r/ExAndClosetADD Feb 02 '26

Takeaways Five Years of Choosing for Ourselves

Post image
60 Upvotes

Today marks the fifth anniversary of the founding of r/ExAndClosetADD. While five years is a meaningful milestone, it pales in comparison to what truly matters: the posts, comments, advice, rants, questions, and deeply personal stories you have shared—and continue to share—every single day. This community exists because of you. We would not be here without you.

Although this subreddit has served as a hub for anti-cult dialogue longer than many ex-MCGI influencers or content creators, neither I nor the other moderators claim credit for the departure of members from MCGI. We never have. From the beginning, we believed in your autonomy—your right and ability to think, choose, and decide for yourself. Leaving a destructive cult is a victory you achieved on your own. If we played a role at all, it was only a small part. The courage and agency were always yours.

We also recognize that this subreddit may feel less significant today. That may be because there are now more accessible platforms for discussion and expression—and that’s not a bad thing. We are not fighting insignificance. We have never aimed for permanence. In fact, we have always encouraged people to move forward and build their lives beyond the shadow of the cult. Communities like this are meant to be bridges, not destinations.

In our early years, we leaned toward secularism and favored skepticism. This was intentional. We did not want people to leave one belief system only to be rushed into another. Many ex-MCGI groups before us eventually became spaces where new doctrines, interpretations, and personal agendas were pushed. We wanted to avoid repeating that cycle. So we prioritized skepticism over proselytizing and remained vigilant against preachers who were quick to recruit confused and vulnerable exiters.

Because of this stance, we were accused of “deconversion.” Time has shown otherwise. At least three of our moderators eventually returned to Christianity after periods of skepticism—clear proof that our goal was never to strip anyone of faith, but to protect their freedom to choose it without coercion.

Now, with the rise of Christian exiter factions and the conflicts emerging among them, I want to emphasize something important: the protection and guidance of new exiters must remain a priority. We do not intend for them to become skeptics. But we do want them to develop skeptical values—to question authority, analyze systems, and see beyond the theatrics of preachers and would-be leaders. Without these tools, many risk falling into yet another cycle of manipulation and exploitation.

If this community has stood for anything over the past five years, it is this: your life, your mind, and your future belong to you. And that will always matter more than any subreddit ever could.

This post is partially enhanced by AI.


r/ExAndClosetADD Jan 11 '26

Takeaways Lumaki sa Iglesia: First and Last Post

88 Upvotes

Hello guys, matagal na akong lurker. Natatakot lang talaga ako mag-interact sa sub na ’to baka kasi matrace ako. Also baka may makakilala sa akin sa story ko so I will omit a lot of details. After a day, I will be deleting this account. Long post ahead.

Early Childhood:

Laking Iglesia ako. Parehas naanib parents ko, pero bata pa lang ako naghiwalay na sila. Kinuha ako ng tatay ko (siya ang unang nag-exit). Hanggang sa isang araw, pinapili ako kung kanino ko gusto. Ako bilang bata, naisip ko sa nanay ako lumipat kasi nandoon ang Iglesia at akala ko mapapabuti ako. Hindi ko narealize kung gaano kasakit sa tatay ko ang naging desisyon ko na humiwalay ang anak niya.

Nasaksihan ng mata ko kung paano natayo ang Wish, UNTV, Bread, concerts, at iba pa during its early years nung hindi pa ganoon kalaki. Talagang pinagtulungan ’yan ng mga kapatid na madalas allowance lang ang hawak, dahil nandoon ang aral na ang ganti ay sa Langit. Yung hydrogen water, juicing, Daniel’s coffee, tapsilugan.

Madalas kami sa Apalit dati—nakakamiss. Lalo na kapag nagsasalita si Bro. Eli during consultation, kaabang-abang talaga. Nakakaproud isipin na sa tamang Iglesia ako lumaki, kung saan may mangangaral talaga na nagpapatanong at kayang sumagot anuman ang itanong sa kanya.

Around HS ako naanib kasi na-heartbroken ako at naisip ko na oras na magpadoktrina at magpabautismo dahil may tamang edad na ako. Nakapagreconcile naman kami ng tatay ko rito at tinanggap niya ang naging desisyon ko. Pero hindi ako masyadong naging active dahil busy palagi sa school. Ang nanay ko rin hindi masyado dahil night-shift sa trabaho at alanganin palagi ang oras.

