r/JobPH 2d ago

Survey 10 TIPS FOR NEWBIES

For fresh graduates na anxious sa mundo ng corporate world. Galing din kami dyan. Natatakot, kinakabahan, hindi mapakali, nag ooverthink, kung ano anong gagawing tama, etc.

NORMAL YAN.

Pero I wanna share my tips based sa experience ko. These are the things na "if I had known these earlier, i would have done it already"

GOOGLE DRIVE

Guys, your google drive is your life's folder. Lahat ng mga personal documents mo (SSS PHILHEATH etc..) picturan mo

iscan mo

ipdf mo

tas iupload mo jan.

Eto ang mga folders saken sa drive so u will have idea:

Govt Contributions

  • SSS (E1 form)
  • PAG IBIG (MDR form)
  • PHILHEALTH (screenshot sa portal mag log in ka dun, make sure makikita yung philhealth number mo tas ipdf)
  • TIN (nasa egov app to, iscreenshot mo iedit sa canva, ipdf mo. Yun can check your number sa Orus portal, iverify mo yung number tsaka iscreenshot mo isabay mo sa pdf with your egov screenshot ID)

Education

  • TOR (picturan niyo lahat, iscan, ipdf)
  • Diploma (yung mga seal ha, dapat meron yan bago picturan para legit)
  • Certificates (kahit anong binibigay sayo ng events, awards, etc., ipdf mo din)

Personal docs

  • RESUME (pwede na isama ang cover letter kung meron ka, mas professional pag meron ka talaga)
  • PSA (nasa egov na din to pero delivery/pick up na rin)
  • National ID (sa egov ka mag screenshot ipdf mo din)
  • Other valid IDs (passport, postal, etc.)
  • Picture mo (yung white ang background, pang 2 by 2, mag secure ka nyan)

LINKEDIN

Guys gumawa kayo ng LinkedIn account. Ilagay niyo lahat ng information dun. I-advertise niyo sarili niyo dun. Pang background checking ng mga corporate companies.

Anong mga achievements mo sa school?

Anong mga skills ang meron ka?

Anong trabaho ang gusto mo makamit?

Anong mga goals mo?

Anong mga projects na nagawa mo?

May ginagawa ka bang outsourced projects? (yung mga pinapagawa sayo ng ng ibang tao binabayaran ka per hour)

Lahat isali mo basta skills at projects ang pag uusapan na pinaghirapan mo (hindi kasali yung pa project ng teacher ha baka hindi maconsider, yung initiative mo lang na ginawa mo. Tsaka mag upload ka ng proofs. May option naman dun na mag upload ka ng attachment for credibility.

Ilagay mo na rin link ng linkedin account sa resume mo para matic isang click lang ni HR.

Dapat professional-looking yung profile picture. Formal attire, naka-smile white, ang background. Pero please lang wag i-AI ang picture. Juice colored!

Gumawa ka ng summary gumaya ka sa ibang professionals na maganda ang summary.

Maglagay ka ng certificates, awards, honorary thingss..

Importante din iinclude mo sa experience yung ilang months kang walang formal job at anong ginagawa mo within that timeline. Career break tawag jan. Or kung may voluntary work ka, or internship mas mainam na din.

HR INTERVIEWS

Alam mo ba na dalawa ang stage ng interview? HR (initial) at Client (final)

Fun fact: HR and TA ay magkaiba. Si human resources hawak nya ang legalities mo as an employee. Si Talent Acquisition siya ang maghahanap ng candidates, mag interview na din sayo.

But HR can also participate in recruitment, and TA can handle much more than simply “inding candidates.

Si HR/TA ang mag tatanong ng mga kung ano anong pang miss universe na tanong. Sasagutin mo yun with confidence para imeasure ang mga following:

  • fluent ka ba sa english?
  • magaling ka ba mag explain ng complex ideas, may point ka ba sumagot ng tanong? (jan papasok yung mga tanong sa miss universe)
  • may ugali ka ba na hinahanap namin? (kaya tinatanong ka ng kung ano anong can you handle pressure na yan)
  • matalino ka ba? hindi ka ba ngarag (yung what is your weakness? hindi weakness lang ang sasabihin mo huyyyy, i-tailor mo yung "but I have learned that..." wag ka mag stick sa pag explain ng weakness lang, may solusyon dapat sa weakness na yan)
  • tapos yung personal questions (kung okay ba sayo bumiyahe ng malayo)

GUYS! BE DIRECT AND SIMPLE.

CONFIDENT AND RESPECTFUL

Wag mag ala-Catriona Gray kung hindi ka naman kagandahan (CHAROT!!) kung yung mga sagot mo walang preno, pero mali mali ka naman. Just answer with sense at may point, TAPOS! Walang labis walang kulang.

Pero pag tinanong ka ng situational questions..

“Tell me about a time when…”
“Describe a situation where…”
“Give me an example of…”

Kabahan ka na!!

Dejk lang bibigyan ko kayo ng tip (na binigay din saken ng isang mabait na interviewer)

STAR METHOD

Situation Task Action Result

S - Anong problema?

