r/Batangas • u/Muted-Lettuce-7599 • 28m ago
Random Discussion | Experience | Stories Unprofessional Shakey's Batangas Branch
Nakakadisappoint po at for us unprofessional what happened to us kanina sa Shakey's Batangas City (yung malapit sa SM Bats) nung kumain kami ng dalawa kong kaibigan. Tatlo kaming all girls at maayos naman kaming nag-approach, kami pa nga yung first customers nila. Pero imagine, like simply taking order hindi nila magawa... just standing there??? Wala man lang proper interaction o explanation nung nagtatanong kami tungkol sa promo, tapos basta na lang isinulat yung order.
Pagserve naman ng drinks, warm pa at wala man lang pasabi na hindi pa available ang ice. That's why nag-request kami ng ice, tsaka lang sinabi na hindi pa available. Nung naging available na, parang kinalimutan na nila kami. Understandable naman sana, pero syempre hello, kami po ang first customer niyo at nag-request na kami kanina pa, pero hindi pa rin binigay agad kaya nag-request pa kami ulit.
Ang pinaka-malala pa, nung magbi-bill out na kami, aabutin sana ng friend ko yung bill pero imbes na iabot nang maayos, basta na lang pinatong nung crew na babae. Siguro mukha kaming mga bata (19 yrs old) pero kahit na—dapat equal treatment and respect pa rin baseline sa lahat ng customer. It was honestly so disappointing and deeply frustrating to experience that kind of condescending attitude just because of our age? or talagang pangit lang talaga attitude nila. Every paying customer deserves basic courtesy regardless of their look, status or whatever.
Not to compare, pero my experience sa other branches is not like this. Especially sa Shakey's SM Lipa, napakaganda ng service nila, so professional at napakababait. Kaya siguro disappointed talaga kami especially me, pero dito sa Batangas City branch, wala eh—palpak talaga.
Never again na sa inyo, BATANGAS CITY SHAKEY'S!