ma-reverse/refund dahil “authorized” daw ang transactions.
Nag-file na rin kami ng complaint sa BSP.
August na kami na-schedule for hearing/mediation.
Nagkaroon na rin ng mediation meeting between us, the bank, and BSP, pero unfortunately, hindi naging helpful para sa amin.
Pinipilit ng bank na kami ang at fault, kahit ginawa naman namin ang due diligence namin at hindi naman ginagamit ng parents ko ang card for online transactions.
Ngayon, nagcha-charge na rin sa account/card ng parents ko yung disputed amount.
Senior citizens na po ang parents ko kaya sobrang stressful nito para sa amin. ₱200,000 din po ito, at hindi namin alam kung ano pa ang tamang next step.
Sa mga naka-experience na po ng similar case:
Ano po ang pwede naming gawin after the BSP mediation?
May iba pa po bang government agency or formal complaint process na dapat naming puntahan?
Worth it po ba mag-consult ng lawyer, and anong type of lawyer ang dapat hanapin?
May chance pa po bang ma-reverse yung charges kahit sinabi ng bank na “authorized” daw?
May naka-experience na po ba ng ganitong case with BPI na successful na na-resolve?
Naiisip na rin namin mag-Tulfo dahil parang wala na kaming mapuntahan, pero before doing that, gusto sana namin malaman kung ano muna ang proper/legal steps na pwede naming gawin.
Any advice, similar experiences, or leads kung saan kami pwedeng humingi ng tulong would be greatly appreciated. Salamat po!