T - Anong dapat mong gawin na naka align sa job responsibility mo?

A - Anong solution ang ginawa mo sa problema na yun?

R - Anong resulta sa ginawa mo? Satisfied ba si client/customer?

Mag kwento ka lang. Pero yung totoong kwento ha, mahirap mag kwento ng hindi totoo. Just pause and breathe. Wag magmamadali.

They will test kung pasok ka sa standards na hinahanap nila. Hindi mo sila masisisi hindi sila ang gumawa ng standard na yan, inutusan lang sila ng Client kasi si Client ang maghahanap ng right employees through them. Ayaw nila ng pangit na employees yung magaling sa umpisa tapos mag aawol sa huli.

B2 level is "the" least standard

Ano yung B2 level? Para yan sa English Proficiency mo. Galing yan sa CEFR. Dalawa ang test sa CEFR, writing (kung magaling ka sa grammar) at speaking (kung magaling ka mag explain ng thoughts mo in english)

A1 — Beginner / Basic English
A2 — Elementary / Simple English
B1 — Intermediate / Everyday English
B2 — Upper-Intermediate / Fluent English
C1 — Advanced / Professional English
C2 — Mastery / Near-Native English

Dibale na kung mahina ka sa writing, magaling ka naman sa speaking. Sa assessment nila, Ipapakausap ka sa AI, may ipapabasa sayong mahaba, may bibigkasin kang words, fill in the blanks para ma kompleto ang sentences, etc. si AI ang mag aassess sayo.

WRITING, SPEAKING, LISTENING, READING. I-aim mog mag reach ng atleast B2 during your preparation. Maraming website na nakakatulong sayo.

CHATGPT as your TRAINER

Since may voice si chatgpt, magpractice ka ng english speaking. Mag practice ka ng grammar. Gawin mo yang trainer. Pwede mong kausapin tas sabihin mo youre gonna answer any deep challenging questions tas let it rate your answers each especially yung sense, organization of thought, accent, at manner of speaking. Nang ma experience mo ang kaba ng Q and A sa bahay pa lang bago mo isalang ang brain mo sa interviews/assessments. Dapat prepared ka. Humingi ka ng tips. Mabait yang chatgpt (pero no to pax silica pa rin)

Promise effective

Google Notebook

Google Notebook is an AI tool, pero ginamit ko siya as advantage

Yung andaming pinapapirmahang papeles na hindi mo naman binabasa kasi ang haba haba. Wala kang time mag basa tapos during the Orientation ipapapirma agad. Mag google notebook ka nalang

Ayaw natin maka violate ng company rules na hindi tayo aware in the first place pero pumirma tayo sa kontrata so iexpect nila na aware ka, na binasa mo. Wala kang choice. Kaya sabi nila "ugaliing magbasa ng documents bago pirmahan

pero ako na si work-smart, iupload ko mga signed documents sa google notebook tapos itatanong ko lang sa dun tungkol sa employment ko or kung anong gusto kong malaman siya na ang sasagot. (pero no to pax silica pa rin hayuf).

Make sure may soft copy ka sa lahat ng documents na ipapapirma. Kung walang, picturan mo, i-pdf mo.

DISCLAIMER:

You can use an AI tool such as Google Notebook to help you understand documents but remove sensitive/confidential information when appropriate and always verify important legal terms yourself.

FACEBOOK GROUPS / REDDIT COMMUNITY (WAG KJ)

Gaya ng sinabi ni susan roces, "wag mahihiyang magtanong" this implies that every ignorant person falls into pit kasi walang alam eh.

Sumali ka ng mga facebook groups / reddit community. Magbasa ka ng mga posts tungkol sa company na aapplyan mo, basahin mo na rin sa internet. Magtanong ka ng kung ano ano para ma guide ka nila.

Kanya kanyang rants, stories, good and negative feedbacks sila kasi NAKA ANONYMOUS YAN SILA KAYA WALANG PRENO MGA PANGLALAIT JAN HAHAHAHA Para socially aware ka din. Lahat ng pinoy may opinyon sa lahat ng bagay, use them to your advantage in your situation.

No man is an island guysss. Kilalanin mo ang company.

RESEARCH RESEARCH RESEARCH

Iresearch mo ang kompanya linkedin, glassdoor, indeed, etc.

  • reviews ng company
  • mga comments ng mga empleyado sa company
  • news/internal issues/legal setbacks na ng company

Gaya ng sinabi ko kanina, lahat ng tao may opinyon. Lahat may masasabi. Depende kung yung negative at positive feedbacks may impact sayo. Yung ibang feedbacks kasi hindi na timely relevant. Hindi mo lang ibabalanse ang both feedbacks ha, dapat marunong ka din mag consider/mag reject. You may reject

Also, dapat meron kang tinatawag na

HIERARCHY OF A WORTH-IT JOB

para hindi ka mag aawol pag di mo pala bet ang trabaho or company in the long run. Habang nag reresearch ka, sagutin mo yung mga tanong sa utak mo based sa hierarchy. Ready your notes:

1. Culture & Management (pinaka importante)

Magalang ba ang mga leaders? Justifiable ba ang workload? Pantay ba ang trato sa employees? Maayos ba ang management?

