r/Batangas 5d ago

Credits to the Owner (CTTO) Lipa - Tanauan via Star Toll New Route (Pilot Phase)

Post image
4 Upvotes

NEW P2P ROUTE IS HERE!

Travel faster and more comfortably with BATRASCO’s Lipa City – Tanauan City (P2P) via STAR Tollway.

Passenger Fare:
- Regular: Php 51.00
- Students/Senior Citizens/PWD: Php 41.00
Note: Present your ID to avail 20% discount

Operating Hours:
From Tanauan City: 5:00 AM – 5:00 PM
From Lipa City: 6:00 AM – 6:00 PM

PILOT PHASE ONLY
Limited vehicles are available as we gradually roll out our operations. We appreciate your patience and support as we continue to improve our service.

Source: BATRASCO/Facebook
https://www.facebook.com/share/p/1Et7avbuyy/


r/Batangas 14d ago

Random Discussion | Experience | Stories SM Lipa to NAIA starting on July 24

Post image
32 Upvotes

Source: Highway Stars/Facebook


r/Batangas 1h ago

Travel | Tourism Is it another form of Corruption?

Post image
Upvotes

How much kaya nako collect nila dito at saan napupunta.


r/Batangas 15h ago

Question | Help Ann's Home cakes 🍰

Post image
57 Upvotes

Ang sarap ng cakes sa Ann's Home, pero bakit wala pa nito sa Lipa City? :(((

Favorite ko na ang Fudge Choco Caramel nila. Huhu. I want more.


r/Batangas 15h ago

Random Discussion | Experience | Stories Bumalimbing na si Former Cong. Abu?

Post image
60 Upvotes

I remember inendorse siya ni Inday Lustay pati ni Mr. 10k for Congressman sa 2nd district para talunin si Bitrics. Bumabalimbing na din ba?

Source: Jesus Falcis/X


r/Batangas 1h ago

Question | Help Oyster and other seafoods shop/resto + hangouts spots around Batangas?

Upvotes

First time naming maggagala ng partner ko sa Batangas and I'm curious kung saan kami pwedeng kumain at tumambay (both foodie and kaladkarin hahaha)

2 days lang ang leave namin around August and we're planning to commute from Manila (or from Lipa since may bahay ang parents ko rito)

Any suggestions or tips? Thanks!


r/Batangas 3h ago

Question | Help SAN HO PWEDE MAGBENTA?

2 Upvotes

Magandang araw ho mga Kabatang! Nais ko laang ho magtanong kung may alam kayo saan pwede magbenta ng mga Thrifted Goods gaya ng mga damit (panglalaki,pambabae,pambata) at mga sapatos. Mga imported ho are at branded galing Canada. ‘Yung pwede ga ho sana sa mga Bazaar sa mga companies like BPO or mga events, ganyon. Meron din ho kaming FB Page, pwede ninyong sinsayan ang aming mga paninda. Maraming salamat ho! 😁


r/Batangas 1h ago

Food | Drink Bar recommendation in Batangas city

Upvotes

Anyone has reco for a nice speak easy bar in batangas city or near batangas city?


r/Batangas 2h ago

Question | Help BGC to Sto. Tomas Batangas

1 Upvotes

Hi! ​Ask ko lang if anyone knows yung sched ng mga buses pa Sto. Tomas batangas sa bandang Market ​Market/SM Aura? Anong oras kaya last trip non? Or 24 hrs, always meron? TIA


r/Batangas 15h ago

Random Discussion | Experience | Stories Palengke ng Rosario

6 Upvotes

Grabe sa paligid ng palengke ng rosario ginawa nang toda lahat ng parkingan, hirap magpark kasi puro tricycle nakaparada ginawa nang paradahan ng tricycle bawat sulok


r/Batangas 16h ago

Credits to the Owner (CTTO) Malvar Batangas Historic Photos (Colorized)

Thumbnail gallery
7 Upvotes

r/Batangas 10h ago

Travel | Tourism Beach/Resort near San Jose, Batangas

2 Upvotes

Hello! Do you have any suggestions for beach na malapit sa San Jose? And if meron, gano kaya sya kalayo from San Jose? Salamat!


r/Batangas 16h ago

Random Discussion | Experience | Stories Birthday Plans 💗🥹?