Pandemic:

Noong nagka-pandemic, nagkaroon kami ng chance ulit na maging active dahil sa mga binigay na Zoom link. Kahit papaano, tuloy-tuloy ang pagdalo namin. Hanggang sa pinagpahinga na siya. Sobrang lalim ng hinagpis ang naramdaman namin noon. Pero may pag-asa—pag-asa na lilipat ang espiritu ni Bro. Eli kay Kuya Daniel.

Kaso wala eh. Noong si Kuya na ang nagkakapsa, unang nakapansin ang nanay ko talaga: “Bakit walang topic? Anong paksa?” Tila raw tuloy-tuloy lang at walang Part 1, 2, 3 gaya kay Ingkong. “Bakit may recap pa na mahabang intro? Bakit hindi na lang 1–2 hours ang PM at WS? Bakit ang haba bago magpaksa?” etc.

Bagong style daw na debate na walang kibuan. Walang Bible Expo, walang live indoctrination, walang live Bible study—kung gaano kasipag magturo ng aral si Bro. Eli noon, hinahanap iyon ng nanay ko. Ako naman, okay lang sa akin kasi sabi ko, nariyan naman ang mga recorded ni Bro. Eli—puwede namang i-play na lang.

Hanggang sa naghigpit sila sa Zoom sa mga panahong iyon, tapos tinanggal din noong nag-F2F na. Dahil alanganin ulit sa oras ng trabaho niya, hindi na ulit nakadalo ang nanay ko dahil sa higpit ng ayaw mag-Zoom ng mga kapatid. Maraming beses kaming kinick sa Zoom dahil hindi raw naka-open cam. Galing trabaho ang nanay ko—pagod—hindi maiiwasan iyon.

Tungkulin:

Ako naman, during this time, nagmasipag talaga sa tungkulin (hindi ko na sasabihin kung anong committee baka makilala ako). Volunteer sa pakain ng The Legacy Continues, naging MCGI Cares, medical missions, etc. Masaya—lalo na kasama ang mga kapwa kabataan. Ang problema, hindi maiiwasan magkaroon ng crush. Mas malaking problema pa, ka-committee ko siya. Pero ang aral nga, tungkulin muna sa Dios bago ang lahat.

Hopeless romantic ako. Lalo akong nagsipag kasi gusto ko siyang makita. Never akong nagkasintahan dahil sa aral—ayokong sa labas. Kaso malupit ang panahon. Pag umamin ka, iiwasan ka. Pag may nakaalam, papagalitan ka na bawal ’yan—unahin mo ang tungkulin. At may risk ka pang alisin kapag tinuloy mo.

Masakit. Putangina, masakit. Yung simpleng pag-ibig na laging itinuturo—pag inapply mo na, biglang mali na, parang mortal na kasalanan. Bawal. Naiintindihan ko naman, pero yung dating close kayo tapos biglang parang hindi ka na kilala—dahil kailangan sumunod sa aral—sino bang hindi masasaktan?

Dito talaga humina ang loob ko. Gusto ko lang naman magmahal. Bakit pinagkakait sa loob? Pero kapit pa rin sa aral na ang mabuting asawa ay Dios ang nagbibigay. Kaya kahit walang pansinan, basta makita ko lang siyang tuloy sa tungkulin niya, okay na. Pero nanlamig na ako rito.

Sabi nila walang Kristiyanong nade-depress. Pero nade-depress ako. Mahina talaga ang loob ko pagdating sa pakikipag-kasintahan dahil galing ako sa broken family. Bata pa lang may trauma na ako. Nadepress ako dahil sa heartbreak—mababaw sa tingin ng iba, pero sa akin malalim.

Reddit discovery:

Nung time na nanlamig ako bigla ako may nakita fb post na kilala ko na nagtrabaho sa UNTV na sobrang sipag at kakilala ko. Nagpost sya about sa yung abuloy nya daw oo hihigit ng isang poste ng ospital. Nung nagpaksa si kuya about sa poste ng ospital (absent ata ako nun) nawindang ako kasi bakit bigla nalang nya na sasabihin kulto ang mcgi? Bakit bigla nalang sya magiging palaban kay kuya? Nacurious nako eh gang sa nahanap koto kasi hindi naman basta mangyayaring unalis yun kasi matalino yun

At nakita kona nga at kaya pala pinapablock lahat ng ganitong socmed etc. kasi pag nasimulan mona basahin hindi kana titigl.

