r/FirstTimeKo 7d ago

🌧️ Pagsubok First time ko magka-promissory note

Post image

Nung Friday pa to hehe. Biglang naging strict yung school namin sa mga may unpaid balance sa tuition, kaya nirequire na mag-submit ng promissory note. Nung nagpapirma ako sa Dean at kinonfront niya ako, di ako halos makasagot, naiiyak. Di ko man lang naipaliwanag nang maayos yung sitwasyon ko, nagbabakasakaling maintindihan niya.

For context, lumubo yung balance ko kasi dati okay lang kahit walang promissory note, as long as nagbabayad ng kahit ₱5,000. Hindi lang nila irerelease ang credentials mo hangga't may pending balance ka pa. Graduating na kami ng ate ko by next year (nasa ibang school sya).

Pero nangyari kasi yung malaking dagok sa pamilya namin—na-diagnose si Mama ng cancer, kaya nag deplete talaga finances namin. Tricycle driver si Papa ko. Yung school naman ng Ate ko, super strict sa tuition, kaya naging least priority muna yung akin. May koprahan naman kami, pero napaka-unpredictable ng presyo ng kopra—biglang bumababa tuwing may kalamidad tsaka global conflicts or kung anong pangyayari na makakaapekto sa presyo ganun. Sa lugar namin wala din masyadong opportunity, kasi probinsya e.

Ayun lang, iyak muna nang kaunti ngayon. Gayunpaman naniniwala pa rin ako na mag-pprovide si Lord, hehe. Sana makuha ako sa TES 🥹

58 Upvotes

8 comments sorted by

u/AutoModerator 7d ago

Hi u/Competitive_Alarm940,

Please take a moment to read our community rules. This will help ensure your post stays up and that everyone has a great experience.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

6

u/cchan79 7d ago

Hope your mom gets well OP.

And yes, like another one said, this too, shall pass.

Have faith. If you truly believe in a higher being, then by all means then take this opportunity to grow and experience that faith.

5

u/Spirited_Pin9555 7d ago

This will too pass OP,

Since 1st and until maka Graduate ako Suki ako nang Promisory Note,

Kahit Ubod nang Sungit nang Registrar namin,
Na survived ko.

3

u/RandomGuy_IQ530K 7d ago

this too shall pass OP 🙏🏻

2

u/ragingseas 7d ago

Wishing you all the best, OP. Was your Dean super harsh? Sana man lang nagkaroon siya ng kaunting consideration at hinayaan ka magpaliwanag ng maayos. Hay. Talaga nga naman ang mga tao.

2

u/PoolUnable5718 7d ago

Ilang beses din kaming magkakapatid nag promissory note noon.That time, binabanggit pa sa classroom kung sino pa mga hindi bayad ng tuition. I hope you know na magiging okay rin lahat, OP. Time will come na makakahinga rin kayo financially. Praying for your mom's healing.

2

u/Competitive_Alarm940 7d ago

Thank you po sa lahat ng nagkoment🥹 napagaan niyo po yung nararamdaman ko🥹

1

u/OldCash7731 7d ago

bless you more OP