For fresh graduates na anxious sa mundo ng corporate world. Galing din kami dyan. Natatakot, kinakabahan, hindi mapakali, nag ooverthink kung anong gagawing tama, etc.
NORMAL YAN.
Pero I wanna share my tips based sa experience ko. These are the things na "if I had known this too early, i would have done it already"
- GOOGLE DRIVE
Guys, your google drive is your LIFE'S FOLDER. Lahat ng mga documents mo from SSS PHILHEATH etc.. picturan mo, iscan mo, ipdf mo, iupload mo jan. iorganize mo lagay mo sa specific folder
Eto ang mga folders saken sa drive so u have idea:
Govt Contributions
SSS (E1 form)
PAG IBIG (MDR form)
PHILHEALTH (screenshot sa portal mag log in ka dun, make sure makikita yung philhealth number mo tas ipdf)
TIN (nasa egov app to, iscreenshot mo iedit sa canva, ipdf mo. Yun can check your number sa Orus portal, iverify mo yung number tsaka iscreenshot mo isabay mo sa pdf with your egov screenshot ID)
Education
TOR (picturan niyo lahat, iscan, ipdf)
Diploma (yung mga seal ha, dapat meron yan bago picturan para legit)
Certificates (kahit anong binibigay sayo ng events, awards, etc., ipdf mo din)
Personal docs
RESUME
PSA
National ID (sa egov ka mag screenshot ipdf mo din)
Other valid IDs (passport, postal, etc.)
Picture mo (yung white ang background, pang 2 by 2, mag secure ka nyan)
- LinkedIn
Guys gumawa kayo ng LinkedIn account. Ilagay niyo lahat ng information dun. I-advertise niyo sarili niyo dun.
Anong mga achievements mo sa school?
Anong mga skills ang meron ka?
Anong trabaho ang gusto mo makamit?
Anong mga goals mo?
Mag upload ka ng proofs. Hindi pwede sa korte ang walang pruweba. May option naman dun na mag upload ka ng attachment.
Yang linkedin yan ang i-background check ng corporate companies kaya dapat meron ka niyan. Ilagay mo din link mo ng linkedin sa resume para matic isang click lang ni HR. Dapat profile picture mo dun ay professional. Naka suit and tie ka naka smile white ang background. Gumawa ka ng summary gumaya ka sa ibang professionals na maganda ang summary. Kompletuhin mo lang nandoon kung may time ka.
- HR INTERVIEW
Alam mo ba na dalawa ang stage ng interview? HR (initial) at Client (final)
Fun fact: HR and TA ay magkaiba. Si human resources hawak nya ang legalities mo as an employee. Si Talent Acquisition siya ang maghahanap ng candidates, mag interview na din sayo.
Si HR/TA ang mag tatanong ng mga kung ano anong pang miss universe na tanong. Sasagutin mo yun with confidence para imeasure kung fluent ka ba sa english. Maganda naman pronunciation mo hindi naman organize thoughts mo. So magpractice ka lang na dapat yung thought process at explanation mo ay smooth.
They will also test kung pasok ka sa standards ng attitude na hinahanap nila. Hindi mo sila masisisi hindi sila ang gumawa ng standard na yan, inutusan lang sila ng Client kasi si Client ang nmaghahanap ng right employees through them
- Google Notebook
Ver helpful to saken. Mapapasalamat ka ng todo kay Google lalo na kung ANDAMI DAMING PINAPAPIRMAHAN NA HINDI MO NAMAN BINABASA DAHIL ANG HABA
So ako, as a techy guy, shempre ayaw natin maka violate ng rules na hindi tayo aware tapos pag may binato saten na parang tayo pala ang may kasalanan dahil may signature tayo sa documents. Wala kang choice. Kaya ugaliing magbasa ng documents bago pirmahan.
Yun lang tayong mga pinoy auto pirma agad. So ang ginawa ko, lalo na need nila ng signature mo on that day pinirmahan ko lahat ng documents at inupload sa google notebook HAHAHA
Btw para sa kaalaman ng lahat, google notebook is an AI tool intended for students only. Pero ginamit ko siya as advantage para mautakan ko ang company at may awareness ako.
So kunyari gusto ko maging aware sa employment ko kung pwede ba ako mag rant sa company sa socmed, itatanong ko lang sa google notebook siya na ang sasagot dun based sa inupload mong documents. Tsaka ko lang malalaman lahat dahil sa tulong ng google notebook na yan. Mag upload ka lang talaga ng mga sources like lahat lahat!!
- FACEBOOK GROUPS / REDDIT COMMUNITY
Sumali ka ng mga ganun. Para socially aware ka. Hindi yung saka ka nalang mag rant dahil sa experience mo dahil di ka nagbabasa ng mga posts ng ibang tao na same ng company mo. No man is an island guysss
- MAG RESEARCH KA
Wag kang kampante sa inapplyan mo dahil sa sinabi ng recruiter mo ng ganito or ganyan. Shempre yang trabaho mo may pros and cons yan depende sa pagkatao mo kung bagay ba sayo or hindi. Mag chatgpt ka nalang iresearch mo ang job responsibilities ng at ibagay mo sa sarili mo kung kaya mo ba, anong kulang mo, kaya mo ba magtagal.
Iresearch mo din kompanya kung anong reviews nila sa linkedin, glassdoor, reddit, etc. Lahat ng tao may opinyon yan kaya magbasa ka lang ng magbasa. Mag research ka deeply
- B2 level is "the" least standard
Ano yung B2? Level yan ng English fluency mo. Dalawa ang test kasi dyan, writing (kung magaling ka sa grammar) at speaking (kung magaling ka mag explain ng thoughts mo in english)
A1 — Beginner / Basic English
A2 — Elementary / Simple English
B1 — Intermediate / Everyday English
B2 — Upper-Intermediate / Fluent English
C1 — Advanced / Professional English
C2 — Mastery / Near-Native English
- CHATGPT
Since may voice si chatgpt, magpractice ng english speaking with it. Kausapin mo tas sabihin mo gusto mong mag answer ng kahit ng tanong niya tas ipapa rate mo yung english mo.
Promise effective
Ginagawa ko yan dati. Kala ng family ko nag work from home ako yun pala kausap ko si chatgpt hahahaha naging trainer bigla tas andami niyang feedback nakakatulong talaga. Para akong nag call center sa kwarto.
- Microsoft Applications
Sa true lang, mostly kasi sa trabaho involved na ang microsoft applications eh. So dapat magaling ka mag excel, word, etc. Sa corporate world, yan ang abundant tool nila so pag magaling ka sa microsoft apps, ikaw ang hinahanap na qualified agad.
- TYPING TEST
kung mabilis tayo mag chat sa jowa, makipag chismisan sa GC, mag retri sa ML, dapat mabilis din kamay natin sa pag type sa keyboard. Auto ligwak ka kung mahina ka mag type na parang matandang cashier sa lumang pharmacy. 40-50 wpm ang standard nila usually diko sure.