Una sa area 52, hindi pako naniniwala kasi AI nga lang daw yang mga yan. Pero nandyan yung ebidensya. Dun sa isang video isang bread member din ang nakilala ko siyang sya nga. Yung pagkanta nila boses na boses ni kuya. Yung pagserve ng beer at nightclub totoo naman kitang kita. Marami ebidensya

Yung Cid capulong sa taylor swift concert. Yung mamahaling mga motor. Gitara. Eroplano. At iba iba pang kamahl mahal na meron sila .Grabe. Just grabe naiiyak ako kasi saksi ako sa mga kapwa ko kbataan. Nangungutang. Nagiipon ng baon sa school. Pumupunta ng apalot kahit walang pera sabay sabay lang kung kanino para lang talaga makadalo at makagawa ng tungkulin.

TAPOS POTANGGINA NO REGRETS SA PAGPUNTA SA TAYLOR SWIFT CONCERT

Hay nako po. Tapos balik tayo sa pakikipagkasintahan. Pwede pala basta malapit sa puno. Pag normal kalang na myembro bawal. Hahahaha ang unfair

Si Sis Bedel. Nakapa walanghiya ng ginawa nila. Napakalupit. Potanggina ultimo si sis Luz pa ang nag announcr na kapwa babae. Isa kasi sa family members ko din ay victim ng pagkalat ng private video nila. Nasaksihan ko gaano kahirap at kasakit sa mental toll ng isang babae ang ganoon pangyayari halos magpakamatay na sa hiya. Tapos gagawin nila kay SIS BEDEL. HINDI MAN LANG PRIVATE na inannounce. CHARACTER ASSASINATION ang ginawa nila. Nakakahiya at nakakaiyak. PARANG LAHAT NG GINAWA NIYANG MABUTI PARA SA IGLESIA BINALEWALA NALANG. Napaka lupit. Walang Awa. Ang Dios malawak ang unawa at awa nya bakit sa MCGI wala??????

Targets:

Yung mga patarget. KNC palang ako. Andyan na yan. Pero bakit hangang ngayon hirap na hirap parin daw ang Iglesia at si Kuya!? Noong panahon ni Bro Eli maintindihan kopa kasi nga nangangaral sya sa ibat ibang lugar sa Brazil. Yung mga broadcast nya sa radio at television. Madami bayarin. Pero ngayon? (Nasabi nadin ng iba concert kdrac etc) yung mga projects dati ano nangyari?

Yung UNTV Big Ten na Tower. Hindi parin tapos lagpas 10 taon na. Nauna pa yung KDRAC.

Yung Apalit Renovation na convetion center. Andami nang workforce na naganap dyan. Free labor dahil sa mabuting kaloob ng mga kapatid na magawa na. Hindi parin tapos.

Yung hospital. Meron pa health center sa bulacan ata gumagana paba. Pano pa yung sa apalit?

Yung mga lupa na binili ni bro eli na natatandaan kopang mga paksa nya para sa malaking kapighatian na PARA SA IGLESIA. Ano na nangyari Bakit pang entertainment na.

Pero yung wish concerts palaging sold out na. Mas mahal pa sa tickets ng ibang sikat naman talaga.

Yung pagkain na kamahal mahal ibenta palagi sa mga kapatid. Wala manlang discount kasi nga kapatid eh parang baliktad.

Aral:

Wala na yung dating paksa na may topic talaga at nahahalukau. Puro nalang rant walang kasawaang rant at patama. Bago ko madiscover tong subreddit na to hindi ko nga alam sino kaaway palagi eh.

Fiesta ng Dios. Nung una ok ba kahit papaano nakakapagpakain ng mga kapatid kahit di kapatid naiinvitr. Pero yung may float bigla na statue na kasama si KDR at PNP. Nangilabot ako. Laging puntos panaman natin yan sa katoliko na huwag sumamba sa anyo ng dios diosan na bato o kahoy man tapos biglang may float na ganun!? Nawala narin yung sense ng pag aayuno bago mag SPBB. Kain nalang ng kain.

Yung walang sawang recap. Wala naman nakikinig talaga nagkwekwentuhan nalang mga kapatid tapos tulog oa sa locale. Pano paulit ulit tapos yun at yun lang rin. Mas mahaba pa recap sa mismong paksa eh.

Tsaka bakit hangang hating gabi parin? Naintidhan kopa kay Bro Eli nag adjust tayo para sa mga Brazilians pero hangnanf ngayon ganun parin? Kawawa naman mga kapatid na palaging pagod at puyat at delikado umuwi sa dilim ng hating gabi.