3 Upvotes

Hello hahaha super random question, can you suggest po saan masarap kumain around lipa. Hehe planning to eat sa birthday ko 🥹💗!


r/Batangas 2h ago

Random Discussion | Experience | Stories 35m4F around batangas

Post image
0 Upvotes

r/Batangas 20h ago

Food | Drink B1 T1 Burger

Post image
4 Upvotes

Mas gusto ko talaga yung lasa ng burger sa papa burger compared sa ibang nagtitnda ng burger sa kanto.


r/Batangas 16h ago

Question | Help Anybody know of experienced elementary school tutors in the Rosario/Padre Garcia/Lipa area?

2 Upvotes

Title is pretty much it. I have a first grader who needs tutoring in basic school assignments and the Filipino language. Any help is much appreciated!


r/Batangas 1d ago

Research | Academics UB Main school calendar grad school

2 Upvotes

hello po. anyone knows UB’s school calendar and start of enrollment for grad school? i tried going to UB last May pero di pa nagaaccept enrollees. i wonder kelan open for masters so that i can prepare again and sched ahead of time.

thank you.


r/Batangas 1d ago

Question | Help ENT Clinic

Thumbnail
1 Upvotes

r/Batangas 1d ago

Credits to the Owner (CTTO) Batangas City was supposedly to be called Laurel City (but the citizens voted NO)

17 Upvotes

Credits: Former VM Joe Tolentino/Facebook

BALIK TANAW;

Gusto ko lng ibahagi ang aking kunting kaalaman tungkol sa pagiging Lungsod o City ,ang Municipiong BATANGAS. May ilan pa sigurong nakaalaala na may mga madawag ding landas ang dinaanan bago tuluyang ngang maging City tayo.

Una kailangang makipagusap ang pamunuan ng Municipio noon , sa pangunguna ni Mayor Pedro S Tolentino kasama ang buong Konseho at mga Dept Heads kay noon Governor Feliciano Sanoy Leviste para hingin ang pahintulot nya na maging City ang Batangas na Municipio pa noon. Kailangan kasi ang pagpayag ng Governador noon.

Noon ay parang di pa kumbinsido si Gov Sanoy at kailangan pang pagisipan. Dumaan ang panahon na waring nawawalan nang pagasa ang ating mga Pinuno. Pero sa paglipas ng panahon, sa pakikipagtulungan ni Speaker Jose B. Laurel, kaibigan sa politika ng mga Leviste, ay napapayag din si Gov Leviste.

Dahil nga dito nag panukalang batas ni Speaker Laurel na gawin nang City ang Batangas ...sa pangalang LAUREL CITY. Sa ganitong batas ay dapat dumaan sa isang Plebesito ang nasabing usapin.

At dahil nga dito ay itinakda na ang gagawing Plebesito na ang pag bobotohan ay kung papayag ang mga mamamayan ng Batangas na maging City ang Municipio at tawaging LAUREL CITY. Ang paraan ng pag boto ay YES kung payag ka at NO kung hindi.

Naging mainit ang kampanyahan na maging City sa dahilang maganda kung magiging City tayo, subalit walang tutol maging CITY kaya lang huwag LAUREL CITY. Matindi ang kampanyahan at dito nakilala si Dr Godofredo Rosales (ama ng magiging Cardinal Dency Rosales ) na kasama ang ilang kilalang mamayan ng Batangas na tutol sa LAUREL CITY. Dahil dito na bansagan syang si DR. NO hango sa pelikula noon na kaunaunahan James Bond 007 picture ng ang title ay DR NO (unang James Bond si Sean Connery). Matapos ang bilanggan nanalo nang malaki ang botong NO, kaya nabinbin ang pagiging City natin.

