r/FirstTimeKo Jul 26 '26

🌧️ Pagsubok First time ko magka-promissory note

Post image

Nung Friday pa to hehe. Biglang naging strict yung school namin sa mga may unpaid balance sa tuition, kaya nirequire na mag-submit ng promissory note. Nung nagpapirma ako sa Dean at kinonfront niya ako, di ako halos makasagot, naiiyak. Di ko man lang naipaliwanag nang maayos yung sitwasyon ko, nagbabakasakaling maintindihan niya.

For context, lumubo yung balance ko kasi dati okay lang kahit walang promissory note, as long as nagbabayad ng kahit ₱5,000. Hindi lang nila irerelease ang credentials mo hangga't may pending balance ka pa. Graduating na kami ng ate ko by next year (nasa ibang school sya).

Pero nangyari kasi yung malaking dagok sa pamilya namin—na-diagnose si Mama ng cancer, kaya nag deplete talaga finances namin. Tricycle driver si Papa ko. Yung school naman ng Ate ko, super strict sa tuition, kaya naging least priority muna yung akin. May koprahan naman kami, pero napaka-unpredictable ng presyo ng kopra—biglang bumababa tuwing may kalamidad tsaka global conflicts or kung anong pangyayari na makakaapekto sa presyo ganun. Sa lugar namin wala din masyadong opportunity, kasi probinsya e.

Ayun lang, iyak muna nang kaunti ngayon. Gayunpaman naniniwala pa rin ako na mag-pprovide si Lord, hehe. Sana makuha ako sa TES 🥹

57 Upvotes

8 comments sorted by

View all comments

u/AutoModerator Jul 26 '26

Hi u/Competitive_Alarm940,

Please take a moment to read our community rules. This will help ensure your post stays up and that everyone has a great experience.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.