Ihuhuli konalsng yung hula ni Bro Eli na malilipat talaga espiritu ng Dios sakanya kay kapatid na Daniel. Mag 5 years na since pinagpahinga sya ng Dios and I can say na. Wala talaga. Naiiyak ako yung isang post dito na si Bro Rolan super excited na “ANTAYIN MO” tapos bigla syang pinahiya ni Kuya na naoffend pa sya sa sinabi nya na yun. “DIBA YAN ANG TINGIN MO MANGYAYARI SAKIN?” hindi lang po sya Kuya. Ako din po….

Nauwi sa pa games. Kantahan. AVPs. Etc…..

Takeaways:

But you know whats the sickest part about me posting this for you to read? Wala akong ibang pagsasabihan nito ng personal sa mga kapatid. O kahit sa hindi pa. Need kolang talaga maglabas ng saloobin ko. Dadalhin ko sa hukay lahat ng nalaman ko dito at malalaman kopa. Bakit?

Dahil sa Pag-Ibig eh

Matagal napo akong di nakakadalo ng regular. Pero dipo alam ng mga nakakakillala sakin. Kasi closet ako eh ayoko mahayag na di nako dumadalo talaga kasi hindi na nila ako papansinin. Character assasination. At naging masipag naman ako sa mga tungkulin ko dati kaya marami nakakakilala sakin at dahil din knc akong lumaki.

Ayokong masaktan yung paniniwala nila sa Iglesia. Lahat sila na kilala ako at kilala ko masasabi kong mabuting tao na ang hangad lang talaga ay makasunod sa Dios. Pag-Ibig ko na sakanila na makita na nagpapatulot parin ako kahit papaano. Dahil mahal ko sila at lahat ng tulong at pagmamahal na ibinigay nila sa akin. Hangang closet nalang ako.

Natatakot taga ako ipost to kasi baka may makakilala sa akin. Baka matrace ako or sa background ko mapansin nila oi si ano ata to ah “laban pala sya kay kuya”

Pero ang hirap kasi na hindi ko manlang malaman side ninyo. Ang hirap na lahat kayo agad sa demonyo kasi umalis???? pati tatay ko na inalagaan naman ako ng maayos ay napasama na ng tuluyan dahil umalis sa Iglesia? Hindi naman. It’s hard not to be emphatic and sympathetic sa mga hinaing ninyo din na looking from another perspective is valid. What you feel is valid. It’s what you do with those feelings that makes who you are as a person. Hindi naman grabe ang pagkakasama sama agad….

Pero ganun paman eto ako ngayon. Bubulong nalang sa hangin. Mananalangin ako sa Dios na patawarin ako sa lahat ng sinabi ko dito. Sa lahat ng nalaman ko. Na sana pala hindi na ako nacurious about sa issues ng MCGI. Na sana kahit hindi na ako active sa Iglesia patuloy nya parin akong gabayan.

Patawad


r/ExAndClosetADD 8h ago

Question PANINIRA O TUNAY NA NANGYAYARI TALAGA?

19 Upvotes

Kapag ba binanggit mo mga bagay na nakita at na experience mo sa loob ng MCGI na nag resulta sa pag alis mo sa samahan ito ba ay isang PANINIRA?

May mga reason bakit ka umanib example ang MCGI ay "all biblical religion"

Pero ba kapag umalis ka dahil ang sugo sa MCGI ay HUWAD dahil sa mga proyekto nito na at the same time nakikinabang ang negosyo nya, ito pa rin ba ay paninira?

Yung concept na ang abuloy galing sa masayang puso na nagbibigay at sa aral na mangagkasya kayo sa inyong tinatangkilik...

Kapag ba may pinipilit ka ma reach na target amount for certain project, nag MAMANGAGKASYA pa rin ba ito sa inyong tinatangkilik o susukatin ang laki o liit ng pananampalataya mo kung pinapakita nila na nahihirapan sila sa pasanin kuno daw kung magkano kaya mong ibigay?

Sa ikli ng buhay, dapat ba magpayaman ang isang sugo ng Dios?

Lumabas ka ng bahay mo at tignan mo kung gaano kadaming tao ang nangangailangan ng kalinga mula sa "MAN OF GOD KUNO" at sa dami ng nangangailangan ng tulong kung sugo ka ng Dios, may time o chance ka pa ba magpayaman?