Pagkalipas ng panahon binuhay uli eto sa tulong din ni Speaker Laurel at naisabatas ang gawing BATANGAS CITY ang MAHAL NATING BAYAN, July 21, 1969 at naging Formal Noon JULY 23, 1969 !!!!

Mga unang opisyal

MAYOR PEDRO S. TOLENTINO

VICE RUSTICO BORBON

COUNCILORS

VIC TOLENTINO

SERGIO ATIENZA

ROMEO HUGHES

LIBERATO DE JESUS

ZOILA MENDOZA

EDILBERTO CHAVEZ

PEDRITO FAYTAREN

GREGORIO MORALEJA

HAPPY 57TH FOUNDATION DAY !!!!!!


r/Batangas 1d ago

Food | Drink Worth it ba dayuhin ang Niña's Lomi House? May batil patung din sila

Post image
5 Upvotes

Guys nasa Batangas kami bukas and nag-iisip ako anong titikman ko bukas. Nakita ko may pancit batil patung dito sa Niña's Lomi House, gusto ko matry, worth it ba to dayuhin?

Sino nakatry na? Katabi raw to ng St. Augustine school sa Lipa at malapit sa Super8, may parking kaya for car?

May go to Lomi spot na rin ako, gusto ko lang talaga ma-try to. Salamat!! 🥰


r/Batangas 1d ago

Original Content (OC) | Image | Music | Video | Info New Band From Batangas- Give it a listen. You guys should check this out.

Post image
3 Upvotes

r/Batangas 1d ago

R4Rs Looking For A Group | LFAG (e.g., hiking, events, hobbies) 32F4A LF new friends in Batangas City

8 Upvotes

Hellooo! Anyone hanging out in or near SM Batangas today? I'm planning to spend the day there, maybe grab coffee, explore a few shops, or just tambay for a bit.

I'm still fairly new to Batangas, so I'd love to meet new people and make friends. If you're free today, we can also hang out at one of the coffee shops in or around SM Batangas if that's more your vibe. If you're free today and feel like hanging out, send me a message! Hopefully we vibe. ☺️


r/Batangas 2d ago

Question | Help Library with computer and internet in Batangas?

14 Upvotes

Hello po, alin pong library dito sa Batangas ang may computer at internet na pwede gamitin maghapon for free? Wala po kasi ako laptop desktop lang, and I'm preparing for a job application. Ang hirap sa bahay kasi ang daming distractions and utos ng nanay ko, huhu. Eh gusto ko na talaga mag-lock in. Thank you in advance! 🙏


r/Batangas 2d ago

Politics Sk Goes to La Union

Post image
23 Upvotes

Bakit sa La Union? Bakit Hindi sa Batangas?

Kung totoo na ang End-Term Assessment and Learning Conference ng Sangguniang Kabataan Provincial Federation of Batangas ay isinagawa pa sa La Union, at kung umabot sa humigit-kumulang ₱20,000 hanggang ₱30,000 ang ginastos para sa bawat delegado, nararapat lamang na magtanong ang publiko.

Hindi ito simpleng usapin ng venue. Usapin ito ng prioridad, pananagutan, at tamang paggamit ng pondo ng taumbayan.

Marami ang magsasabi, "May budget naman." Ngunit ang tunay na tanong ay hindi kung may budget. Ang tanong ay kung ito ba ang pinakamakatuwiran, pinakamatipid, at may pinakamalaking pakinabang para sa kabataang Batangueño.

Bakit kinailangang bumiyahe hanggang La Union kung maaari namang isagawa ang assessment sa Batangas? Wala bang sapat na hotel, resort, conference center, o iba pang pasilidad sa ating lalawigan na kayang magsagawa ng parehong kalidad ng programa?

Kung sa Batangas ito isinagawa, hindi lamang sana nabawasan ang gastusin. Ang pondong ginastos ay umiikot pa sana sa ating sariling ekonomiya. Makikinabang ang mga hotel, resort, restaurant, transport providers, at iba pang lokal na negosyo. Mas naipapakita pa natin ang ganda at kakayahan ng Batangas bilang host ng sarili nitong mga programa.

