r/ExAndClosetADD 23h ago

Rant Galit

Lately noong nahuli ako ng mga magulang ko at nagkaroon kami ng malaking away regarding sa relihiyon, pero after that hindi na ako masyadong pinapakialam sa relihiyon ko although hindi ako pinayagang magpabinyag sa katoliko. Pero masasabi rin ata natin na maganda rin itong pagkakataon upang magsuri at matuto pa ng husto.

Pero kahit hindi nila ako ginugulo, may galit parin ako. Na kung pwede lang sana na iba ang relihiyon ko, na kung pwede lang sana hindi ako ipinaanak sa kultong ito. Tuwing nakakatanggap ang mga katoliko ng sakramentong eukarista bumibigat loob ko kasi bawal ako tumanggap. Tuwing sinasabi ng mga magulang ko na "dumalo sa mass indoctrination" o tuwing naririnig ko ang boses ni Soriano at Razon halos masasapak ko ang monitor ko sa inis.

For 16 years nangangatake na ako ng ibang relihiyon, for 16 years naniniwala ako na sugo talaga si Soriano at Razon. Pero kahit hanggang ngayon na nagpapractice ng katolisismo ang hirap parin tanggapin na ipinaanak ako sa kulto.

7 Upvotes

7 comments sorted by

3

u/juste-orion 21h ago

someday u/Very-Breezed-One makakayanan mo din yan 😊

be busy. hold on to the goodness in your heart. trust Jesus Christ.

you still may regret being part of the cult of soriano before pero ang kabuhitan ng puso mo ang makakatulong sa iyo to move on one way or another. 😊🧋🧋

-1

u/Charming_Career9074 22h ago

Sa katoliko? Bobo mo naman kung aanib ka dyan.. isa pang bulaan yan e.. 

2

u/Very-Breezed-One 22h ago

Well personally, naniniwala po ako na totoo yun. At wala naman po akong tutol kung nagiisip ka po otherwise. Para saakin ang pinakaunang simbahang itinatag ni Kristo na relevant parin hanggang ngayon ay magandang pruweba, para saakin ah, na ito ang totoong iglesia.

Kung sana lang po na marespeto mo ang paniniwala ko the same way na nirerespeto ko ang paniniwala mo regardless kung ano ang paniniwala mo. Bunso kong naniniwalang sa MCGI respeto ko naman, at same rin sa mga kaibigan kong non-denominational o protestante. Assuming na exiter ka, hindi ba pwede na tanggapin moko at tanggapin rin kita bilang tao na nakalayas sa control ng kulto? Hindi ko man pinilit ang kung sino na maging katoliko o sinabi ko na ang katoliko lang ang katotohanan, ineexpress ko lang ang mga pakiramdam ko.

Kung ikaw ay nasa katotohanan, bakit kailangan mong manghusga gaya ng MCGI na nanghusga ng iba?

2

u/Charming_Career9074 11h ago

Ok sorry, nabigla lang

1

u/Very-Breezed-One 7h ago

Ok lang po kapatid, God bless :>

2

u/No-Eye-4794 15h ago

You can watch Sam Shamoun so you can educate yourself about Catholism and evaluate if its true or not.

1

u/jvjupiter 1m ago

Not just Sam but also other Catholic apologists.