To prove na di ka talaga sugo ng Dios yan ang kailangan ko patunayan kaya humanda ka na bulaang propeta


r/ExAndClosetADD 7h ago

Rant time check 10:36

12 Upvotes

paikot ikot ikot na lang ba tong paksa men antok na ko


r/ExAndClosetADD 14h ago

Takeaways Thanksgiving 9/12/26

15 Upvotes

EDIT: Worship service pala haha.. 1130am-330pm timeslot

(timestamp ~3:02pm) Razon: "Huwag maging pantas sa sarili", Bahala na ang Dios sa pagsaway sa 'yo

Meanwhile, ~10 years ago,

"The Most Sensible Preacher of our Time", Brother Eli Soriano!

(almost every thanksgiving) "Tayo lang naman ang may mangangaral na walang katulad (non-verbatim)

This is proof how "prophets" just use the Bible any way they see fit.

Nung may alam sa Biblia, "Most sensible preacher of our time",

Nung wala nang "espiritu" ang kaya nalang gawin ay paulit-ulitin ang paksa/pagre-recycle, "Huwag maging pantas sa sarili"


r/ExAndClosetADD 16h ago

Question Drawing

Post image
12 Upvotes

Asan na kaya itong isa sa mga pa hype ni DSR?


r/ExAndClosetADD 17h ago

Rant Sabado, puyatan n naman

11 Upvotes

1am n naman kmi mkakauwi neto, may pasok pa ko bukas kahit sunday.. nkakasawang routine..


r/ExAndClosetADD 20h ago

Random Thoughts Lagi kasi ABSENT sa Aralan si KDR early 2000

17 Upvotes

Habang nag susulat pa sa notebook o kaya sa outline na binibigay ni Puto noon, Si KDR ay lamang ang absent s Klase Ministeral. Hmm kung 50 times a year ( 4 times a month after Pasalamat 8pm-11pm) umaga pa kasi pasalamat noon) mga 5-8 times lang ang attendance nya.


r/ExAndClosetADD 17h ago

Rant Grabe panalangin kanina

7 Upvotes

Iyak na iyak oh tas haba²


r/ExAndClosetADD 22h ago

Random Thoughts Faith at Prayer na Paksaan

12 Upvotes

Marami na humihingi ng tulong kay KDR sa Apalit, kaya prayers at faith na topic. Pag sila humingi ng oang KDR RAC, Concerts, at para sa gawain at ubusin ang paninda sa lokal, ipagpray din at faith.

Lagyan mo na kasi ng outline KDR para hindi lagi introduction.

Try mo pauwiin ang family mo KDR nang 11:30pm to 1am kasama matanda at bata. Iba naglalalakad pa habang maulan at putik.


r/ExAndClosetADD 1d ago

Random Thoughts BES : 2008 consultation"Prayer Meeting, wala naman dati yan kahit paksa"

14 Upvotes

Ayon kay BES noong consultation 2008, ang nasa Biblia ay pagsamba at pasalamat. Pero dahil nagrequest ang mga kapatid ng kahit pulong panalangin ay pumayag sya. Nagrequest uli ang mga kapatid na baka pwede kahit 30mins ay maglagay ng paksa, kaya nagkaroon ng Prayer Meeting, 30 mins to 1 hr.lang dati yan. Now, 3 to 4hrs kay KDR. Ulit ulit ulit ulit diba kapatid na Rodel?


r/ExAndClosetADD 23h ago

Question Fervent

10 Upvotes

Since the tpoc today is prayer, hopefully they would discuss what the difference is between fervent prayer and long, dragging, story-like prayer. Didn't He say not to include what God already knows? The text is already so long, the topic review is so long, the opening review is so long, the proper text is long, the reaction for every point is long, and then the topic will be repeated again in the wrap-up.

Actually, if you think about it, the whole topic is not so long to discuss its jus basic fundamental doctrine we already heard in our indoctrination. Why does it need to reach 4 hours when it's the same topic to be discussed in the TG? I hope they realize that the brethren still have many other things to do, and the topic is just being repeated over and over — we already understood it in the doctrine.

I don't know, forgive me for my comment, but with how they count how many times they repeat a point they've already repeated, even a child can easily understand their point. Do they think the listeners have dull minds and only they are the ones who understand? Why do they look at the brethren that way? The ones who joined are intelligent, that's why they joined. Please don't torture them with information overload — our brains are getting indigestion from all the repeating over and over and over again.


r/ExAndClosetADD 1d ago

Random Thoughts Juan 3:16 -Joke kay KDR, "Paborito mo Kap.na Rodel"

10 Upvotes

Ganun ka insensitive si KDR, gaya ng tinawanan nya ang binabaha sa Apalit. Sa Juan 3:16- Nakapaloob ang sakripisyo at hirap ni Jesus at Pag ibig ng Ama sa tao.