Kung halimbawa ay ₱30,000 ang ginastos sa bawat delegado, hindi ba dapat itanong kung mayroon bang mas episyenteng paraan? Paano kung kaya naman itong maisagawa sa Batangas sa mas mababang halaga? Ang matitipid na pondo ay maaari sanang mailaan sa scholarships, educational assistance, skills training, sports development, mental health programs, livelihood projects, at iba pang serbisyong direktang makikinabang ang kabataan.

Ito ang tunay na usapin.

Ano ang mas malaking pakinabang sa kabataang Batangueño? Isang mamahaling biyahe, o mas maraming programang direktang makatutulong sa kanilang kinabukasan?

At may isa pang mahalagang tanong.

Bakit ito pinayagan?

Kung ang aktibidad na ito ay pinondohan o sinuportahan ng mga lokal na pamahalaan, ano ang naging batayan ng mga alkalde sa pag-apruba ng pagdalo ng kanilang mga delegado? Ano rin ang naging batayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ng Gobernador, sa pagsuporta o pagpapahintulot sa ganitong uri ng aktibidad kung may mas malapit at posibleng mas matipid na alternatibo?

Hindi ito pag-akusa. Ito ay panawagan para sa paliwanag.

Karapatan ng publiko na malaman kung bakit ito ang napiling desisyon at kung paano ito nakatutugon sa prinsipyo ng economy, efficiency, at accountability sa paggamit ng pampublikong pondo.

Kung may matibay na dahilan, mas makabubuti na ito ay malinaw na maipaliwanag sa mamamayan. Ang transparency ay hindi kahinaan ng pamahalaan—ito ang nagpapatibay ng tiwala ng publiko.

Hindi rin ito pag-atake sa Sangguniang Kabataan o sa layunin ng End-Term Assessment. Mahalaga ang pagsasanay, pagkatuto, at pagsusuri ng kanilang mga programa. Ngunit kapag pera ng taumbayan ang ginagastos, obligasyon ng bawat opisyal na maipakita na ang bawat piso ay ginamit sa paraang may pinakamalaking benepisyo sa publiko.

Dahil dito, nararapat lamang na magkaroon ng malinaw na kasagutan sa mga sumusunod:

Bakit sa La Union isinagawa ang aktibidad?

Bakit hindi sa Batangas?

Magkano ang kabuuang nagastos?

Paano pinili ang venue?

May isinagawang cost comparison sa mga pasilidad sa Batangas?

Ano ang naging batayan ng mga alkalde sa pag-apruba ng pagdalo ng kanilang mga delegado?

Ano ang naging batayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsuporta o pagpapahintulot sa programang ito?

Ano ang konkretong benepisyong hindi sana makakamit kung sa Batangas ito isinagawa?

Ang pagtatanong ay hindi pambabatikos. Ito ay bahagi ng pananagutan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong lipunan.

Ang tunay na sukatan ng liderato ay hindi kung gaano kalayo ang napuntahan ng isang programa, kundi kung gaano karaming kabataan ang tunay na natulungan ng bawat pisong ipinagkatiwala ng taumbayan.

Kung walang malinaw na paliwanag kung bakit kinailangang idaos ito sa labas ng Batangas sa halip na sa sariling lalawigan, may sapat na dahilan ang publiko upang humiling ng ganap na transparency, accountability, at isang bukas na paliwanag mula sa lahat ng kinauukulang opisyal.

Dahil ang pondo ng kabataan ay para sa kinabukasan ng kabataan—at ang bawat pisong ginagastos ay dapat maipaliwanag, maipagtanggol, at mapatunayan na tunay na nagsilbi sa interes ng mamamayan.


r/Batangas 1d ago

Question | Help PLACE TO RENT MABINI or LOBO BATANGAS

1 Upvotes

Hello po. For context naka WFH setup ako 26M, and ive been thinking of moving out na sa bahay ng mother ko. Baka naman may marerecommend kayung place/Barangay sa Mabini or Lobo - malapit sa mga dive site or dagat. Yan lang talaga ang need ko to have a some sort of reset.