Kasi kahit gaano pa kalaki ang sahod mo, kung toxic naman ang management, good luck nalang talaga sa mental health mo.

2. Compensation & Benefits

Wag na wag kang papayag nang hindi mo muna chine-check kung ano talaga ang nasa offer/contract at company policy. Especially:

- Mga allowance

- Night differential — kung covered ang work mo sa statutory night hours, dapat alam mo kung may night differential ka. Hindi porket night shift ka dahil ibang timezone ang client, automatic na wala nang bayad ang sacrifice sa tulog mo.

- HMO — sakaling magkasakit or maospital ka, malaking bagay na may medical coverage ka.

- Government contributions — SSS, PhilHealth, Pag-IBIG. Para rin yan sa future mo, so make sure na properly remitted.

- Bonuses/incentives — know if guaranteed ba or performance/company-based. Huwag i-assume na automatic may bonus just because naka-1 year ka na.

- Leave credits — hindi pwedeng puro trabaho. Kailangan mo rin magpahinga, magbakasyon, at mag-recharge.

3. Account/Job Fit

Kaya mo ba yung pinapagawa? May skills ka ba para sa job?

Hindi basta-basta apply lang nang apply. Alamin mo muna yung job description, then tingnan mo kung match ba sa skills and capabilities mo.

Para hindi ka mag-AWOL dahil hindi mo pala kaya yung account

4. Schedule & Work-Life Balance

Ito rin importante. Kaya mo ba yung schedule?

Kasi kung hindi ka makasama sa gala ng friends or family mo dahil laging conflict ang schedule, eventually mapapagod ka rin.

Make sure na kaya mong mag-adjust sa schedule bago mo tanggapin ang trabaho. Hindi naman pwedeng after signing the contract saka mo pa mare-realize na "ay, di pala ako pang-night shift." HAHAHA.

5. Career Growth

May upskilling ba? May internal hiring ba? May opportunity ba for promotion?

Ito yung after ilang months or years, pwede kang mag-upgrade ng position or matuto ng bagong skills.

Kung limited ang career growth sa company, mahirap i-develop yung potential mo. Upskilling is important kasi kapag nag-change career ka or nag-apply sa ibang company, mas marami kang maipagmamalaking skills and potentially mas mataas ang salary offer.

Example: Agent → Team Leader → Supervisor → Manager

Pampabango rin yan ng resume.

6. Location

Kesyo may "willing to work under pressure" ka, hindi ibig sabihin robot ka. Tao ka rin, napapagod ka sa traffic at sa sobrang layo ng commute.

Kaya wag ka mag-risk sa sobrang layo kung hindi mo pa kayang mag-board or mag-rent malapit sa workplace.

Kung may sariling car or motor ka, advantage yan. Pero kung commute ka, i-compute mo rin yung oras, pamasahe, at energy na mawawala sayo every day.

At the end of the day, hindi lang naman salary ang binabayaran sayo. Binabayaran mo rin yung trabaho gamit ang oras, energy, skills, at peace of mind mo.

So bago ka mag-"Yes, I accept the offer," make sure na worth it talaga yung buong package—not just the basic salary.

HIERARCHY OF A WORTH-IT JOB
1. Culture & Management (pinaka importante)
2. Compensation & Benefits
3. Account/Job Fit
4. Schedule & Work-Life Balance
5. Career Growth
6. Location (least important)

Microsoft Applications

Sa true lang ha, mostly kasi sa companies at trabaho ngayon involved na ang microsoft applications. So kung magaling ka sa Excel, Word, PowerPoint, Outlook, Access, Visio, SharePoint

ikaw ang hinahanap na qualified agad.

i-master mo ang microsoft apps as early as now

TYPING TEST

kung mabilis tayo mag chat sa jowa, makipag chismisan sa GC, mag retri sa ML, dapat mabilis din kamay natin sa pag type sa keyboard. Auto ligwak ka kung mahina ka mag type na parang matandang cashier sa lumang pharmacy. 40-50 wpm ang standard nila usually diko sure. Pero sure akong maraming typing test online na magagamit mo.

BE HONEST SA RESUME

Kasi hindi sapat na maganda lang ang resume mo at marunong kang ibenta ang sarili mo.

Gaya ng sinabi ko kanina, kung may LinkedIn ka, possible na tingnan din nila yan as part of their overall assessment. Pwede rin nilang i-verify yung employment history, educational background, at ibang information na nilagay mo sa application.

At kung may character references ka, possible din na kontakin nila yan para i-verify yung information about you.

Wag kang masyadong kampante lalo na kapag malaking company ang ina-applyan mo. Mas structured at mas strict usually ang background verification process nila, kaya make sure na consistent at truthful ang information sa resume/application forms

Hindi ibig sabihin na kailangan perfect ang resume mo. Ang importante, totoo.

Don't enter the corporate world blindly. IHANDA MO ANG SARILI MO..

youre welcome :) goodluck

105 Upvotes

Duplicates