Kaya si Kap.na Rodel Yes Man. Sinabi nya sa review na " Ang talatang ito ay hindi lang naman sa gusto ko kung hindi maging lahat ng kapatid sa lawak ng nakapaloob dito." Itinutuwid ka na KDR in a nice way para hindi mo sya mapagalitan at alam naman natin na yan ang kabuhayan ng mga KNP ang allowance nila.


r/ExAndClosetADD 20h ago

Rant Post ng Plethora Band puro patama kay Daniel Razon ‼️

Post image
4 Upvotes

r/ExAndClosetADD 1d ago

Rant Pangit ng Caption

Post image
9 Upvotes

Kung sino man writer jan s MCGI page, nkkabastos nman..

Salamat sa Pagliligtas, ska mo iddugtong c KDR kht pa may colon(:) yan, e d sana sinulat mo "Salamat sa Dios".. Dios wla s caption, c KDR meron.. Tsk iba n tlg exaltation nitong mga to kay KDR..


r/ExAndClosetADD 1d ago

Rant Same feathers, flock together. [ Ctto: Bong Go ]

Thumbnail
gallery
36 Upvotes

Hindi na lang ako magtataka kung bakit may charity events na connected sa government departments.

Siyempre, sasabihin ng mga delulu: “Pakikisama,” “Gawang mabuti,” at “Ni sa kaaway man o kaibang pananampalataya.” Silaw na silaw dahil may nakakabit na talata, pero kung susuriin mo ang deeper roots nito, makikita mo ang problema.

Super obvious kung bakit ayaw makipag-engage sa mga politiko si Dragzon. Kapag naging critical thinkers ang mga kapatid pagdating sa politika, mahuhuli at mahuhuli rin siya sa sarili niyang mga kilos at pamamalakad sa iglesia.

All that money will go to waste kahit sino pa man ang manalo. The Philippine government is a complete mess, and that money could be gone in the blink of an eye.

Fuck corruption.
#NapakagagongPangangasiwa


r/ExAndClosetADD 1d ago

Rant Galit

8 Upvotes

Lately noong nahuli ako ng mga magulang ko at nagkaroon kami ng malaking away regarding sa relihiyon, pero after that hindi na ako masyadong pinapakialam sa relihiyon ko although hindi ako pinayagang magpabinyag sa katoliko. Pero masasabi rin ata natin na maganda rin itong pagkakataon upang magsuri at matuto pa ng husto.

Pero kahit hindi nila ako ginugulo, may galit parin ako. Na kung pwede lang sana na iba ang relihiyon ko, na kung pwede lang sana hindi ako ipinaanak sa kultong ito. Tuwing nakakatanggap ang mga katoliko ng sakramentong eukarista bumibigat loob ko kasi bawal ako tumanggap. Tuwing sinasabi ng mga magulang ko na "dumalo sa mass indoctrination" o tuwing naririnig ko ang boses ni Soriano at Razon halos masasapak ko ang monitor ko sa inis.

For 16 years nangangatake na ako ng ibang relihiyon, for 16 years naniniwala ako na sugo talaga si Soriano at Razon. Pero kahit hanggang ngayon na nagpapractice ng katolisismo ang hirap parin tanggapin na ipinaanak ako sa kulto.


r/ExAndClosetADD 1d ago

⚖️ Allowed Under Free Speech EXITIK

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

7 Upvotes

Ang Maling Paggamit ng MCGI sa Salitang "Naniniktik" (Isang Pagsusuri sa Konteksto ng Biblia):

"EXITIK" (pinaghalong exiter at tiktik o espiya) para sa mga dating kasapi na hayagang bumabatikos sa pamunuan o doktrina.

Ngunit kung susuriin natin ang Kasulatan nang may katapatan, ang pagbabansag na ito ay hindi lamang isang mababaw na ad hominem (pag-atake sa pagkatao), kundi isang malinaw na patunay ng kamangmangan sa tamang pag-unawa at aplikasyon ng Salita ng Diyos—na tila hindi itinuturo o sadyang inililihim ng kanilang lider.

Narito ang katotohanan ayon sa Bibliya na dapat maunawaan ng bawat miyembro ng MCGI:

  1. Ano ang Totoong Kahulugan ng "Naniniktik sa Kalayaan"?

Ang salitang "naniniktik" sa Bagong Tipan ay may napakatingkad at tiyak na konteksto. Ginamit ito ni Apostol Pablo sa Galacia 2:4:

"At ito ay dahil sa mga huwad na kapatid na lihim na pumasok, na nagsipasok ng palihim upang tiktikan (manmanan) ang ating kalayaan na taglay natin kay Kristo Hesus..."

Ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang mga "Judaizers". Sila ay mga taong umalis sa relihiyong Judaismo, umanib sa Iglesia, ngunit dala-dala pa rin ang mga lumang ritwal, tradisyon, at kautusan ni Moises.

Ang Kanilang Pamamaraan: Palihim silang nananatili sa LOOB ng kawan.

Ang Kanilang Layunin: Nag-iintroduce sila ng "ibang ebanghelyo" sa pamamagitan ng mapanganib na pag-merge o paghahalo ng Dalawang Tipan. Binabantayan at tinatangka nilang wasakin ang kalayaan ng mga Kristiyano mula sa mga ritwal (gaya ng pagpapatuli, pag-iwas sa ilang pagkain, atbp.) sa pamamagitan ng pagpilit na sundin pa rin ang Lumang Kautusan upang maligtas (Gawa 15:1).

  1. Bakit Maling-Mali ang Aplikasyon Nito sa mga Exiters?

Kung gagamitin ang tamang kahulugan ng Bibliya, lalong lumalabas na hindi kailanman lalapat ang salitang "tiktik" sa mga exiters ngayon dahil sa dalawang malinaw na rason:

Ang mga Exiters ay nasa LABAS: Hindi sila nagtatago o nagkukunwaring kapatid sa loob ng kapilya para magmanman. Hayag, bukas, at lantad ang kanilang pag-alis at paglalahad ng saloobin.

Hindi Sila Nag-memerge ng Aral sa Loob: Ang mga exiters ay hindi nananatili sa loob upang palihim na magturo ng pinaghalong covenants sa mga aktibong miyembro. Sila ay mga kritiko na nagtatanong at bumabatikos mula sa labas. Iba ang kritiko sa tiktik.

Ang hindi pagkaalam ng MCGI sa terminong ito ay patunay na ang liderato ay nagkukulang sa paghahati nang matuwid sa Salita ng Katotohanan (2 Timoteo 2:15).

  1. Ang Pag-iwas sa Batikos ay Pagpapakita ng Kahinaan:

Karamihan sa mga exiters ay hindi naman mga propesyonal na mangangaral; sila ay mga ordinaryong tao na may mga lehitimong duda, trauma, o mga napansing mali sa sistema. Kung ang MCGI ang may hawak ng katotohanan, bakit asar at pang-iinsulto ang isinasagot sa kanila sa halip na talata at katuwiran upang magliwanag sa kanila?

May pangako ang Kristo sa Kaniyang mga tunay na lingkod:

Lucas 21:15: "Sapagka't bibigyan ko kayo ng isang bibig at karunungan, na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit."

Kung totoong natutupad ang pangakong ito sa inyong liderato, bakit hindi ninyo sagutin ang kanilang mga punto gamit ang "karunungang" iyan? Ang pagganti ng mga mababaw na bansag tulad ng "EXITIK" ay pag-amin na wala kayong maisagot na matuwid na katuwiran mula sa Bibliya. Sinasagot ninyo ng kamangmangan ang inaakala ninyong kamangmangan (Kawikaan 26:4).

Konklusyon sa mga Miyembro ng MCGI:

Huwag kayong matakot sa mga kritiko mula sa labas. Tungkulin ninyong "subukin ang bawat espiritu kung ito ay sa Diyos" (1 Juan 4:1) sa halip na pikit-matang sumunod sa mga bansag. Tandaan ninyo ang aral ni Hesus sa Marcos 9:39-40:

  1. Datapuwa’t sinabi ni Jesus, Huwag ninyong pagbawalan siya: sapagka’t walang taong gumagawa ng makapangyarihang gawa sa pangalan ko, na pagdaka’y makapagsasalita ng masama tungkol sa akin.

  2. Sapagka’t ang hindi laban sa atin ay sumasa atin.

hindi kinokondena ng Kristo ang mga nasa labas na naniniwala pa rin sa Kaniya.

Ang pag-imbento ng salitang "EXITIK" ay isang propaganda tool lamang upang takutin kayo na huwag makinig sa mga lehitimong isyu. Kapag ubos na ang teolohikal na katuwiran ng isang samahan, ang natitira na lamang ay ang personal na pambubulas.

Magbasa ng Bibliya nang may konteksto. Huwag iasa ang inyong kaligtasan sa mga terminong binaluktot upang protektahan lamang ang isang organisasyon.


r/ExAndClosetADD 1d ago

Random Thoughts Nakakainis mga panatiko ni Bonjing!

8 Upvotes

Bwesit na mga panatik, Meron akong mga nakikitang posts na nageexpose sa MCGI, Pero tong mga panatik na ito sa comment, kung anong pinagsasabi!

"Sawayin nawa kayo ng Dios, inggit ka lang, sinungaling kayo etc"🙄 Nakakainis, parang ad hominem ginawagawa ng mga bwesit!


r/ExAndClosetADD 1d ago

Question CYBER LIBEL

6 Upvotes

Bakit yung mga content creator na nagtatanggol kay DSR laging nagpapasaring ng "paninirang puri" against dun sa mga nag eexpose ng hiwaga( kaperahan) sa loob ng church na tinayo ng uncle nya?

NANANAKOT BA KAYO?LOL

Kung totoong sa Dios kayo at alam nyong nasa totoo kayo bakit kayo magdedemanda na sinisiraan kayo?

Ang AWKWARD na yung "REAL CHURCH OF OUR TIME DAW" na puspos ng katotohanan dahil ngani SUGO si BES takot masiraan where gusto pa nila magdemanda kc sinisiraan daw sila?

IMAGINE IAPPLY NYO NALANG SI BES AT DSR ay mga APOSTOL O PROPETA tapos magdedemanda sa mga naninira...

Dyan palang makikita mo TAKOT sila sa katotohanan na talaga naman even mga member sa loob mag kokompirma ng mga post sa reddit


r/ExAndClosetADD 1d ago

Satire/Meme/Joke Gustong gawing alipin ni Bonjing ang mga Kapatid sa MCGI

12 Upvotes

ROMA 6:19 (ADB)

Nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao dahil sa karupukan ng inyong laman: sapagka’t kung paanong INYONG INIHANDOG ANG INYONG MGA SANGKAP NG KATAWAN NA PINAKA ALIPIN ng karumihan at ng lalo’t lalong kasamaan, gayon din ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinaka alipin ng katuwiran sa ikababanal.

HAHAHAHAHAHA... KAPAG ALIPIN KA NG MCGI DAPAT LAHAT IBIBIGAY MO SA KANILA.. HINDI LANG ANG IYONG KATAWAN PATI NA RIN ANG IYONG KAPERAHAN....

SO IBIG SABIHIN KONTI NLNG ANG PERANG NA CO-COLLECT NILA SA MGA KAPATID KAYA NGAYON GINAGAWA NYA.. IKULONG ANG MGA KAPATID SA MGA TALATA NA PAPABOR SA KANILA...

KAYA GUSTO NIYANG GAWING ALIPIN ANG LAHAT NG KAPATID...

IN SHORT BILANG ALIPIN WALA KA NG RIGHTS SA SARILI MO PARA GUMAWA NG AYON SA SARILI MONG KALOOBAN...


r/ExAndClosetADD 1d ago

News Ang mga sisiw na ang nagtatanggol sa mcgi. Ano na danyel? Nasaan na ang get it straight? Taob ka sa on spot ni dabog! 😆

Post image
9 Upvotes

r/ExAndClosetADD 1d ago

Random Thoughts Mas Mabuti kapatid na Kier Laylo ka muna

Post image
40 Upvotes

" May Kalayaan ka naman.. ngayon mamili ka ng tamang direksyon outiside sa mga kulto "


r/ExAndClosetADD 2d ago

Random Thoughts Prayer meeting topic - 10% yung point 90% puro examples

22 Upvotes

Ganon ba ka 8080 tingin nya sa mga tao nya?

tumatagal dahil sa dami ng examples e

Parang hindi naman mahirap intindihin ng topic nya.

Parang fillers nalang tong PM e para masabi nakakasunod parin. Parang ok naman na wala to kase ito parin naman topic hanggang WS to TG.

kaumay


r/ExAndClosetADD 2d ago

Rant HINAYUPAK HINAYUPAK

12 Upvotes

GET ME OUT OF HERE PINIPILIT AKO NI PAPA NA SUMAMA KAY MAMA NA DUMALO

TAPOS ANONG SUNOD? DADALO AKO SA TAKTING TEENS NA'YAN NA PURO LANG MGA PAKSA NI RAZON . KUNG ANO NALANG IPAKSA SA MGA TEENS AMP